Sa mga nang-iwan.
Baket mo siya iniwan? May mali ba sa kanya? May kulang ba? May nga bagay ba na hindi niya magawa? May mga gusto ka ba na ayaw niya? Nasasakal ka na ba kasi oa na siya masyado sa mga bagay bagay? Baket? Baket mo siya iniwan sa ere?
Hindi mo ba alam na ikaw ang nagpalutang sa kanya para mapunta doon sa taas? Pinaniwala mo siya na maglalast kayo. Pero ano? Ikaw mismo ang humatak sa kanya pababa. At kung hindi naman hatak, pinabayaan mo siyang walang patutunguhan. Hindi niya alam kung saan ang tamang daan dahil dapat, kasama ka niya para marating iyon.
Pero siguro naman may sapat kang dahilan bakit mo yun ginawa. Umaasa akong may super duper ultra mega reasonable reason ka why you dumped your ex. Whatever that reason is, sana pinaliwanag mo ng mabuti sa kanya bago mo siya iniwan. Yun bang, kahit direction na lang sana sakanya bago ka umalis ng tuluyan.
Kapag iiwan mo siya, sabihin mo ang rason. Siya na nga tong masasaktan, siya pa tong magiisip ng dahilan? Ganyan ka na ba ka sama na kahit reason man lang hindi mo pa magawa?
Once you left him/her, wag ka na magtaka bakit maiinis siya sayo. Don't be a bitch acting na walang nangyari. Siguro sayo, wala lang yun. Pero sakanya, sobrang sakit yun. Give him/her time para mag heal. You don't need to help them because ikaw mismo ang nag dulot sa kanila ng ganun.
Para sa mga iniwan.
Mga taong relate sa mga kantang "Pagsuko" at "Pagbalik" dahil sa mga lyrics na tagos sa kanila.
Hays. Isa ka ba sa mga taong yun?
Pinipilit mong isipin kung ano ba yung mali. Kung saan ba nagkamali bakit siya bumitaw. You're always thinking what's wrong with you. Bakit bigla bigla na lang siya umalis at iniwan ka.
Parang maze lang yan. Nung una, you're willing to enter kahit ano pa ka-gulo ang nasa loob nito, but wala kang pake kasi kasama mo siya. You're willing to face every battle with him/her. Pero paano kung iniwan ka niya sa kalagitnaan ng maze na to? Yun bang parang tumalikod ka lang saglit, nawala siya. Like snap, you're alone. Hindi mo alam kung saan ka dadaan. Hindi mo alam kung saan ka liliko. Parang bang nasa kanya yung mapa para makaabot kayo sa finish line. At nung nawala siya, dala nito pati map. Wala kang ka-alam alam kung ano ang dadatnan mo pagliko mo sa kaliwa o sa kanan man. Gulong gulo ang isip mo kung didiretso ka ba o babalik. Hindi mo na alam kung kaya mo pa ba. Pero paano ka babalik e nasa gitna ka na? Kahit direksyon pabalik ay wala ka. Umaasa ka kasi na hanggang dulo mo siya kasama. You're not expecting this to happen.
Pero guess what? Hindi sa lahat ng pag liko mo ay puro na lang negative ang madadatnan mo. Minsan may mga tao kang makakasalubong na magtuturo ng daan papuntang dulo. At sa dulong yun, there is something or someone waiting for you. Much better dun sa nang-iwan sayo. Trust me, may reason bakit to nangyayari lahat.
Naniniwala ako na lahat ng bagay ay may rason kung bakit ito nageexist. Kahit ikaw, may reason bakit ka pinanganak. Bakit ikaw ang nagtagumpay makapasok sa egg cell. :'D
Focus on yourself. Focus ka sa daan. Lahat ng liko ay may clue, dapat mo lang itong hanapin. Hindi mo kailangan ng map kasi makikita mo at makakarating ka sa dulo without cheating. :)
Magtiwala ka lang sa sarili mo, makikita mo ang way palabas diyan sa magulong mundo mo.
-----
Don't forget to vote. Thank you ❤❤
BINABASA MO ANG
That's what you called pag-ibig (ON GOING)
Novela Juvenil• Inlove • Brokenhearted • Nagmahal pero sinaktan • Binigay ang lahat ngunit pinagsawaan • Nagmahal ng sobra pero iniwan • Naging loyal, pero pinagtaksilan • Hindi mo na mahal pero hindi mo maiwan • Long distance relationship • Kulang sa oras • Nag...