Chapter 6

105 3 0
                                    

• Aoi's Pov •

"Huh?! A-an-- bitawan mo nga ako!" Sinipa ko ang kaliwang paa niya at dali daling binitawan ang kamay ko sa pagkaka hawak niya saka hinawakan ang paa niya.
"Aray! Ano ba?!"
Anong "ano ba?!" Kaw nga tong nanakit sakin eh!
"Bat kailangan mo pa kasing hawakan kamay ko?! Kaya ko naman ah!" Tinignan ko lang ng masama si manager. Napa sigh lang siya saka sumandal sa may salamin ng isang shop na nasa tapat namin. Tinignan niya lang ako at pinapapunta sa tabi niya. Para bang aso lang ginagawa sakin. Mukha ba akong aso?!
"Ano na? Umuwi nalang kaya tayo. Kung ano kasi nasa isip mo kanina eh."
"Linayo lang kita sa kuya ko." Tinignan niya lang ako ng seryoso kaya medyo napaatras ako at saktong nabangga ko yung taong nasa likod ko.
"Ah-! Sorry po. Ok-- Senpai?!"
"Ah!" Nagulat naman ako sa nakita ko, Hinata senpai? Ano ginagawa nila dito?
"Senpai! Nandito rin kayo? Ano ginagawa niyo dito?" Kasama niya sina Noya at Tanaka senpai. Himala ah. Napa mall sila.
"A-ah.. Aoi--" bago pa matapos ni Hinata senpai yung sasabihin niya, linayo naman ako ni manager sa kanila.
"Sino kayo?" Tanong niya sa kanila kaya nagalit naman si Tanaka senpai at Noya senpai. Patay! Pag yang dalawang yan nagalit...
"Huh?! Kami ginaganyan mo? Hoy. Middle schooler ka palang. High school na kami." Linapitan nila si manager saka tinignan siya ng masama. Natakot naman bigla si manager kaya napaatras. Yan kasi eh. Hindi ba niya narinig na nag "senpai" ako?
"G-ganon po ba. Sorry." Tinitigan niya lang si Hinata senpai kaya napatingin siya sa kanya.
"Ano tinitingin mo?" Tanong ni Hinata senpai. At sa kasamaang palad, natanong ni manager ang pinaka-iinisan ni Hinata senpai na marinig.
"Pati ikaw..? Sa height mong yan...?AH!
"..."
"Hoy! Wag mo kaming ginaganyan! Respect your senpais nga diba?!" Sinabihan siya ni Noya senpai kaya nag sorry naman toh. Tsk. Tung lalakeng toh.
"Hoy.." Nung magsalita na si Hinata senpai, napatigil kami ni manager. Uh-oh.
"Sinong maliit huh?! Hoy bata! Tatangkad din ako! Kala mo kung sino ka! Oo, maliit ako pero mataas akong tumalon!." SHRIMP. hehe... sorry..
"A-ah..! S-sorry po talaga, senpai!" Nag bow si manager sa kanya at nag pout lang si Hinata senpai. Hay nako. Tinignan ko kung anong oras na at lampas 3 pm na! Patay ako nito!
"S-senpais! Sorry! Kailangan ko ng umuwi! Manager! Next time nalang! Bye!" Dali dali akong lumabas sa mall papunta sa bus station. Buti nalang talaga naabutan ko yung bus.

Pagkarating ko sa bahay, sinalubong agad ako ni kuya. Patay ako nito. Subukan ko kayang tumakbo papunta sa loob? Try ko!
Dali akong tumakbo para lampasan si kuya pero nahuli niya ako.
"K-kuya.. S-sorry na oh.. N-nakita ko kasi sina Tanaka senpai kanina sa mall eh .. Haha.." Tinignan ko lang siya kaso sobrang init na ang nararamdaman ko sa katawan niya. Parang apoy na ewan. Jusko! Ayoko pang mamatay!
"Alam mo ba kung anong oras na? A-O-I?"
"Ahaha... Sorry na Kuya oh... Hindi ko kasi napansin yung oras ka--"
"HUH?!" Iniwas ko lang yung mukha ko sa kanya. Kasi nakakatakot na eh. Akalain mo? Nagaapoy na siya ng galit. Naiintindahan ko na concern siya sakin na baka may mangyari sakin kasi nga diba? Kapatid niya ako at babae pa. Naku. Buti nalang talaga, hindi niya sinabi kay mama.
"Ganito kasi yun.." At sinimulan ko na ang pagkwekwento sa kanya. Sinabi ko lahat ng nangyari nung nakapunta na kami sa Mall. Nag sigh lang siya.
"Oo. Sinabi sakin ng mga team mates mo. Nag bow pa nga sila sakin eh." Tumawa ako ng konti sa loob. Haha, nag bow sila sa Kuya ko? Wow hah. Pati kaya si Akame? Hihihi.
"Yung Manager niyo..."
"May sinabi ka?"
"Wala.. Sige na. Nakaluto na si mama." Binalewala ko nalang yung sinabi niya saka na kami dumeretso sa kusina para kumain. Kahit ganito si Kuya, love ko parin siya kahit... Nakakatakot na. Haha. Maswerte talaga ako kasi Kuya ko siya.

