AKHIEJIRA'S POV
"Salamat Jethuel,nag enjoy ako"
Hinatid na niya ako kasi maghahatinggabi na din.
"I hope i made your special day a memorable one"
Ngumiti kami sa isa't isa pagkatapos ay nagpaalam nadin siya.
Noon mo pa sana ako natutunang mahalin Jethuel
Nagreview muna ako para sa upcoming exam. Hindi naman kasi ako matalino,kapag walang review wala na,ganon nalang. Ang hirap maging bobo nakakainis!
Nagscroll muna ako sa fb ng mafeel kong timatamad na ako,ang dami naman kasing i rereview!
Natulala nalang ako sa nakita ko. Hindi pa pala na de-delete mga pictures and videos namin ni Jiaxpher sa story archive ko.
Nagpakita sa screen ko ang memories namin noong mga panahong masaya pa kami. Nakangiti kaming pareho sa video na iyon,nagtatawanan,ineenjoy ang oras na magkasama. Hindi ko aakalaing mangyayari yung ganon,totoo pala ano? May ahas na kaibigan.
Naramdaman ko nalang na may luha na palang dumadaloy sa pisngi ko ng tumama ang malamig na hangin sa balat ko.
Bakit ako umiiyak?Bakit kasi kung kailan aalis na siya saka ko pa siya minahal? Baket Akhijira!? Baket!?
Kung babalik ba siya ngayon,tatanggapin mo ba siya Akhiejira?
Para akong baliw na nagtatanong sa sarili ko. Hindi ko na alam,bakit kasi naimbento pa ang 'nasa huli ang pagsisisi'?
Naalala ko ang sinabi ni Rayleigh saakin,kung sino daw ang nagpapasaya sayo iyon ang pipiliin mo.
Kanino ba ako naging masaya?
"Jiaxpher"
Pero hindi na iyon babalik! Hindi na niya ako mahal! Pinagpalit na niya ako,wala na!!
Para akong baliw na nakikipagtalo sa sarili ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko
"Mag focus ka nalang sa review mo,Akhijira. Mas mahalaga yon kaysa sa ibang bagay"
Fighting!
Binuklat ko na ulit ang libro,binasa at prinactice,nagmemorize narin ako ng mga solutions.
Para sa pangarap,Akhiejira!
Nagising ako sa maliwanag na sinag ng araw na tumama sa mga mata ko.
Anong oras naba?
Kinapa ko ang cellphone sa lamesa kung saan ako nakatulog,pero wala kaya napabangon ako.
Asan na iyon?
"Good morning love"
Natigil ako sa paghahanap ng marinig ko ang boses na iyon,boses ni
Jiaxpher!
Nakaupo siya sa kama,nakatingin saakin habang malawak ang ngiti sa labi.
"Anong—anong nangyayare?"
"Miss mo ba ako?"
Nanghina ang tuhod ko kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko.
Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito?
Nagmistulang water falls ang mga mata ko sa sunod sunod na pagbagsak ng luha mula roon
"Jiaxpher,b-baket? Baket mo ako iniwan?"
Lumabas ang tanong na matagal ko nang gustong malaman ang sagot
"Sorry love,alam ko mamang hindi mo ako mamahalin ng gaya sa pagmamahal mo kay Jethuel. Maniwala ka,mahal na mahal kita kaya sa sobrang pagmamahal ko sayo,lumayo nalang ako. Gusto kitang maging masaya Akhiejira"
Napaluhod ako ng maramdaman ang kirot sa puso ko,halos hindi ako makahinga.
Ako ba yung mali? Ako ba yung may kasalanan? Ako ba yung dapat sisihin? Hindi ko ba naiparamdam sakanya na mahal ko na siya? Ang akala ko pinaramdam ko iyon.
Naglakad siya papalapit sakin habang ako lumalakas na ang hagulgol ko.
