Chapter 3

187 3 0
                                    

• Aoi's Pov •

Yay! Saturday nanaman! Kaya naman pala hindi ako ginising ni mama. Si kuya kaya? May practice kaya yun? Movie Marathon sana kami. Bonding bonding lang. Dali dali akong pumunta sa kwarto ni Kuya para yayahin siyang mag Movie Marathon.
"Kuyyaaaaa!!" Pagkabukas ko ng pinto, wala na pala siya. Naman oh!
"Oh, may practice daw sila ngayon. Eh kayo?" Dumating naman si mama kakatapos lang naglaba.
"Wala daw po." Sagot ko at tinulungan siyang buhatin ang mga labahan.
"Ma, punta ako sa school nila Kuya." Nag nod lang si mama at linagay ko muna ang mga labahan sa sala saka na ako lumabas. Sinakyan ko ang bike ko at pumedal ako ng mabilis.

Pagkarating ko sa school nila kuya, dumeretso na ako sa Gym at nadatnan ko silang nagprapractice.
"Oh! Aoi. Nandito ka pala. Kakarating mo lang?" Sinalubong ako ng Manager nila saka ako pinaupo sa may bench.
"Opo. Wala kaming practice ngayon kaya may free time ako." Nag "Ok" lang siya saka pinabreak muna ang mga players. Sinalubong ko si Kuya ng mahigpit na yakap at gulat na gulat naman siya saka tinulak ako agad.
"Aoi?! Anong ginagawa mo dito?!"Hay nako, yan nanaman siya.
"Syempre pinapanuod ka.Bakit? Bawal ba?" Kumurot lang ang noo nito. Kung magalit wagas eh.
"Wala ba kayong practice ngayon?"
"Wala." Sagot ko. Linapitan ko rin ang mga ibang players at nag "Hi" sa kanila.
"Aoi, hanggang sa bahay niyo ba, ganyan yan?" Tanong sakin ni Hinata-Senpai. Napa sigh lang ako at nagsimula nanaman akong magdaldal.
"Opo. Kahit anong gawin kong panglambing sa kanya,parang may galit parin siya sakin." Nakikinig nanaman ang mga ibang players. Tinignan ko sila at inayang magpagilid ng konti para Hindi marinig ni Kuya ang mga ichichismis ko nanaman.
"Alam niyo po,minsan nga nagpaturo sakin yan kung pano ngumiti ng hindi nakakatakot." Naghalikhikan lang sila at si Tsukki-senpai naman,napalakas ang tawa niya. Napatingin samin si Kuya kaya lumapit siya samin at konyare walang nangyare.
"Bakit? Ano meron?" Tanong ni kuya.
"Wala.. Hehe." Medyo natatawa palang ang mga ibang players pero dumating na yung Manager nila para pagpraktisin sila ulit.

Pagkatapos ng practice nila nagpaalam na kami ni Kuya sa mga ibang players para umuwi. Tahimik lang kami na naglalakad habang hawak ko ang bike ko sa kabila. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan na ako.
"Ano pinaguusapan niyo kanina?" Nagulat ako sa tanong niya pero nginitian ko lang siya saka ko linayo ang tingin sa kanya. Nagulat nalang ako nung tumingin ako ulit sa direksyon nya.
Patay!
"Kuya... Hehe.. A-ano..m-may tinatanong lang ako sa kanila kanina hehe..?" Nanginginig na ako sa takot kasi naman! Nangangapoy na sa galit! Huhu.
"Yun lang ba talaga hah!?" Iihh!
"O-Oo! Pramis kuya! Haha! Bilisan na natin baka magalit pa si mama!" Binilisan kong sumakay sa bike ko at pumadel na agad kasi takot ako! Baka ano gawin sakin nun!
"Hoy! Aoi!"  Dko na pinansin si kuya at nag derederetso nalang ako.
Hehe! Kahit ganon kuya ko, mahal ko siya.

The Uncrowned Prince's SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon