AKHIEJIRA'S POV
"I have to leave for a moment,i'll be back okay?"
Tumango ako kay Jethuel
Pinapanood namin yung mga bisitang sumasayaw ng biglang may dalawang lalaking sumemplang sa kung nasaan kami ni Rayleigh
"Ahh—a-aray"
Tumatawa silang dalawa. Halatang halata ang kalasingan. Itim ang buhok ng isa at yung isa naman ay kulay ash gray.
Natapunan kami pareho ni Rayleigh ng alak.
"Sakit ng ulo ko! Gago ka Krylan"
Hindi kami umiimik at pinapanood lang namin sila. Halos hindi na sila makatayo,napasobra yata masyado ang inom nila.
Nakaakbay ang lalaking abo ang buhok sa kasama niya habang pareho silang naniningkit ang mata. Animoy kinikilala kami.
"Hi"
They both giggled
"Nasan yung banyo dito? N-naiihi na ako eh"
Nakatingin kami ni Rayleigh kay mister ash gray ng magtanong ito. Anong alam namin,bisita din kaya kami!
"What the hell is wrong with the both of you!?"
Biglang sigaw ng isang lalaki,si Jethuel
Lumingon ang dalawa sakanya at nagkatinginan,bakas ang pagtataka sa mga mukha nila.
Salitan kaming tinignan ni Dark hair guy
"Sinong girlfriend mo jan?"
Hindi ko alam kung anong nakakatawa pero tawang tawa itong dalawang lasing na ito. Parehas silang gwapo,matangkad at nakakaakit ang mga tindig.
As in,walang tapon subo lahat! Ayy mali,basta ganon!
"Pumasok na nga kayo sa loob! Iinom inom kasi hindi naman kaya!"
Galit na tono ni Jethuel
Naramdaman ko ang kalabit sakin ni Rayleigh. Tumingin ako dito pero ang tingin niya ay nakay mr. Ash gray
Alam ko na itez!
She mouted me
Pangalan
Hindi ko alam kung nagtatanong ba o inuutusan niya akong magtanong ng pangalan ni mr. Ash gray
Medyo madilim sa paligid kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng dalawa,pero sinisigirado ko sainyo,kakaiba ang kagwapuhan nila.
May dumaang waiter na may dalang ilang baso ng inumin. Kumuha ang dalawa at ininom iyon ng isang lagukan lang.
What the fuck!
"Khieran! Krylan!"
Halos lumabas na ang ugat sa leeg ni Jethuel sa galit. Tumawa lang ang dalawa tsaka nagpaalam saamin
"Bye princess's "
Pagewang geywang na naglakad paalis ang dalawa.
"Pagpasensiyahan nyo na yung dalawang iyon,makulit kasi sila"
"Okay lang"
Nahihiya kong sagot
"Sino sila?"
Biglang singit ni Rayleigh
"Pinsan ko si,Khieran. Yung abo naman ang buhok ay si Krylan,kaibigan ni Khieran"
Tinignan ko si Rayleigh. Ngumiti ako sakanya ng may halong pangaasar
YOU ARE READING
Rebellious Night
Romans"See you in the aisle,Akhiejira" All rights reserved @ Jen_story15