RONI POV
It’s been a while ng nandito ako sa Miami na mag-isa. Habang nagbrebreakfast ako ay may doorbell sa pinto ko kaya inopen ko na tong agad and I’m shock ng makita ko si lola Corazon at Patrick sa harap ko. Nagmano ako agad sa kanya at niyakap ko na din si Patrick.
Nang makapasok kami sa room ko ay agad akong hinampas ni lola ng baston nya.
Lola: Ano wala ka ng balak bumalik satin? Ikaw talagang babae ka. Napakaimpulsive mong mag-isip. You’re always doing what you think is right. You never listen to anyone.
Roni: Lola! Sorry, may ginagawa lang po ako dito about sa business.
Lola: Liar! Patrick already told me.
Roni: Pattt!!!
Pat: Sorry, you never get in touch to anyone of us aside from lola. So I told her para masamahan nya ako papunta dito.
Roni: You’re so mean! Sabi mo sa ating dalawa lang yun.
Pat: Yes, hindi ko naman sinabi kay Tom kay lola lang.
Lola: Kung kailangan mong magmove on pwede ka naman sa bahay para may kasama ka. Bakit kailangan mo pang lumayo?
Pat: Kasi nga pinsan ni Tom yung issue dito lola. And she can’t even trust us ni Tom kasi she’s thinking na ipapaalam namin kay Borj kung nasaan sya.
Roni: Hindi no!
Pat: In denial ka pa! Totoo naman. Tingnan mo nga yang pisnge mo pumuputok na sa kakainom at kakakain.
Lola: Hindi ka man lang makapaglinis ng room mo. Patrick, call the room service.
Roni: Lola, ako na po.
Lola: Stay in bed if you still feel unwell. We’re here! Don’t worry. Cry as long as you want.
Roni: Tapos na po ako sa stage na yun.
Pat: Look at his post Roni.
Roni: Pat naman eh! Okay na ako!
Pat: Just look at this! Isa lang yung pinopost nya everyday. Iba’t ibang music lang. Naiiba lang yung lugar. But all of it is about this coin his holding. He’s flipping it everyday with the same caption.
The caption is “Hoping that flipping this coin will grant my wish”.
Roni: Napakagenaral nyan Mr. Garcia! Anong iniisip mo dyan?
Pat: It’s not about the wish or flipping the coin. It’s about the person who knew what’s this coin for. You have the same one right?
Roni: Yes I do!
Pat: See! He wants you to see that he still have it.
Roni: You know na hindi tama diba?
Pat: I know but I just want to let you know na he’s thinkng of you everyday same as you do. Para hindi ka na mag-isip ng kung ano ano.
Roni: Oo na I’m okay na.
Lola: Hay, apo! Kitang kita ko talaga sayo yung sarili ko.
Pat: Coz you have the same great love as hers. You still love Tom’s grandfather lola. You always deny it pero that’s the truth.
Lola: Inaamin ko na naman ngayon pero matatanda na kami para sa commitment.
Roni: There’s no age limit lola when it comes to love.
Lola: We’re okay to stay as friends but I hope if you and Borj have a chance hindi na kayo tumulad samin.
Pat: Hayaan nyo na si Roni na tumandang dalaga lola.
Lola: Napakagandang babae ng bestfriend mo para tumandang dalaga.
Pat: Well, brader! We’re not here to comfort you. We’re here para sunduin kang umuwi na. Tom is sick and lolo is so stress because Tom wouldn’t like to drink his medicine. He’s always drinking and hindi sya nakikinig kahit kanino samin. We already give you time and space to love youself more.
Now, we need your help. He’s mad at you. He’s miserable and I can’t control him.
Roni: Naman talaga tong rich kid na to oh!
Pat: You know him more than we do. So you better get change your clothes and let’s go home immediately kung ayaw mong si lolo pa ang sumundo sayo.
Lola: Your lolo and I will talk to you once Tom become okay! We need you Roni.
Roni: Mag-aayos lang po ako.
Nagprepare na ako at nagpunta na muna kami sa meetings ni lola. Im still her private assistant when needed and time to time meron pa din syang pinatratrabaho sakin. Kahit na meron akong sariling business ay nagiging private assistant pa din ako nila ni lolo. They trust me so much kaya yung mga mabibigat na trabaho sakin nila pinagagawang dalawa.
Inabot na din kami ng hapon dito sa Miami kakaattend ng meetings pero may private plane naman sila lola kaya dun na lang kami sumakay pauwi. Nang makadating kami sa Texas ay dumirecho na kami sa bahay nila Tom.
Nang dumating kami doon ay may party at madaming bisita na nagswiswimming.
Roni: Pat akala ko ba may sakit?
Pat: Oo nga, but I also told you na nagiinom sya every night diba?
Roni: Let’s go! Let’s look for him.
