"Babe, baby, mahal, bae, asawa"
"Mahal na mahal kita"
"Hindi kita iiwan"
"Ikaw lang po talaga, wala nang iba"
"Hindi kita ipagpapalit"O ano? Naisip mo nanaman siya? Yung mga korni niyong tawagan? Yung nga kulitan and cheesy moments niyo. Aww so sweet :')
"Sorry, makakalimutan mo din ako"
E ngayon? Naalala mo na na wala na kayo? Tanggapin mo na. It's overSo, nainlove ka tapos naghiwalay kayo sa hindi ko alam na dahilan. Ikaw ba yung sumuko, o ikaw yung binitawan? Well, wala talaga akong alam sa nangyari. Pero guess what? Alam ko ang sakit na nararamdaman mo.
Sa salitang "break up" madaming involve na reason. Siguro yung isa nagsawa na, nafall out of love na. O kung hindi naman ganun, ay siguro may iba na. Pero pwede ding kailangan niyo lang talaga ng hiwalayan kasi yun ang makakabuti sa inyong dalawa. Kailangan niyong magparaya para na din sa mga sarili ninyo.
Lahat naman kasi siguro na nagmahal ay nasaktan. Minsan umaabot ito sa hiwalayan hindi dahil hindi niyo na mahal ang isa't-isa, pero dahil kailangan niyong pakawalan ang sarili niyo para hindi na kayo masaktan pa.
Kakabreak niyo pa lang? Mahal mo pa? Yes, huwag mong lokohin ang sarili mo at sabihing hindi mo na siya mahal dahil alam mo sa self mo na hindi mo pa siya nakakalimutan. Pero masakit man mabasa, kailangan mo na talagang tanggapin ang katotohanan. Yan, nirealtalk na kita ha.
Hindi mabilis makalimot lalo na kung sobrang mahal mo siya. Yun bang, ginawa mo siyang mundo tas nagpaka alien ka sa pagmamahal sa kanya. Hays. Mahirap talaga makalimutan yung taong nagbibigay saya sayo sa pamamagitan ng simpleng bagay. Simpleng bagay like text o chat o idk. Basta masaya ka kasi nageexist siya sa mundong ito. Pero diba nga, kahit nga daw ang mundo ay may katapusan. May "end of the world" nga tayong nalalaman e.
Nasanay ka na na anjan siya palagi sa tabi mo. Nasanay ka na na katext siya buong araw. Nasanay ka na kasi kasama na siya sa routine mo. Tapos isang boom snap lang, nawala siya. Kapag ang routine ay nabago ng biglaan, mahirap itong makasanayan ulit. It takes time paano ito maaccept ng katawan mo. Sa hiwalayan, ganun din yun. Mahirap sa una, pero kayang kaya mo. Sabi nga nila "The beginning is always the hardest."
Take your time healing yourself. Walang makakatulong sayo kung hindi ang sarili mo lang. :)
-----
Don't forget to vote. Thank you ❤❤❤
BINABASA MO ANG
That's what you called pag-ibig (ON GOING)
Teen Fiction• Inlove • Brokenhearted • Nagmahal pero sinaktan • Binigay ang lahat ngunit pinagsawaan • Nagmahal ng sobra pero iniwan • Naging loyal, pero pinagtaksilan • Hindi mo na mahal pero hindi mo maiwan • Long distance relationship • Kulang sa oras • Nag...