• Aoi Kageyama's Pov •
Hi guys, andito ako ngayon sa kwarto ng kuya kong ubod ng kagwapuhan(LoL joke lang haha).Short-tempered siyang tao, di mo maiintindihan ang iniisip pero pag ako? Alam na alam ko. Gusto niyo malaman ginagawa namin? Nagtititigan.
Diko alam kung gusto niyang makipaglaban sa titigan, pero alam kong may problema toh.
"Aniki. Nak nak!? May tao ba dito!? Antok po kasi kapatid mo eh!" Binatuhan niya lang ako ng unan na nasa tabi niya at napabuntong hininga lang siya.
"Nagtatanong ako tas hindi ka sumasagot. Tsk!" Tinignan niya lang ako ng masama.
"..."
"..."
Tumayo na ako at papalabas na sana nung hinawakan niya kamay ko at hinila pa upo ulit.
"Aray! Makapaghila ka naman! Grabe!"
Nag kamot lang siya saka tumingin sakin.
"Aoi." Serious tone.
"Aniki." Umupo ako ng maayos. Medyo nakakatakot, haha.
"P-pwede bang... Turuan mo ako kung pano ngumiti?" Ahehe. Ang cute niya. Ngumiti lang ako at tumawa.
"Hahahahaha.." Hinawakan ko ang tiyan ko dahil sa lakas ng tawa ko.
* 5 minutes later *
"Hahahahaha." Napaubo ako sa kakatawa at tinignan siya.Nagulat nalang ako nung nagsusunog siya sa galit.
"Woohh! Ang ineettt! Grabe! Aniki, pakibukas yung fan! Thank you!" I smiled lightly.
Napaatras ako nung bigla siyang tumayo at unti-unting lumapit sakin. Akala ko sasakalin ako, i-oopen pala yung fan,safe.Bumalik na siya agad sa kinauupuan niya.
"Sorry.." Sabi lang niya pero mahina.
"Oh bat ka nagso-sorry? Ako dapat nag so-sorry eh. Kasi ako yung tumawa. Tinawanan kita dahi---"
"Yan kana naman, daldal ng daldal. Tsk." Pinutol nanaman sasabihin ko, ako na ngalang nag papaliwanag eh! Hehe. Sa totoo lang talaga, madaldal ako eh.Linapitan ko si kuya at pinisil pisngi niya, gamit ang dalawang kamay ko.
"Aray! Ano ba?!" Pinalo niya yung kamay ko at hinaplos pisngi niya.
"Aniki, kung gusto mong malaman pano ngumiti, try mong ilagay yung feelings mo kung masaya kaba talaga. Hindi yung pinipilit mo! Para ka kasing demonyo kung ngumiti ng pilit eh."
Tumingin lang siya sa baba, hindi umiimik. Hay nako, sampalin ko na kaya toh.
"Ani--Aahhh!" Nung bigla niyang tinaas mukha niya, napasigaw nalang ako. Yan nanaman yang pilit na ngiting yan eh! Kala mo kung sinong demonyo!Bigla namang pumasok si Mama. Nako, sorry po kung nagising kayo.
"Ano nanaman yang sinisigawan mo! Gabing gabi na ah! Matulog na nga kayo! Ikaw Aoi! Matulog kana! Kaw din Tobio! May pasok pa kayo bukas!"Nagpaalam na ako kay Kuya at tumayo sa kinauupuan ko.
"Oyasumi." Palabas na sana ako pero tumigil ako.
"Aniki, tatak mo sa isip mo yung sinabi ko ah! Bye!" Nagmadali na akong lumabas at pumunta sa kwarto ko. Hay nako. Buhay nga naman. Bat ganito? Lol. Di naman sa hindi ko gusto buhay ko.
Tulog na nga lang.
BINABASA MO ANG
The Uncrowned Prince's Sister
FanfictionWhat if, Tobio Kageyama from Haikyuu!! may sister? Pero magkaiba ng ugali? Tunghayan natin ang story ni Aoi Kageyama, sister ni Tobio.