Strings of a Broken Dream
"How was your first day of school?" tanong ni Mommy nang pumasok ako sa unit namin.
Tinignan ko siya. Nakaupo siya sa couch at suot pa din ang work clothes niya. Mukhang kakadating lang niya.
Lumapit ako sa kanya at naupo sa katapat na couch. "It was tiring," sabi ko at inilapag ang bag ko doon bago ibinaling ang buong atensyon sa kanya.
"What about you, Mom? Bakit ang aga mo ngayon? Hindi ba't alas-siete pa usually ang labas mo?" sunod-sunod kong tanong, sabay tingin sa orasan na nasa pader. Mag-aalas-sais pa lang ng gabi.
"May orientation lang kanina, and the boss allowed us to leave early," sagot niya habang nag-iinat. "By the way, what do you want for dinner? Ngayon lang ulit tayo magkakasabay, so let me cook for you."
Sinabi ko kung anong gusto kong kainin, at niluto niya iyon. Nang matikman ko ang niluto niyang pagkain, hindi ko naiwasang mapapikit. I felt the food soothe something inside me. Ang anumang pagod at inis na naramdaman ko kanina ay unti-unting nawala dahil sa pagkaing nasa harapan ko.
Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng mga pinagkainan namin para makapagpahinga na siya. Once I was done, I went to my room and just stared into nothing. I don't know how long I stayed like that, but the next thing I knew, my alarm clock was ringing.
Bumangon ako at kaagad na pinatay ang alarm. Nakatulog na naman ako habang nakatitig lang sa kawalan.
Lumabas ako ng kwarto at naabutan si Mommy na nakaupo sa may couch habang nag-aayos ng bag niya. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay kaagad siyang lumingon.
"Good morning, Wyn. Nasa kitchen na yung breakfast mo pati na din ang baon mo. Make sure to eat it, okay?" sabi niya at tumayo nang masiguradong ayos na ang mga gamit niya.
Tinanguan ko siya at lumapit siya para halikan ako sa pisngi. "I'll get going now."
Pinanood ko siyang umalis. Nang sumarado ang pinto ay pumunta na ako sa kusina para kainin ang niluto niyang breakfast. Pagkatapos ay gumayak na ako.
Just like yesterday, naglakad ako papunta sa school, at nang makarating ako sa classroom ay napansin ko ang mga titig ng mga kaklase ko. Pero hindi ko na sila binigyang pansin. Nagtuloy-tuloy lang ako sa upuan ko at naupo doon.
I'm too early. Ugh. I should've just gone out a little later para hindi ako nagdudusa sa mga titig nila ngayon.
"Good morning, Wynther!" A high-pitched voice rang out, pulling my attention toward the woman standing by the door with a smile on her face.
Kinawayan niya ako, pero hindi ko iyon binalik. Tinitigan ko lang siyang maglakad papunta sa upuan niya sa tabi ko.
"Ang aga-aga, ang sama na kaagad ng mukha mo," sabi niya habang nilalapag ang bag sa upuan.
Hindi ko siya pinansin at tumingin na lang sa board sa harap, pero muli siyang nagsalita.
When did we become close for her to act like this? Maybe me, trying to help her yesterday, made her delusional. Maybe I should've just ignored her yesterday para hindi niya ako kinakausap na para bang close kami.
"Wynther." Tinawag niya ulit ang pangalan ko, pero hindi ako lumingon, kaya tinawag niya ito ulit. Still, I didn't turn, but she called my name again kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang lumingon sa kanya nang nakakunot ang noo.
Bumungad sa akin ang mukha niya na may malaking ngiti na para bang nanalo siya sa isang imaginary battle.
May kinuha siya mula sa bulsa at nang ilahad niya ito sa akin ay nakita kong muli ang strap na pilit niyang binibigay kahapon.

BINABASA MO ANG
Strings of Memory
Ficção Adolescente"Hating the one thing you really love is a very painful feeling." - Wynther Fynne Clemenceau Wynther found something to love, only to have life take it away, leaving him with nothing but pain. Each time he tries to move forward, he's drawn back into...