Lumabas na si Tia sa room nila at sinalubong ko na siya.
"Ang bilis mo ah!" Bungad ni Tia.
"Maraming nangyare eh." Sabi ko.
"Anung nangyare? Wag mong sabihing nanay ka na? Naka-ilan ka?" Walang kwentang tanong ni Tia.
"Gunggong! Hindi ganun!" Sabi ko at Ikinuwento ko kay Tia lahat ng nangyare magmula sa jeep.
"HAHAHAHA! Kaya pala, edi hindi ka na nakapasok?" Tanong niya.
"Wow! Parang masaya ka pa ah!" Sarkastiko kong sabi.
"Hindi naman, medyo medyo lang." Sabi niya, big sabihin natuwa rin siya? Bruhildamg yun!
"Pero nakapasok ka pa?" Tanong niya.
"Hindi na, super late na eh pero atleast may nakilala akong gwapo---ARAY!" Sabi ko nang binatukan niya ko.
"Lalande ka nanaman eh. Nakilala mo nga hinuli ka naman." Pang aasar niya.
"Pero atleast---" Sabi ko.
"Atleast ano? Hah!" Sabi niyang maangas.
"Atleast... Maganda ako." Sabi kong walang maisip
"Che! Pero wait lang. Di ba monthsary niyo ni Drake ngayon?" Tanong ni Tia.
"Oo, pero..." Malungkot kong sabi.
"Pero?" Tanong ni Tia.
"Pero hindi naman siya nagpaparamdam eh." Nanlulumo kong sabi.
"Ganun?" Mahinhing sabi ni Tia. Ngayon lang humina boses niyan ah.
"Alam mo best, bakit di natin siya hanapin? Malay mo may pinaghahandaan siya." Sabi ni Tia sabay Wink.
"Sige." Maikli kong tugon.
Sa paglalakad namin, sobrang nanlulumo ako na ewan, di ko kase alam kung anung gagawin. Nag hamda ako ng regalo para kay Drake pero nasa bahay. Balak ko kase siyang imbitahan para maipakilala ko siya kay nanay.
Habang naglalakad mukhang napansin ni Tia na hindi maganda yung pakiramdam ko, nalulungkot talaga ako kahit wala pa namang nangyayare, ganun kasr pag minahal ko ang isang tao.
"Yna? Yna?" Tawag niya.
"YNA!" Sigaw niya.
"Huh?" Natauhan kong sagot.
"Tignan mo natutulala ka na dyan, Yna, wag mong masyadong isipin yan kaya nga natin siya hahanapin diba?" Sabi ni Tia.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at pinuntahan nga namin ang room nila Drake, pagdating namin.
"Sarado, mukhang nag siuwian na sila." Sabi ko.
Habang nakatayo kami sa harap ng pintuan ng room nila Drake, nakarinig kami ng kakaibang tunog.
"Ano yun? Naririnig mo ba yun?" Tanong ni Tia.
"Yung ano?" Nanlulumo kong tanong.
"May ingay sa loob. Mukhang may mga tao pa." Sabi ni Tia.
"Baka si Drake." Dagdag ni Tia.
"Si Drake? Tignan natin." Sabi ko sabay lapit at binuksan ang pinto.
"Yna wait---" Sabi ni Tia. Nagbukas nga ang pinto at laking gulat ko sa aking nasaksihan.
Si Amanda nakahiga sa lamesa na habang nakatanggal ang mga butones ng uniform nito at si Drake naman nasa ibabaw niya't walang pantaas. Naghahalikan sila ng malalim.
Sa gulat ko, nanlaki ang mga mata ko lalo na ng napansin nila na may tao. Agad tumayo ang dalawa at laking gulat ni Drake na naroon ako.
Nakaramdam ako ng pinaghalong galit at lungkot ng mga sandaling yun. Hindi ko alam kung may dapat ba kong sabihin, di ko alam kung anong kailangan kong gawin.
Bigla namang gumalaw ang katawan ko na kusang lumabas at tumakbo, narinig ko yung sigaw ni Tia at ni Drake sa akin pero kusa nang gumagalaw ang katawan ko parang ayoko na. Nasa library ako napunta sa pwestong onti lang yung napapadaan, dun ko nilubog muna ang sarili ko. Sinusubukan kong kontrolin ang mga luha ko pero kusa na tong lumalabas, parang gusto kong magwala pero hindi tama. Mahirap at masakit man pero Kailangan ko parin ipakita na malakas ako.
