Dedicated to danicaapril23
-----Another day and this day it's SUNDAY! Kaso may pasok kami sa NSTP. -_- Saya no?
Agad akong nag ayos at gumawa ng assignment bago pumasok. 12nn naman pasok namin kaya walang problema at dahil ready na ko, umalis na ko ng bahay at sumakay ng jeep.
Sa pag sakay ko, nanuod muna ako ng battle royale 2 nilagay ko ang earphone ko sa tenga, malamang alangan namang sa bunganga, at nanuod.
"WAAAAAAAH!!!" Sigaw ko.
"Ay lola kong amoy panty!" Gulat na sabi ng katabi kong manang. Nagtinginan tuloy lahat ng pasahero sa jeep.
"Anung nangyare ineng? At parang gulat ka?" Nag-aalalang tanong ni manang.
"Pumutok po kase yung neck blah blah nung babae, sumirit yung dugo." Sabi ko sabay pakita kay manang.
"Anu bayan! Kala ko naman kung ano." Sabi ni manang. Aba't siya na nga tong nag tatanong, siya pa galit. Wow hanep ka manang!
"Pasensya na po." Sabi ko sabay patuloy ng panunuod ko. Natapos ko ang movie at sumilip sa bintana ng jeep at laking gulat ko ng makita ko ang mukha ng isang binay sa pader.
"Teka? Cubao na ba to? Ba't may Binay?" Pagtataka ko.
"Manong? Anung lugar na po ba to?" Tanong ko kay mamang driver
"Makati na to ineng." Sabi ng driver.
"HAAAA?! Ba't di niyo manlang po sinabing lumagpas na po ng cubao?!" Gulat na gulat kong reaksyon.
"Eh, nagtatanong ako kung may cubao kanina, walang sumasagot." Paliwanag ni mamang drayber.
"Anu bayan! Manong para na nga po." Sabi ko na naiinis pa.
Tinigil ni mamang driver ang jeep at bababa na sana ako.
"Hoy bayad mo!" Sigaw ni manong.
"Makasigaw manong? Eto oh!" Sabi ko, sayang akala ko di niya alam. XD
Sumakay na nga ulit at leche yan sinigurado kong makakababa ako ng cubao ngayon.
Nakarating na kong terminal pero naisipan ko nalang maglakad dahil inubos ng walang hiyang jeep na yun ang pamasahe ko, malapit na kong makarating kaya't naisipan ko nang tumawid. Sa pagtawid ko napansin kong may isang guard na nakatayo na panay ang titig sa akin.
"Ang ganda ko talaga, napapalingon pa yung iba. Hahaha!" Sabi ko sa sarili ko.
Habang naglalakad ako bigla akong may narinig.
"Ahm miss." Tawag ng isang lalaki.
"Bakit?" Lumingon ako at pinalipad ko pa ang buhok ko. Nagulat ako ng makita ko yung taong tingin ng tingin sa akin ay isang palang napaka gwapong Guard, nasa harapan ko na. ang bata niya pa. Hindi naman 5 years old. Kotongan ko gilagid mo eh.
"Anung pangalan mo?" Tanong niya na seryoso.
"Huh? Ang bilis mo naman, ikaw talaga." Sabi ko at hinampas ko pa siya ng mahina sa braso.
"Miss a---" Sabi ng Gwapong guard.
"Ha Ha Ha, sige na nga ibibigay ko na. Akin na yan." Sabi ko t kinuha ang notepad ni gwapong guard.
"Ayan, sinulat ko full name ko, contact number, at email add ko para ma-add mo ko sa fb." Sabi ko pero si kuya mukhang takang taka yung mukha. May kulang pa ba?
"May kulang pa ba?" Tanong ko.
"Sumama ka nalang sakin miss." Sabi ni gwapong guard.
"Ay parang date? May boyfriend na ko eh. Pero pwede naman tayo maging friends. Hihihihi." Palande kong sabi. Kung andito si Tia hinila na nun gilagid ko paalis.
"Ahm miss, pasensya na pero hindi ako interesado. Jay walking ka, sumama ka nalang po sakin." Magalang na sabi ng guard.
"Huh? You mean?" Gulat kong tanong at tinignan kung saan ako nakatapak.
"Ba't walang puting pintura dito pang pedestrian?" Pagtataka ko.
"Miss, nandun kase yun." Sabi ni guard sabay turo kung saan.
"Ay? Nalipat na? AAAAAAHHHH!!!" Sigaw ko, nakakabaliw.
Sumama na nga ako at kinausap, inorient etc. Etc. Then bumalik na ko papuntang school.
Nakarating nga ako sa aking paaralan at super late na ko dahil 2:05 na, eh 3pm dismissal kaya nag antay nalang ako sa labas ng room nila Tia.
☆To be continue...
BINABASA MO ANG
Making My Own Love Story
ЮморHi! I'm Yna, a simple girl who wants to make my own Destiny, because I believe that when it comes to love we are the writer of our own story. Will I be successful? Will I make my own fate?