Mahirap talaga mag let go ng isang bagay na nakasanayan mo na ng mahabang panahon. Mahirap dahil iniisip mo na baka kapag pinakawalan mo pa to ay hindi ka na makakakita ng kapareho, dahil hindi naman na talaga because you'll meet someone better.
You don't want to let go because alam niya ang mga deepest secrets mo at takot ka ma blackmail? Takot ka pag-usapan ng mga tao.
You don't want to let go because takot ka mag-isa. Takot ka harapin ang mundo na walang kasama.
Everyone of us wants to be loved. Lahat tayo gusto mahalin. Kasi lahat ng tao, gusto punuin ang sarili ng pagmamahal.
Try to imagine this. Mayroon kang timba, but it's empty. Matagal ka nang naghihintay na may magbigay ng water sa'yo. Now, may dumating na isang tao, nagbuhos ng tubig at pinuno ito. Ngayon ay takot ka galawin ang tubig na nasa timba mo because you're thinking na wala nang magbibigay ulit, iniisip mo na baka last na yung taong yun. Pagod ka na maghintay ulit ng magbibigay sayo. You're afraid to touch the water in the container because you're afraid that no one is there to fill it up again. You're afraid to feel empty again.
Lahat ng tao naiinip maghintay ulit so they stick to their partner even though something is wrong already.
-----
REASONS WHY YOU NEED TO LET GO AT BAKIT KAILANGAN MO TALAGANG GAWIN?
• Hindi na katulad ng dati.
Noong unang magkakilala kayo, super sweet niyo na nahiya na ang mga langgam. Pero ngayon ano? Inaanay na kayo. Wala na, hindi na ganun kung mag-usap, nagsasawa na kayo sa isa't-isa. You both knew na something is wrong but no one is willing to make the first move. Pinapahirapan niyo lang ang mga sarili niyo.• Trust and loyalty were gone.
Although selos makes the relationship healthy, ito din ang bagay na sumisira dito. Trust and loyalty is the foundation of a good relationship. Kung wala kayo nito, mas mabuti pang huwag niyo na lang ipagpatuloy kung anong meron kayo.• Hindi ka niya binibigyan importansya.
Kung mahal ka talaga ng isang tao, you don't need to beg for their attention. You don't need to feel alone because in the first place, he/she is your partner. Walang "busy" na salita sa taong nagmamahal.• Hindi ka na masaya.
You entered the relationship for you to be happy and feel worthy. Kung hindi ka na masaya, bakit mo pa pinagpapatuloy? Oo, lahat ng relasyon ay hindi lang palagi masaya because we all have our flaws and imperfections. Pero hindi ito sapat na rason para palagi ka na lang masaktan. Kung ang relasyon niyo ay palaging nagdudulot ng sakit sayo kesa kasiyahan, it's time to let go of that person. Hindi niya alam kung anong mayroon siya hangga't nananatili ka sa tabi niya at umaastang walang problema.• Ikaw na lang ang kumakapit.
You're the only one holding on. You're the only one na umaasang pwede pa at maaayos pa ang problema. Samantalang siya, tuluyan ka nang binitawan. Kung kakapit ka pa, mas lalo ka lang masasaktan. Kung ipipilit mo pa ang sarili mo sa taong mahal mo at tinanggap ka naman niya, dalawa kayo ang maghihirap. Siya, na pinipilit na lang ang sarili at ikaw, na pinipilit maniwala na mahal ka pa niya. Wala kang choice but to let go dahil sumuko na siya. Isinuko ka na niya so wala ka nang pinaglalaban pa.-----
Huwag kang matakot bitiwan ang maling tao dahil kung patuloy ka kakapit sa kanya, hindi mo talaga makikita ang tamang tao para sayo.
Ang taong magpapasaya sayo at ipaparamdam talaga kung gaano ka kaimportante sa kanya. Someone who'll make you feel worthy.
Find someone who's willing to spend the rest of their life with you. Find someone who's proud to have you at kulang na lang ay ipagsigawan niya sa buong mundo na ikaw ang taong mahal niya. Someone na hindi ipagsasabi ang mga sekreto mo sa oras na magkakaproblema kayo. You're so special and deserves a very special partner too.
Let's go back sa pail of water. You dont have any choice na but to use the water because if hindi, magiging madumi ito at hindi mo na talaga magagamit.
Huwag kang matakot mag-isa ulit. Huwag mong isipin na wala nang taong magbibigay ulit sayo katulad ng ibinigay ng ex mo. Dahil meron talagang itinakdang tao na makilala mo at sasamahan ka hanggang huling hininga. Ito ang taong ibibigay ang lahat ng kaya niya sayo. This person will do everything just to make yoy happy.
Madami pang dadaan sa buhay mo. At kada taong dadaan ay siguradong may matututunan kang aral. Aral na magagamit mo sa susunod na tao na dadaan sa buhay mo.
Sana ay makilala mo na ang taong huling dadaan sa buhay mo. At this time, hindi lang siya dadaan, kung hindi mananatili na talaga siya sa tabi mo. Ito ang taong hindi lang tubig ang ibibigay sayo kung hindi pati pagkatao at buong puso ang iaalay just for you.
-----
Sana po ay nagustuhan niyo :')
I'll try to update every week na
Don't forget to vote. Thank you ❤
BINABASA MO ANG
That's what you called pag-ibig (ON GOING)
Подростковая литература• Inlove • Brokenhearted • Nagmahal pero sinaktan • Binigay ang lahat ngunit pinagsawaan • Nagmahal ng sobra pero iniwan • Naging loyal, pero pinagtaksilan • Hindi mo na mahal pero hindi mo maiwan • Long distance relationship • Kulang sa oras • Nag...