Tia's POV
Nalulungkot ako sa sinapit ni Yna, sinubukan ko siyang tawagin pero mukhang di niya ko narinig. Gusto kong ipamukha sa kanya na tama ako, na may mali kay Drake, na peke siya, pero sa mga ganitong pagkakataon ang kailangan niya ay isang kaibigan na iintindihin siya sa kung anung nararamdaman niya.
"YNNNNAAA!!!" Sigaw ni Drake. Akmang patakbo na sana siya ngunit hinawakan ko ang braso niya.
"Tumingin ka sa mga mata ko!" Inis kong sabi.
"Hi---" Magsasalita palang sana siya pero pinigilan ko na siya ng sampal.
"Wag ka nang mag salita Drake, sa sasabihin mo. Mas paguguluhin mo pa yung isip ni Yna eh. Tama na yung nakita niya." Sabi kong nang didiin sa kanya.
"Kailangan kong makausap si Yna. Please! Payagan niyo kong magpaliwanag." Pagmamakaawa ni Drake.
"Kung gusto mo talaga siyang kausapin, wag ngayon. Kailangan munang magpahinga ng puso niya." Sabi ko.
Pagkasabi ko nun agad akong umalis at iniwan si Drake na nakaluhod sa pinto at nagsimulang hanapin si Yna.
Yna's POV
Hindi ko parin lubos maisip na magagawa niya yun, minahal ko siya ng buong buo tapos ganun lang yun!
"Ang tanga mo Yna! Ang tanga tanga mo! Yan yung napapala mo sa love love na yan eh." Sabi ko sa sarili ko habang umiiyak padin.
"Mukhang kailangan mo nito." Rinig ko mula sa isang boses ng lalaki sa likuran ko.
Sa paglingon ko nakita ko ang isang kamay na may hawak na panyo. Kinuha ko ito at nagpasalamat.
"Salamat." Maluha luhang sabi ko, medyo natahan na ko at nalulungkot nalang ako. Nakaharap lang ako sa panyong hawak ko habang nilalaro laro ito.
"Hindi ko alam kung anong pinag dadaanan mo pero isa lang masasabi ko. Wag mong masyadong dibdibin ang mga bagay na yan kase pagsubok lang yan na kailangan mong pagdaanan para mas lalo kang maging matatag." Pagkasabi ng lalaki ay naglakad na ito paalis.
Kahit hindi ko siya kilala, nakatulong siya kahit konti sa nararamdaman ko at mas nakakahinga na ko. Gayunpaman, hindi parin ako umaalis sa pwesto ko at mas pinili ko nalang magpahinga panandalian.
Makalipas lang ang ilang minuto naramdaman kong ginigising na pala ako ni Tia.
"Yna? Yna?" Bulong ni Tia.
"Tia?" Tanong ko.
"Oo, ako nga. Bumuti na ba pakiramdam mo? Buti nakita kita. Pasensya na ngayon lang ako ah." Sabi ni Tia.
"Mas mabuti na ko ngayon, okay lang yun. Ang importante nandyan ka na." Sabi ko sabay ngiti.
"Sige, uwe na tayo nang makapag pahinga ka na." Sabi ni Tia.
"Sige." Mahina kong bigkas.
Umuwi na nga kami at nagpahinga, sinubukan ko naman libangin nalang ang sarili ko, at sa pagod nga ay nakatulog na ko. Alam ko makaka move on din ako. Hindi man ngayon, pero sure ako makakaya ko yun lalo na't andyan si Tia para i-cheer up ako. Mas pinili ko narin wag sabihin sa pamilya ko dahil ayoko silang mag isip pa ng kung anu-ano. Mabuti nang payapa ang isip nila.
Nakakalungkot at nakakapagod man pero parte to ng buhay. Makakaya ko to.
-----
Hi Readers! Pasensya na hinati ko sa dalawang chapters, iba kase mood nung story sa part 1 at part 2 eh. Hope you like this 2 part chapter naman. Please do VOTE and COMMENT po kung naiinis na po kayo sa'kin. Salamat po. :)
BINABASA MO ANG
Making My Own Love Story
HumorHi! I'm Yna, a simple girl who wants to make my own Destiny, because I believe that when it comes to love we are the writer of our own story. Will I be successful? Will I make my own fate?