Chapter 5

42 12 0
                                    

Bago ang lahat gusto kong batiin ang kapatid kong si Richmer da'pitch! ng Happy Birthday! Para sa'yo to bro! :D
-----

"Gumising ka na!" Rinig ko mula sa di kalayuang boses.

"Bakit?! Matagal na kong gising, gising sa katotohanan na wala na! Sinira mo ang tiwala ko sa'yo! Hindi mo ba naiintidihan ha? Manloloko ka a---ARAY!" Nagulat ko ng biglang nakaramdam ako ng sampal.

"HOY YNA! Kanina pa kita ginigising tas nagdradrama ka habang tulog? May binasa ka nanaman bang mga Lab Stury lab Stury na yan ah kagabi?!" Sigaw ng nanay ko.

"Haa?! Teka? Nananaginip lang pala ko?" Pagtataka ko.

"Hala! Nagulat ka pa! Umiiyak ka nga oh kaya kita sinampal! Anung kalandian yan?! Wag mong sabihing may boypren ka na kundi isusungal ngal ko sa bagang mo tong ipis sa bag ko!" Sermon ni nanay.

"Sige nay, paano ako aamin kung ipapakain niyo pala sakin yan ha?" Sarkastiko kong sabi. Oops nadulas.

"So? May boypren ka na?!" Pagtatanong ni mama sakin with matching laki mata pa, at hinawakan niya yung antenna ng ipis at tinaas.

"EEEEEWWW! Wala nay no?! Tinanong ko lang kase naman nananakot ka! Eh paano nay kung sabihin ko sa'yo na. May almusal na ba nay? Subukan mong sabihing wala pa hindi ka dadatnan ng dalawang linggo!" Sabi kong pabalik kay nanay. Ganito lang kaming mag biruan ni nanay pero thumbs up ako sa kabaitan nyan kaya nga close kami eh. Manang mana ako sa kanya, lamang lang ako sa kagandahan.

"Talaga? Ay! Wala pa palang almusal! Ibigsabihin ba nyan madadagdagan na kayo?!" Tuwang tuwang tanong ni nanay.

"Nay? Hindi pa ba kayo nadala? Ipinanganak niyo si Leslie na mukhang tiyanak tas mag dadagdag pa kayo? Baka sa susunod mukhang uhog na yan!" Pang aasar ko.

"HOY! Narinig ko yun! Di ako mukhang tiyanak! Dyosa ata to!" Sigaw ni Leslie mula sa baba.

"Ambisyosa ka! Sa Pwet ka nilabas kaya ka ganyan!" Sigaw ko.

"Che! Mas mukha pa ngang tao tong pwet ko sa mukha mo." Sigaw niya ulit.

"Oo nga, matanda nga lang sayo kase pwet mo kulubot na nga may stretch marks pa, yung totoo? Naka ilang bata ka na?" Balik ko.

"Hoy FYI! Hin---" Sabi ni Leslie.

"Oo na tama na yan! Masyado niyo nang pinapahaba bumaba ka na Yna nang makakain ka na rin." Pagputol ni Nanay.

"Sige nay, buti pinigilan mo kami, wala narin akong maisip na pambara eh. Hihihi!" Pagbibiro ko.

"Bata ka! Bumaba ka na nga!" Saway ni nanay. Hahaha

"Opo nay." Bumaba na nga ako at kumain. Nag focus lang ako sa pagkain ko dahil mahaba rin yung naging debate namin ni Les.

Naligo na ko, nagbihis at umalis.

"Bye Nay! Bye Les!" Pagpapaalam ko bago umalis.

"Sige nak! Mag iingat ka!" Sigaw ni nanay.

"Sige ate, ingat yung driver sayo, mapagkamalan kang holdaper." Sigaw ni Les.

"Walang problema! Inakala ka narin naman nilang Holdaper noon eh, mukha ka nalang snatcher ngayon. Bye!" Sabi ko at umalis na.

Sumakay na ko ng jeep at nag muni muni muna. Habang umaandar yung jeep naisipan ko nang mag bayad.

"Manong bayad ho!" Sigaw ko.

"Saan to? Saka Ilan?" Tanong ni mamang Driver.

"Manong, anung klaseng tanong yan. Mag isa lang ako sa jeep niyo tas ilan? May hamog ba yang salamin niyo manong? Cubao po isa!" Sabi ko.

Making My Own Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon