*I'mmmmm gonna swiiinnngg~~
*From the Chandeliii--- clickNagising nanaman ako, iba nanaman alarm ko no? Every araw ng pasok dapat iba new day, new life!
Isang buwan na din ang nakalipas at nakilala ko na ng husto si Drake, infact nililigawan niya na nga ako eh. Hindi pa alam ni Tia yung tungkol dito pero yun nga yung gagawin ko baka magtampo pa ang mangkukulam na yun.
Siyempre I ate breakfast at nagayos narin ako, sumakay akong jeep at nakarating na sa terminal ng tricycle. Sakto nandun nga si Tia.
"Yna!!! Huhuhuhu!" Pag dradrama niya. Nakita ko siyang nagdradrama habang lumilingon sa paligid na para bang hinahanap ako.
"Hala! Hala! Kung makapag drama ka parang nakahimlay na ko ah!"
"Ay? Nandyan ka na pala?" Dumeretso siya bigla ng tayo at para bang walang nangyare.
"Halika na nga!"
"Lakarin na nga natin papuntang school may ikekwento rin ako eh." Sabi ko.
"Tungkol saan? Tungkol kay Drake the fake nanaman?" Sabi niya na may halong inis.
"Teka! Paano mo nalaman?" Gulat kong tanong.
"Shemay Yna! Sa isang buwan na nakalipas puro siya laman ng bunganga mong may ihi ng matanda, kahit nga siguro tinga ng ngipin mo pangalan Drake na eh!" Pagsagot niya.
"Hoy, hindi naman" Pagtutol ko.
"Anong hindi? Isang buwan na nga natin nilalakad tong cubao para lang sa kwento mo, tas sasabihin mo lang."
"Si Drake nakachat ko kagabi, si Drake kinamusta ako kagabi. Kaya nga di na ko magugulat pag sinabi mo na... MAGIGING TATAY NA SI DRAKE!" Sigaw niya na bukang bukang pa ang katawan na parang tumatanggap ng alay.
"Nakatingin nanaman sayo yung mga tao." Bulong ko.
"Hayaan mo! Malay mo dumami likers ko, umabot manlang ng 10." Bulong niya din.
"Hi! Add niyo ko Bhoxz Tialitz, like niyo mga picture ko ah! Kung hindi ia-unfriend ko kayo!" Pananakot niya.
"Mukha kang tanga! Kala mo naman may papansin sayo." Sabi ko.
"Che! Pero balik tayo, ano bang ikekwento mo tungkol sa kanya?" Kalmado niyang tanong habang kinukuha ang tubig niya para uminom.
"Ehem!" *coughs*
"Nililigawan niya na ko." Bulong ko.
Bigla namang sumirit yung tubig sa bunganga niya at sakto may lalaking tinamaan.
"PUTCHA! ANO YUN?! AMOY KABAYO!" Sigaw ng lalaki.
"Hoy! Di amoy kabayo hininga ko ah! Mabango kaya ito amoy..." Sagot niya sabay amoy ng hininga.
"Shemay! Amoy kabayo nga, hindi tumatalab toothpaste ko sorry!" Dagdag niya.
"Tia takbo!" Yaya ko sakanya at sumunod nga ang bruha! XD
"Wait! Nakakap-pagod! B-bakit ba t-tayo t-tumatakbo?" Paghahabol niya ng hininga.
"P-pwede ba? Tumapat ka sa puno ng may silbi yan hininga mong amoy pwet hindi yung haharap ka sa tao, makapatay ka pa!" Sagot ko habang nag papahinga.
"Oo na! Pero wait, nawala tayo sa moment. Inhale!" Sabi niya.
"Ohh! Wag ka nang mag exhale, humigop ka lang!" Sabi ko habang nakatakip sa bunganga niya ang kamay ko.
Nag internalize muna siya then.
"HAAAAAA?!!!!" Sigaw niya na sobrang late na.
"Yung totoo? Ngayon lang nagulat?" Pagtatanong kong di matino.
BINABASA MO ANG
Making My Own Love Story
Hài hướcHi! I'm Yna, a simple girl who wants to make my own Destiny, because I believe that when it comes to love we are the writer of our own story. Will I be successful? Will I make my own fate?