Nagising ako ng maaga, salamat sa dalawang alarm clock na linagay ni Kuya sa kwarto. Oo, nagpalagay ako ng dalawang alarm clock. Astig noh? Haha!
"Kuya!" Pagkalabas ko ng kwarto, deretso na ako sa kusina at nakita ko naman si Kuya, kumakain na.
"Ang mean mo! Hindi mo nanaman ako hinintay kumain! Hays."
"Umagang-umaga tas Lunes pa Aoi ah. Huwag mo nanamang painitin ulo ko." Oo na. Kasi, mag prapractice ka nanaman kasama si Hinata senpai. Ewan ko sa dawalang toh, may relasyon ata silang tinatago. Haha! Joke lang. Ano ba! Minsan, mahilig din ako sa mga Boys Love na yan. Sshhh. Haha.
"Koya. Practice din tayo minsan. Tayo lang." Suggest ko. Para naman may sibling bonding diba?
"Setter ka, setter ako. Pano yun? Tas hindi kapa marunong mag spike." Toh naman. Kailangan talaga ipamukha eh.
"Eh ... Pwede mo bang tawagan si Hinata senpai? Kung ayos lang sayo." Wala na. Wala na yung bonding namin.
"Sige ba."
Pagkatapos naming kumain, sabay na kaming lumabas ng bahay. Hindi kami parehas ng direksyong lalakarin. Syempre, Middle Schooler palang ako. Ibang way ang Karasuno.

"OOYYYYY" Pagkarating ko sa school, nakita ko sina Shizuka at Akame naglalakad paloob ng campus. Syempre, kasama si Ayumi.
"Ah! Naalala ko. Nag bow daw kayo kay Kuya?! Hahaha!" Binatukan lang ako ni Akame. Aba! Masakit yun ah!
"Syempre! Nakakatakot kaya Kuya mo." Sagot naman ni Ayumi. Eh sino ba may kasalanan? Diba ikaw?!
"Kasalanan mo kaya lahat!"
"So... Anyare kahapon kay Manager?"
"Tsk. Wala. Nakakainis nga eh. Tara na nga." Ayokong pag-usapan ang mga nangyare kahapon nung iniwan nila ako. Hindi naman importante eh.
"Speaking of the Devil."
"Huh?" Nakita ko si Manager palapit samin. Inignore ko lang siya kasi akala ko, hindi ako ang kakausapin.
"Aoi." Tinignan ko lang siya tas naglakad ulit.
"Teka lang." Hinarangan niya ako sa daan kaya pinagbigyan ko nalang siya.
"Ano ba yun? Mag so-sorry ka sa nangyari kahapon? Ok lang yun, Manager. Huwag kang mag-alala." Pinat ko lang siya saka naglakad na ulit at iniwan ko siyang nakatayo habang tinitignan ako. Lol. Romance lang ganon?

• Takamura's Pov •

Naghihintay ako sa may bench dito sa school para makapag sorry kay Aoi at... May gusto akong tanungin sa kanya. Kahapon nung hinawakan ko siya, parang nangyari na dati sakin pero hindi ko lang masyadong maalala. Gusto kong tanungin kung magkakilala na kami dati or ano. Basta! Naguguluhan ako.
"Tsk. Wala. Nakakainis nga eh. Tara na nga." Nung narinig ko ang boses ni Aoi, dali akong lumapit sa kanya.
"Speaking of the Devil."
"Huh?"
"Aoi." Tinawag ko siya pero inignore niya lang ako kaya hinarangan ko siya.
"Teka lang."
"Ano ba yun? Mag so-sorry ka sa nangyari kahapon? Ok lang yun, Manager. Huwag kang mag-alala." Pinat niya lang ako saka naglakad nalang ulit. Gusto kong magsalita pero hindi ako makapag salita. Siguro, hindi pa ngayon ang tamang panahon para tanungin siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Uncrowned Prince's SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon