Chapter 3

34K 811 173
                                    

Shrek minded and Spongebob

Author's Note:

ayan sige, itodo ang updates, mawawala ata ulit ako, kaya advance happy b-day sa ultimate bias kong si OH SEHUN God Bless, wish you all the best

dedicated sa mahal kong unnie :D

Myles'POV

Kahit nasa state of shock pa rin ako pinilit kong magluto ng hapunan namin. Pasalamat na lang talaga ako may laman ang ref namin kundi mapipilitan talaga akong lumabas at baka 'yon pa ang maging sanhi ng pagtakas niya.

Habang naghahanda ng pagkain ay naghahanda naman siya ng mga plato at kutsara't tinidor. Napansin ko ang pagkamaayos niya, at may patissue- tissue pa. Ang daming arte, nakakairita!

Nang matapos akong maghanda ay inihain ko na ito at siya naman 'tong parang bata na excited na excited kumain. Pasalamat na lang din ako kakabili lang ng gasul namin. Habang kumakain kami ay walang nagiimikan sa amin. Patuloy lang kami sa pagkain, gusto ko sanang magtanong ng kung ano- ano sa kaniya kaya lang baka mapahiya na naman ako sa lecheng 'to.


"Ba't ang tahimik mo Myles?"- Halos malamon ko ng buo ang kutsarang sinusubo ko nang magsalita siyang bigla

"Ikaw? Ba't ang ingay mo?"- Pabalang kong sagot sa kaniya, imbes na mainis ay nginitian niya pa 'ko, tss, sinusubukan niya lang talaga ang pasensya ko.

"Ikaw na maghugas ha"- Malambing niyang sabi sabay tayo at lumabas ng kusina

"Okay"- 

"Manonood lang ako ng TV, tingnan ko kung ano ng nangyayari sa bansa natin"- Kasabay non' ang tuluyan niyang pagpunta sa sala

Pagkatapos kong kumain ay agad ko ng dinala ang mga pinagkainan sa lababo. Hays, ayoko talagang kumikilos dito sa bahay, pero kailangan pa rin para hindi ipisin, kahit hindi man lumipad ang ipis ang chaka pa rin nila. Ang ipis ay forever chaka sa paningin ko at hindi na magbabago 'yon

"HAHAHAHA!"- Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Luhan na tawa ng tawa habang nanonood ng TV, sabi niya balita ang papanoorin niya, ba't parang comedy show ang pinapanood niya?--Teka!

Bakit hayahay 'tong hayup na 'to?! At ako pa talaga ang maghuhugas ng pinggan ha! Ako dapat ang nasusunod sa bahay na 'to dahil unang- una sa lahat, ako ang may ari ng bahay 'to, dito ako nakatira, ako ang naglilinis nito, ako ang nagaalaga dito, atsaka sampid lang 'yang lalaking 'yan dito ah! Duh! Ako ang kidnapper dito, ako dapat ang namumuno! Ako dapat ang pinagsisilbihan!

Sa inis ko ay pinuntahan ko siya sa sala, habang siya ay walang pakielam at tawa pa rin ng tawa.

"Hoy kurimaw na mamaw!"-Untag ko sa kaniya pero parang wala siyang naririnig

Anak ng, bingi ba 'to? ba't ayaw humarap? Jong ina ne'to ah

"HOY KURIMAW NA MAMAWWWWW!"-Sigaw ko sa tapat ng tenga niya

Humarap siya ng naka-poker face

Oops!

"Kurimaw na mamaw? Hindi ko pangalan 'yun, pwede pa kung gwapo lilingon ako"-Poker face niyang sabi

"Ano ako boba? ASA!" -Kasabay non' ang pag- irap ko sa kaniya

"Sige i-try mo, tawagin mo akong gwapo"-Siya na binalik yung mata sa TV, ako naman 'tong tanga- tanga na sinunod ang sinabi niya

"Gwapo"-

Bigla siyang humarap at masayang-masaya pa ang mokong!

"Anything that I can do for you miss?"-Halos daig pa ang nanalo sa lotto sa sobrang saya ng mukha niya, argh! 

Kidnapping An Exo Member [REVISING]Where stories live. Discover now