CHAPTER FOUR

28 6 4
                                    

CHAPTER FOUR

"I feel like I am a different person when doing this with you." Satorini commented, seeing how Lunrhyx focuses on his lab experiment.

Humagikhik lang ang binata sa kanya atsaka inayos ang salamin.

"Nababakla ka na naman ba?" pabiro nitong tanong na dali-dali niyang tinanggi.

"Kadiri ka. Para na ngang kapatid turing ko sa'yo tapos itatanong mo 'yan." aniya at siniko ito.

Tumawa lang si Lunrhyx saka ulit sineryoso ang ginagawa. Bumaling si Satorini kay Shadow na nakaupo sa tabing kama kung saan nandoon din si Kirvey na nakahilata.

Lumapit siya rito nang nakapamulsa.

"How's your wound?"

"Nothing." he meant the pain and even the latter answered him shortly, he still felt empathy towards him.

"You should've not done that." sambit niya at matiim na tinitigan ang binata.

Tumugon ulit sa kanya si Shadow nang hindi siya tinitingnan.

"Kung hindi ko ginawa 'yun, mas magtataka siya." anito. Satorini tilted his head in question.

"Why so?"

Then, Shadow lifted his gaze to him. "You're here for several years, Sato, you should know that he only depends on our eyes if we were really classified," panimula nito, "Removing his mortal scent won't do anything good kung ang mga mata niya ay pang mortal." dagdag pa ng binata.

Napaisip naman siya kaagad at mukhang may punto naman ang kaklase. Bumuntonghininga siya at lumakad sa bingit ng kama. Umupo siya roon nang nakaharap at nakapamulsa pa rin kay Shadow.

"Well, may point ka naman... pero Kirvey's mortal scent is strong. Why can't you smell it?" he asked.

"I can't smell him. I am only a lab-creation." Shadow attested, "We're different. You were born as a vampire. You have the ability to smell their scents."

Napapakunot-noo siya sa sinabi ng binata at nanuyo ang lalamunan. What's even special about being a vampire? Kung sa kanya lang ay pinapangarap niyang maging isang normal.

Kagaya na lamang ni Kirvey.

Pinatong niya ang mga siko sa kanyang hita at pinagsaklop ang mga kamay bago niya ipinatong ang baba niya rito.

"You know, palagi kong iniisip na mas malakas kayong mga lab-creation kesa sa amin," Satorini confessed, "Matatalino kayo. May utak sa kahit anong sitwasyon. Kakaiba mga abilidad niyo at mas lalong hindi mainit sa mata ng mga iba pang nilalang dito." dagag niya ulit at matiim na nakikipagtitigan kay Shadow.

Napasinghal na lang ang binata sa kanya at napabaling sa isang sulok.

"You're a dimwit if you think like that." ani Shadow habang napapahagikhik. "Our abilities are only limited. At ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa amin? Hindi ba't pinagsasabong lang kami para malaman nila kung sino ang dapat manatili sa eskwelahang ito?" mataman nitong sabi at binalik ulit sa gawi niya ang titig nito.

"You never know how hard to stay determined, thinking you were only made to be someone's puppet." wika pa nito na mabilis ding nakapag-patuyo sa lalamunan niya.

All of it were true. Na pinaglalaban-laban sila para mapatunayang karapatdapat pa silang mapabilang sa Niflheim. Dahil isa silang lab-science project, tine-test sila isa-isa kung pu-puwede silang maging kagaya naming ipinanganak sa ganitong kakayahan.

There are only five sections in this university. They are the last section, five. Ang panglimang pangkat ay kinabibilangan ng mga bampira. Ang ikaapat naman na pangkat ay kinabibilangan ng mga nilalang na may kakayahan sa mahika. Samantalang ang ikatlong pangkat ay kakayahang maging isang taong-lobo. Ang dalawa pang natirang pangkat ay hindi na niya alam kung ano ang mga nilalang na iyon dahil madalang silang lumabas o makihalubilo sa kanila at sa iba pang pangkat.

BLOODSUCKERS "The Red Heims: Class Section V"Where stories live. Discover now