Chapter 1 - Be Independent

12 1 0
                                    

Pad's POV

Hi! I'm Matt Padrick, but you can just call me Pad or Rick or Matt or Drick or Adri or Matty for short HAHAHAHA!

Dami 'no? Well 'yan kasi tawag sa akin ng mga kapatid ko. May sari-sarili silang tawag sa akin kasi ako lang naman ang nag-iisang lalaki potek na 'yan haha!

Sabi ni papa ang gusto niya raw ay mga lalaking anak pero mukhang hindi tinupad ni lord ang gusto niya dahil puto babae lang naman ang niluwal ni mama sa sinapupunan niya HAHAHAHA!

Maswerte na nga niyan si papa dahil kahit papano nandito ako. Ang nagiisang lalake sa pamilya at ang tumatayong superhero sa pito kong mga kapatid.

Pang pito lang naman kasi ako sa aming walong magkakapatid. Si ate Jam ang panganay at ang tawag niya sa akin ay Matt Padrick. Takte! Hindi ko nga rin alam kung bakit full name. Nasanay na nga lang din ako. Masungit 'to si ate Jam. Matalino rin siya since grumaduate siya na valedictorian nung elementary, high school, and college.

Hindi ko sure kung valedictorian pa rin ba tawag sa pinaka-top of tops kapag sa college hehe! Senior High school pa lang naman kasi ako. Isa pa pala, si ate Jam ang mas nakakakilala sa akin. Para bang nagsspy siya sa akin lagi dahil alam niya kung anong lagi kong ginagawa, kung nasaan ako, at ano-ano pa! Mas matanda siya sa akin ng 10 years meaning 26 na siya pero wala pa ring asawa. Hindi ko rin alam dito kay ate Jam. Sabi niya she's still waiting for the right time and a right man.

Next naman is si ate Sayi, which is yung pangalawa kong ate na queen of retouch. Mahilig kasi siya sa mga make-up and fancy clothes. 2 years ang pagitan nila ni ate Jam. Medyo matalino siya pagdating sa academic pero lamang naman siya pagdating sa pambabara! Sa lahat ng ate ko, siya ang pinakafunny. Lagi niya akong pinapatawa noon sa tuwing pinapagalitan ako nina mama at papa, pati na tin si ate Jam.

Next is si ate Raye. The cutest and most soft kong ate. kaka 23 niya lang last month and nagpunta kami noon sa mall haha! Ang dami namin noon but sadly, ate Jam weren't there with us since busy "daw" siya work.

Ate Sab, ang may pinaka-mahabang name sa aming lahat. Do you wanna know how long? Haha! Okay. Sabrina Clhoe Cyril Nicole Ofelia D. Saflor. Siguro na bored sila mama noon sa pagpapangalan sa kanya kaya ginawa nilang mahaba. By the way, she's 21.

Next would be ate Wabbie, 20 years old and currently taking engineering. Gusto niya daw magpagawa ng isang malaking mansion para sa aming pamilya para daw magkasya kami. Ito kasing bahay namin is maliit lang. Just enough para makatulog kami ng maayos. Kung ikukumpara mo itong bahay namin sa may mga kaya, itong sala namin is kasing laki lang ng isang maliit na kwarto. Yung CR naman namin is nasa labas. Ang pinakamalaki talaga ay ang kwarto namin. Lahat na kami nandoon.

Noong kumpleto pa kaming nandito sa bahay, noong nag-aaral pa lang din sila ate Jam, Sayi, and ate Raye, hindi talaga kami makagalaw haha! Pero masaya naman. Ngayon kasi mga busy na sila sa trabaho nila at minsan nalang din umuwi.

Yung pang-anim kong ate ay si ate Elle. Ang may pinaka-babaeng pangalan sa lahat ng ate ko. Hindi niyo napansin 'no? Sina ate Jam, Sayi, Raye, Sab, and Wabbie ay parang mga panlalaki ang nickname. Pero itong si ate Elle ay hindi. Nagmana 'to kay ate Sayi. Kung si ate Sayi ay queen of retouch, si ate Elle naman ay ang princess. But mas maputi si ate Elle sa aming lahat which differentiate herself to us. Sakto lang kasi ang skin namin.

Next ay ako. 16 years old hehe. Mas bata ako kay ate Elle ng 2 years. Syempre ako na 'to, I'll introduce myself to you guys. I have these features na malayong-malayo sa akala niyo. Ewan ko ba! Maybe because napapaligiran ako ng mga babae since puro babae lang naman ang mga kapatid ko. Hindi ako masculine or butot balat. Sakto lang para masabing may laman haha! Kung si ate elle ang pinaka-maputi sa akin, well ako lang naman ang sumunod.

The Secret of a Straight GuyWhere stories live. Discover now