• Aoi's Pov •
"Boorrriiinnggg!!"
"May magagawa kaba? Wala sakin yung susi ng gym kasi nga diba, na-extend yung laban."
Kasalukuyang nasa isang ramen house kami ngayon at naghihintay ng tawag galing sa coach namin. Nagyaya kasi akong mag practice kami pero hindi naman pala hawak ni captain ang susi kasi kinuha daw ni manager at binigay kay coach. Ano ba yan! Extended lang tas kailangan pang kunin yung susi. Hay hay..
"Alam mo girl, you need to wait. Hay. Hindi lang naman ikaw ang bored dito noh. Duh!" I just rolled my eyes pero kinuha niya lang ang make-up niya sa bag niya. Arte nan netoh.
Sinalumpak ko lang ang mukha ko sa lamesa saka nag order na kami. Isang oras na kaya kami dito pero hindi parin kami naka order.
"Lo, damihan mo ng meat ah. Hehe." pang loloko ko kay Lolo Kim, ang may ari ng ramen house sa gilid ng kalsada. Mura lang dito kesa sa mga ibang ramen house dyan na napaka mahal. Tipid sa bulsa. Hahaha!
"Plus bayad pag ganun." sagot niya sabay ngiti kaya hindi na ako lumaban. Kakatakot kaya mukha niya pag ganyan ngumiti!
Pagka serve ni lolo yung bowl ng ramen, agad na kaming kumain dahil sa gutom. Itong si Ayumi, ang baboy pala kumain kala mo kung sinong sosyal. Syempre ako din haha."Salamat po!" Pagkatapos naming kumain, napagdesisyonan namin na gumala kahit ngayon lang. Kaya naman, pumunta kami sa mall.
"OMG. Look at those dresses! So gorgeous!" Pagkarating palang namin sa mall, hinila na kami ni Ayumi papunta sa may Dress Shop. Maliit lang toh na shop pero bongga ang mga damit na tinitinda nila.
"Hi, Ms.! Welcome po ulit sa shop namin! Kasama mo po mga kaibigan mo?" May babaeng bumati kay Ayumi, sales lady ata.
"Yes, they are." Sagot naman niya. Linapitan kami ng babaeng diko-kilala-na-kilala si Ayumi at tinignan kami taas hanggang baba.
"Hmmm..." Ano hah? Tinetesting mo kami? "Gorgeous! Gustong gusto ko ang body niyo! Hali kayo dito at mag dredress-up kayo!" Hinila ako ng babae kasama narin si Akame at Shizuka. Pumasok kami sa dressing room at dun namin nakita kung gano kadami at kagagandang damit ang nasa loob. Napa "Wow" lang ako kasi ngayon lang ako nakakita ng ganito.
"Welcome to the most gorgeous shop of all!" HUH.Linibot ko ang mata ko sa malawak na dressing room. Si Shizuka naman, tahimik lang kaso parang may nagustuhan na siyang dress kaya naman linapitan niya yun. Si Akame din, ganon. Black yung napili. Ako, hindi pa nakapili. Sinabi kasi ng may ari, yung babae kanina, na pumili daw kami nang damit na gusto namin. Wala daw bayad. WOW hah.
"Bawi ko sayo toh." Nagulat nalang ako ng biglang bumulong si Ayumi sa tabi ko habang nakangiti. Hindi ko siya ma gets pero nginitian ko nalang siya nang ngiting, "hindi kita magets."
Sa paglibot ko, may nakita akong dress na para bang hindi ko na maalis ang mga mata ko dito. Sky blue na polka dots. White lace yung long sleeve na kamay at may ribbon sa taas.
"Gusto mo toh?" Tanong nung may ari ng shop. Tinanguan ko siya at nginitian naman niya ako. Tinuro niya sakin kung saan ang fitting room at binigay ang dress. Habang hinahawakan ko toh, na excite akong isuot."Wow! Ang ganda! Haha." Umikot-ikot ako sa harap ng salamin kasama ang malawak na ngiti sa mukha ko. First time ko kasi makapag-suot ng ganitong kabonggang damit haha.
Pagkalabas ko sa fitting room, nakita ko si Akame at Shizuka na parehas ang itsura, lawak ng ngiti. Syempre ako rin haha. Ang suot ni Akame is black dress na long sleeves na lace style. Si Shizuka naman, polka dots rin pero pink lang kasi. May garter lang kasi sa waist niya kaya hindi kami parehas.
"Look how gorgeous these girls are, tita."
"Yes. It's fabulous!"
"Tita?!" sigaw ko kay Ayumi pero ngumiti lang siya at tinanguan ako. Grabe hah, ang mysterious ng babaeng toh.
"Calm down. Tara na at may pupuntahan pa tayo diba?" Nagtinginan kaming tatlo sabay ngiti sa isat-isa.
Nagpaalam na kami sa "Tita" ni Ayumi at nag thank you.
"Tita mo pala yun" tanong ko tinanguan lang ako.
"Oo. Tita niya. Siya si Ms. Chang. Chinese siya, half Japanese lang kasi." Ah oo nga pala noh. Syempre alam ni Akame kasi best friends sila mula pagkabata. Pagkalabas namin sa shop, nakasalubong namin si Manager at ang... Kuya niya?
"Taka-kun!" Binati ni Ayumi si manager saka toh lumapit sa kuya ni manager. Tung babaeng toh oo. Nagkatinginan lang kami ni manager pero iniwas ko ang mata ko.
"Oh! Ikaw ba yung kinasabay namin sa sasakyan noon? Ano na name mo? Aoi? Aoi ba yun, Taka?" Tumango lang si manager sa kuya niya. Linapitan ako ng kuya niya at hinawakan ang kamay ko na kinugulat ko. "I love your get-up. May ka date kaba?"
"Kuya!" Habang linalapit na naman niya ang mukha niya sa mukha ko gaya ng dati, umaatras na naman ako. Adik batoh?!
Hinablot lang ako ni manager saka niya ako linagay sa likod niya. Kaya nagulat yung tatlo. Ano ba. Ano bang nangyayari jusko.
"Kuya, pls."
"Ok. Ok." Nginitian lang ako ng kuya niya may binigay na card. "Feel free to come in my house sa next date natin. Tawagan mo lang ako." Saka umalis na. HUH??? DATE?!
"Tsk." Tinignan ko lang tung lalakeng nasa harap ko na "sinagip" ako sa kuya niya at sabay tinanggal ko ang pagkaka hawak niya sa kamay ko, sakit na kaya!
"Salamat. Sige alis na kami."
"W-wait! Hindi ok lang! Enjoy niyo nalang muna. Bye!" Tinakbuhan ako ng tatlong bruha at iniwan ako sa lalakeng ito. Kala ba nila kami na?! Wow hah. Asa naman.
"So..."
*sigh*
"Dalhin mo ako kung saan mo gusto. Basta pag kainan, treat mo ako." Nauna na akong naglakad pero tumakbo siya patungo sakin at hinawakan ang kamay ko.
"H-hoy! Ano yan?!"
"Para hindi ka mawala."
ANONG NANGYAYARE!!??
BINABASA MO ANG
The Uncrowned Prince's Sister
FanfictionWhat if, Tobio Kageyama from Haikyuu!! may sister? Pero magkaiba ng ugali? Tunghayan natin ang story ni Aoi Kageyama, sister ni Tobio.