RONI POV
Nang magising ako ay tulog pa sila kuya at Borj sa tabi ko kaya maaga akong bumangon at pumunta sa restaurant para doon na lang magpalipas ng oras at doon na din makapagbreakfast. Siguro ay sobrang worried sakin ni Basty kaya maaga din syang nagising at tumawag.
Basty: Goodmorning! How are you?
Roni: Not too good! Sobrang sakit ng ulo at sikmura ko.
Basty: Yan kasi sinagad mo sarili mo. Nasa inyo ka ba?
Roni: Nasa restaurant.
Basty: Puntahan kita. Anong gusto mong breakfast?
Roni: Can you buy me pancake and frappe?
Basty: Sure, wait lang saglit ako.
Roni: Sige, thanks!
Ginawa ko na lang muna yung mga kailangan kong gawin dito sa restaurant habang hinihintay si Basty. Nang tawagan naman ako ni kuya.
Roni: Kuya?
Yuan: Nasan ka po, bakit ang aga mong umalis?
Roni: Nandito sa restaurant.
Yuan: Hindi naman ikaw ang duty ngayon.
Roni: Wala din naman akong gagawin.
Yuan: Nagbreakfast ka na ba?
Roni: Not yet kuya pero papunta na si Basty nagpadala na lang ako ng breakfast.
Yuan: Ahh!!
Borj: Ang agang catch up nyan tol, mukhang madami kayong dapat pag-usapan at sinimulan nyo ng breakfast yung date nyo.
Roni: Shhhhh.. I don't need your unsolicited opinion. Sige na masakit ulo ko. Wala ako sa mood makipagtalo sayo. Kuya, message me if you need anything.
Yuan: I will! Goodmorning!
Roni: Goodmorning kuya.
Nang dumating si Basty ay madala na syang breakfast at frappe for me. Naupo na kami sa may seat na malapit sa veranda at dun namin pinagsaluhan yung food na dala-dala nya.
Basty: Kamusta? May natatandaan ka pa ba sa mga nangyari kagabi?
Roni: Ilan – ilan na lang pero parang sobrang bigat ng pakiramdam ko.
Basty: Magpataasan ba naman kayo ng pride ni Borj, talagang bibigat yang pakiramdam mo. Alam mo naman na namimiss mo na sya bakit iniiwasan mo pa yang nararamdaman mo? Bakit hindi ka na lang magpatalo at maggive-way?
Roni: Walang problema sa pride ko Basty, I can easily give way kung yun talaga yung kailangan to fix this pero magkaiba yung gusto ng puso at isip ko. My heart wants to cherish the moment with him but my mind keeps on nagging me na it's just for a short period of time and he needs to go back to US again.
The first time he left doon ko naramdaman na hindi ko kaya yung LDR. Pag nagtalo kami hindi na nga namin maintindihan yung pinopoint naming dalawa. Wala pang nagpatalo samin na maunang mangamusta man lang. Think about it, sa simpleng misunderstanding lumalaki ng lumaki because of the distance we have.
Kung siguro malapit kami sa isa't isa that fight will not last that long since we can keep on pestering and bugging each other to prove our point.
Basty: I understand pero diba mahal mo sya?
Roni: What's the use of being in love if those circumstances affect us? Worth it nga bang ipagpatuloy pa kung sa ngayon pa lang we both know na mahirap talaga?
And ito pa kinaiinis ko, yung alam mong nanliligaw pa lang sya pero mas matapang pa sya sakin. Diba? San ka ba naman nakakakita ng ganung suitor?
Basty: Hahaha.. true! Pero si Borj kasi yun eh! Hindi na maalis sa kanya yun and alam nya kasing mahal mo sya kaya nakakagawa sya ng way to tease you.