CHAPTER 3

5 1 0
                                    

AKHIEJIRA'S POV

Magkasama kami ni Jethuel sa library para magreview. Ilang araw nalang prelims na namin.

"Jira,birthday ni mama sa friday. Pwede ba kitang maimbitahan?"

Ano bang gagawin ko sa friday? Meron ba? Feel ko naman wala

"Sige ba! G ako jan!"

"Sunduin nalang kita at exactly seven in the evening"

"Sige,pwede ko ba isama pinsan ko? Alam kong di kayo close but i'm not comfortable without her"

Ngumiti siya

"Ofcourse! Sino ba naman ako para humindi diba?"

"Salamat"

Nag focus na kami sa pag rereview. Nagtatanungan kami ng mga possible questions,lalo na't karamihan sa exam ay identification.

Naninibago parin ako sa type ng test nila dito. Kakalipat ko lang din kasi last year. Buti nalang nandito si Rayleigh. Nauna siyang lumipat dito dahil walang stem sa dati naming pinapasukan.

Nagpaalam na ako dahil baka pagalitan ako ni papa.

Friday na pala bukas,kailangan kong bumili ng magandang susuutin,nakakahiya naman kung ako lang yung mukhang ewan don sa party ng mama ni Jethuel.

Inilabas ko ang cellphone ko habang nasa daan. Hinanap ko ang number ni Rayleigh.

"Zup insan! Napatawag ka?"

"Samahan mo ako bukas,bibili tayo ng damit"

"Para saan?"

"Birthday daw kasi nung mama ni Jethuel. Isasama kita"

"Hoyy! Pala desisyon ka nanaman!"

"Wala kang magagawa,isasama kita sa ayaw at sa gusto mo!"

Hindi na siya nakaangal pa dahil pinatay ko na ang telepono

I recieve message from her

"Libre mo ako,wala akong damit na isusuut"

"Sige, it's on me. Since ako nag aya sayo"

Dumeretso na ako sa paradahan,wala daw kasi si kuyang driver kaya mag cocomute muna ako ngayon.

Friday morning,lumabas na kami para mas marami kaming oras mag libot libot sa mall.

"Ano ba bagay sakin?"

Tanong ni Rayleigh

"Ewan ko,hindi din ako marunong mamili ng damit"

"Aba ayos ka! Kinareer ang pagiging tanga!"

"Hoy! Grabe ka! Normal lang naman talaga kasi ako manamit,kaso nga birthday party ng sosyal yon"

Matagal tagal din kaming nakatambay sa isang store sa mall. Ang dami kasing pwede,ang gaganda kaso medyo may kamahalan.

Namili rin kami ng makeup set kahit hindi kami nag me makeup talaga. Ngayon lang naman,bigay nyo na samin to

Sunod kaming pumunta sa mga sandals,since purple yung dress ko purple din ang kinuha kong kulay ng sandals ko.

"Mukha ka ng pupunta sa patay,Rayleigh. Bat puro black?"

"Favorite color ko eh,tsaka bagay naman diba?"

Oo nga naman,bagay sakanya. Maputi ang balat niya kaya kahit anong shade ng kulay,babagay sakanya.

"Alam mo,ngayon lang kita makikitang mag susuut ng dress,plus! May slit pa sa side niya!"

Tinawanan niya ako

Rebellious NightWhere stories live. Discover now