Ang sakit marinig ng mga salitang iyon mula sakanya. Nasaktan ko ba siya sa ginawa ko? Nung una hindi ko siya mahal,oo. Pero hindi naman hanggang dulo eh,minahal ko na siya!
"Love,stop crying"
Niyakap niya ako ng mahigpit and i felt comfortable. Mas lumakas ang pag iyak ko,niayakap ko siya pabalik.
"I-im sorry,love. I'm really sorry!"
"Shhh, it's not your fault okay?"
Napamulat ako ng mata ng marinig ang malakas na pagbukas ng pinto. Iginala ko ang paningin ko sa kwarto,hinanap ko si Jiaxpher.
"Umiiyak ka ba?"
Tanong saakin ni Rayleigh
Panaginip?
Umiling ako
"Hindi,napuwing lang ako"
"Kanina pa kita tinatawag"
Pinupunasan ko ang tubig sa mata ko
"Bakit?"
"Haler!? May lakad tayo remember?"
Ayy oo nga pala! Sasamahan ko nga pala siya ngayon. May mga kailangan daw siyang bilhin at kailangan niya ng tulong.
"Wait lang hindi pa ako naligo"
"Hay nako! Huwag kanang maligo,mabilis lang naman tayo. Inenjoy mo masyado matulog"
Nagkamot nalang ako saka mabilis na naghanap ng damit na isusuut. Nag shower nalang din ako,nakakahiya naman sa pinsan ko hayst!
Yung sinabi kaya ni Jiaxpher sa panaginip ko ay iyon din ang sagot niya kung sakaling maitanong ko sakanya?
Paano kung ako nga yung dahilan? Papano kung nasaktan siya at napagod na?
Bakit ba ako nag ooverthink?tapos na yon! Wala na! Wala na! Kalimutan mo na Akhiejira!
Nag ikot ikot kami sa mall. Mga materials na panggawa ng arts ang mga hinahanap ni Rayleigh. Tulong pala sa pagpili ng mga gamit ang kailangan niya eh anong alam ko sa arts?haler! Ako lang to,walang alam sa drawings,items pa kaya?!
"Eto ba okay?"
Gamit sa pagpinta iyon
"Hindi ko alam"
"Eto naman! Kaya kanga nandito para tulungan ako sa pagpili tapos lahat ng sagot mo hindi ko alam!? Kalbuhin kita eh"
"Eh alam mo namang wala akong alam diyan!"
Hindi muna kami umuwi agad,naglibot libot muna kami,nagwindow shopping kasabay narin ng paglalaro sa ibat ibang palaruan sa loob ng mall.
Sinubukan namin ang larong horror virtual reality expirience. Matatakutin kami pareho pero ewan kung bakit namin ito susubukan,face your fears nga daw eh.may ibat ibang uri ang larong ito,ikaw ang mamimili kung anong genre ang gusto mo.
"Suutin nyo po ito mam"
Saad ng staff na nandoon. Kakasuot ko palang ay ibat ibang nakakatakot na huni na ang naririnig ko.
Isang malaking bahay ang nakikita ko. Sabay kaming pumasok ni Rayleigh. Nagsarado ang pinto ng mag isa at doon nagsilabasan ang ibat ibang mga nilalang na hindi ko maipaliwanag. Nagtatakbo kami ni Rayleigh sa loob ng bahay na iyon,ang lawak. Nagsisigaw kami pareho,hindi ko na alam ang gagawin ko.
Parang totoo talaga. Pagkatapos ng oras namin ay nahiga nalang kami sa sobrang kaba namin.
"Akala ko mamamatay na ako!"
Hindi mo maaring tanggalin ang nakalagay sa mata mo hanggat hindi natatapos ang oras mo.
Umuwi na kami ng medyo humupa na ang takot at kaba namin.
___________________________________________
AUTHOR: I'll edit the typos later
YOU ARE READING
Rebellious Night
Romance"See you in the aisle,Akhiejira" All rights reserved @ Jen_story15