AKHIEJIRA'S POV
Pumayag akong magpaligaw kay Jethuel. Wala naman sigurong masama diba? Apat na buwan narin naman mula nung maghiwalay kami ni Jiaxpher.
Hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko for Jethuel,parang nabago nung matutunan kong mahalin si Jiaxpher.
Siguro kung noon pa nagkagusto sakin si Jethuel,kami na siguro.
Nag mumuni muni ako sa ilalim ng mangga,sa paborito naming tambayan ni Rayleigh.
Nag text sakin si Jethuel,inaaya niya akong lumabas mamayang gabi. May ipapakita daw siya sakin.
"Saan naman tayo pupunta?"
"Basta,you will love it!"
Mahigit dalawang taon na kaming magkaibigan ni Jethuel. natatawa nalang ako kapag naalala ko yung mga panahon na para akong tangang nag aantay na mapansin niya ako,na mahalin niya rin ako at ngayong nangyari na hindi naman na ako sigurado sa feelings ko.
Nauna si Jethuel sa puso ko,pero iba na ang hanap nito ngayon,hinahanap na niya si Jiaxpher. Kasalanan to ni Jethuel eh,siya ang dahilan kung bakit naging malapit kami ni Jiaxpher.
Nung una,wala naman talaga akong nararamdaman para kay Jiaxpher. Pinilit ko lang ang sarili ko kasi iyon ang akala ng lahat,na kami na kahit malabo naman talaga,go with the flow kumbaga. Sa paglipas ng panahon nakilala ko kung anong totoong siya,natutunan ko nang mahalin yung taong dati ay wala akong pake.
Nagkalabuan kami sa isang bagay na hindi ko inaasahang gagawin niya. Akala ko sapat na yung pagmamahal ko para makuntento siya,pero hindi parin pala. Nahuli ko siyang may ibang babae,ang masakit pa close ko yung pinalit niya sakin. Friendship over na kami ngayon,ang lala no?
Siya yung naging dahilan para mawala lahat ng sakit,pighati, at galit sa puso ko. Siya yung nagsilbing sandigan ko nung mga panahong sobrang nasasaktan ako sa ginagawa ni Jethuel sakin,pinaparamdam niya na hanggang kaibigan lang kami. Naalala ko pa yung mga salitang binitawan ni Jiaxpher.
"Aantayin ko ang panahon na saakin naman mapunta ang attention mo,na ako naman ang mahalin mo,hindi ko hinihiling na mahalin mo ako ngayon. Gusto kong patunayan sayo na handa akong mag antay hanggang sa kaya mo na akong mahalin,Akhiejira"
Siya rin pala ang magiging dahilan ng pag iyak ko ngayon,siya pala ang mag iiwan ng mas malalim na sugat. Aaminin ko,umaasa parin ako sa pagbabalik niya,umaasa parin ako na mahal niya ako.
Ang tanga ko para gawin iyon.
"Wala ka nangang pera,malungkot kapa!"
Nagulat ako sa biglang boses sa likuran ko.
"Ano ka ba naman,Rayleigh! Huwag ka namang manggulat!"
Tumabi siya sakin
"Akala ko ba naka moveone kana? Ano to?"
Yung pagiging mag isa at malungkot ko ang tinutukoy niya
"Ako nakamove on na,pero ito" itinuro ko ang puso't isip ko "hindi pa"
"Bakit hindi mo nalang ibaling sa present yang pagmamahal mo para kay Jiaxpher?"
"Hindi naman ganon kadali iyon eh!"
"Sabi mo noon crush na crush mo si Jethuel,but ngayon di mo siya sagutin?"
Naglabas siya ng candy mula sa bulsa niya. Inalok niya saakin ang isa,tinanggap ko naman.
"Dati iyon,Ray. Iba naman yung noon at ngayon eh"
"Wala pa akong expirience sa lovelife pero makinig ka, kung sino sakanila ang makakapagpasaya sayo,iyon ang piliin mo"
"Pareho naman silang nanakit saakin,pano yon?"
Tinignan niya ako na para bang ang wierd ng tanong ko
"Ewan ko. Mag self love ka na ngalang!"
Tumawa nalang ako
Nagkwentuhan pa kami ng ilang oras hanggang sa mag alas sinco na. Nagpaalam na kami sa isat isa.
"I'll pick you up,wait for me"
Inantay ko si Jethuel sa tapat ng canteen. Hindi pa ako umuuwi,hindi naman siguru fancy restaurant ang pupuntahan namin kaya okay na tong suot ko.
"Hop in,princess!"
Malawak ang ngiti niya sa labi
"So,where are we going?"
"Just sit back and relax,no need to think bout it,okay?"
"Fine,siguraduhin mong magugustuhan ko yan!"
Nilingon niya ako. Pinaningkitan ko siya ng mata at ipinakita sakanya ang nakakuyom kong kamay.
"Lagot ka talaga pag nasayang lang ang oras ko,Jethuel"
He smirk and nod
Dumaan kami sa hindi mataong lugar. Ang daming matatayog na puno.
Ano to?kagubatan?
Nako! Ganito yung mga napapanood ko sa movies eh,yung dadalhin kunyare sa isang lugar tapos gagahasain pala!
"Don't worry i don't have a plan on doing that"
Tila nabasa niya ang nasa isipan ko ng bigkasin niya ang mga salitang iyon.
Ipinarada niya ang sasakyan sa madilim na parte. Hindi ko alam kung anong lugar to.
There's nothing special here though
Iginala ko ang paningin ko ngunit dilim lang ang nakikita ng mga mata ko.
"Were here!"
Eto nayon!?
Akala ko ba magugustuhan ko? Anong maganda sa dilim? Wala akong makita peste!
"Come on follow me"
Nagpatianod nalang ako ng hilahin niya ang kamay ko.
"Touch the grass!"
Naguluhan man ay sinunod ko ang kagustuhan niya. Yumuko ako at hinawakan ang damo. Mumunting insecto ang nagpataas na parang maliliit na ilaw. Namangha ako sa nakita
"Come!"
Inilahad niya ang kamay niya na tinanggap ko naman.
Tumakbo siya sa damuhan habang hila hila ako. Ang daming nagsiliparang mga insecto na ani moy nakahawak ng flashlight,mga alitaptap.
Kung saan kami dumadaan ay doon sila nagsisilabasan,ang ganda!
Tumigil kami sa medyo kalagitnaan ng lupain na iyon. Pinagmasdan ko ang mga alitaptap na nagsisiliparan. Ang madilim na paligid kanina ay naging maliwanag dahil sa mga munting insectong ito.
Naglakad ako ng mabagal habang ang magkabila kong kamay ay ipinapadausdos ko sa damuhan.
"Parang panaginip! Ngayon lang ako nakakita ng ganito!"
Humangin ng malakas,itinaas ko ang kamay ko at tumingala sa kalangitan. Naramdaman ko ang isang pares ng kamay na yumakap sa likod ko,ipinatong niya ang kanyang ulo sa balikat ko
"Do you love it?"
Tumango lang ako
"Happy birthday Akhiejira!"
Naalala niya? Napangiti ako at kinilig dahil kahit kailan ay hindi niya ako ginawan ng ganito,ngayon lang.
"Salamat,Jethuel?"
Tumingin ako sakanya habang nakataas parin ang mga kamay ko sa ere. Nanlaki ang mata ko ng muntik ng magsalubong ang mga labi namin. Bumilis ang tibok ng puso ko na parang gusto nang kumawala sa dibdib ko.
YOU ARE READING
Rebellious Night
Romance"See you in the aisle,Akhiejira" All rights reserved @ Jen_story15