Epilogue

12.2K 529 388
                                    

Maraming-maraming salamat po sa pagsu-support nitong fanfic na ito, salamat dahil hanggang huli andyan pa din kayo, sana magustuhan niyo po ang epilogue, enjoy reading!

[ Narrator's POV ]


"LUHAN!!!!"- sigaw ni Myles

"agad-agad ko siyang nilapitan nang siya ay bumagsak, Diyos ko ano pong nangyayari, mabilis naman ang development ng katawan niya ah? s-sabi ng Doctor, what the fvck? sinungaling ba ang doctor na iyon? o si Luhan ang nagsinungaling na ayos siya"- sabi mng isip ng dalaga

Agad-agad naman ding pinagtulungan ng members si Luhan na buhatin para dalhin sa hospital, ang dalaga ay sumunod, wala siyang pakielam kahit masira ang kanyang iniingatang damit pang-kasal, hindi mapigilan ng dalagang maiyak dahil sa kanyang nasasaksihan, masakit para sa dalaga makita ang kalagayan ng minamahal, pilit siyang pinapatahan ng nakatatandang-kapatid na si Ally ngumit tila ayaw nitong magpa-awat, nanlulumong nilapitan ng kanyang ama ang dalaga at tumulong sa pagpapatahan ngunit walang tigil ang dalaga

"Hindi pa patay si Luhan anak"- sabi ng kanyang ama

ngunit walang naging sagot ang dalaga, ngayon ay nasa hospital na sila ngunit hindi pa din humihinto sa paghagulgol ang dalaga

Pilit mang pagsalitain ngunit ayaw talagad nitong umimik, walang maririnig kundi ang paghagul-gol lamang, masakit para sa dalaga ang nasasaksihang hinang-hina ang minamahal, gusto nitong pumasok sa kwarto ng binata ngunit ayaw payagan ng kanyang ama dahil baka hindi kayanin ng dalaga ang kung ano mang maaaring mangyari, pinipilit ng dalagang kumawala sa paghawak ng kanyang nakatatandang kapatid at ama, tila lumakas ito at pinilit makawala at ito naman ay nagtagumpay

Agad niyang tinakbo ang kwarto kung nasasaan ang binata

“LUHAN!!”- sa wakas ay nagsalita ang dalaga

Walang maririnig sa buong kwarto kundi ang pagpipigil ng mga Doctor sa kanya at ang pagsigaw ng dalaga ng pangalan ng binata

Kidnapping An Exo Member [REVISING]Where stories live. Discover now