Nang bumaba ako ng sasakyan ay pumunta na agad kami ni Pat sa pool area kung nasan yung party. Patrick grab a drink for both of us. All we thought ay si Tom ang nagpaparty but when I saw someone sa head couch ay si Borj ang natanaw ko.
Pat: Oh! Oh!
Roni: Pat, act naturally. Ask him kung nasan si Tom.
Pat: Okay!
Nilapitan na sya ni Patrick and ask him kung nasan si Tom. He said na nasa room to kaya pumunta na agad ako sa loob ng house. Borj is flirting with other girls. He looks more cooler than the first time I saw him sa party ni Tom.
Pat: Nasa room daw nya.
Roni: I’ll go inside. Have some fun here!
Pat: Noted, thanks! Kanila Borj lang ako. If you need anything call me.
Roni: Okay! Don’t drink too much!
Pat: Opo!
Nang lumingon ulit ako kay Borj ay busy sya sa pakikipagusap sa mga friends nya. He looks so okay na parang walang nakita at parang hindi ako nageexist. Kaya pumunta na ako sa room ni Tom to check on him.
Roni: Tom!
Tom: Oh! you’re still alive! Lucky to know!
Roni: Anong problema mo? Bakit hindi ka umiinom ng gamot?
Tom: Anong pakialam mo?
Tumayo sya sa kama at lumabas sa kwarto nya. He went striaght ahead sa pool area at nakipaginuman pa kanila Patrick at Borj. Sobrang short ng temper ko ngayon since sobrang dami naming ginawa kanina and sobrang affected pa din akong makita si Borj na parang wala lang ako sa kanya.
Sa sobrang inis ko sa kanila ay hinubad ko yung damit ko at nagswimming na lang muna. Some of the visitors are my friends as well kaya meron at meron akong makakausap kahit na hindi nila ako pansinin. If they can ignore me mas kaya kong makipagtiisan sa kanila.
Nang makita ko si Cogie sa side ng pool ay nilapitan ko syang agad. Cogie is Tom’s friend and I know Borj know him as well since he’s base on L.A. Sa kanya ako laging pinapalayo ni Tom because sobrang playboy nya. For me to get his attention, I need to use Cogie para pansinin nya ako.
Roni: Cogie!
Cogie: Roni, hi! Bakit ngayon lang kita nakita?
Roni: I’m away for quite some time. Do you have anyone with you? Any girls your hitting with?
Cogie: Wala pa bakit?
Roni: Can we drink? Saglit lang.
Cogie: Sure saan?
Roni: Come with me!
Umahon na muna kami ni Cogie sa pool and we walk in front of them para makita ni Tom na sya yung kasama ko.
Tom: Roni!!!
Roni: Enjoy brader! Wala munang pakialaman ngayong gabi!
Tom: Isa!
Roni: Count all you want! You will never see any concern from me.
Pumunta kami ni Cogie sa counter at dun nag-inom. If Borj can flirt, kaya ko din. Hinayaan ko lang sila sa gusto nilang gawin and I did what I want to do.
Dito sa States humalik ka man ng boyfriend mo o hindi walang pakialam sayo yung ibang tao. Kahit na mga pinoy or half pinoy man yan they don’t care. When Cogie tried to kiss me ay biglang may humawi sa kanya.
Borj: Dude, excuse me. I need to grab a drink.
Cogie: Sure!
Borj: Tiffany is there looking for you.
Cogie: I’ll go with her later. I want to spend time with Roni first.
Borj: I can hang-out with her. Go na! I’ll give her a drink and accompany her for a while.
Cogie: Okay!
Nang umalis si Cogie ay naupo saglit sa chair si Borj para kausapin ako.
Borj: If may problema kayo ni Tom, pwede bang pumasok ka na sa loob at magbihis ka na.
Roni: Ano bang pakialam mo!
Borj: Party ko to and hindi ka invited dito. You can go inside or I’ll ask the security to let you out on this place. I don’t want to see you here! I don’t want to see you anymore. Pumasok ka na lang sa loob. I’ll ask Tom na sundan ka na.
Roni: You’re rude!
Borj: Accept it or not! Ito na yung Borj na kakilala mo Roni! Ito na ako and hindi na magbabago yun. Go inside now! Just grab a drink! And get your shirt on!
Tumayo na ako sa upuan ko at kinuha ko na yung damit ko. Pumasok ako sa loob ng bahay at sinundan na din ako ni Tom.
Tom: Roni!
Roni: Wag ka ng magpahinga. Maginom ka na lang ng maginom. Uuwi na lang ako.
Tom: Brader! Sorry, aakyat na ako. Wag ka ng umuwi. Gabi na.
Hinawakan nya yung kamay ko at pinapasok na nya ako sa room nya. Sumunod na din samin si Patrick para magpahinga. Habang nasa cr ako at naliligo ay naalala ko yung ginawa ni Borj.
‘You don’t want to see me anymore? Sana tinanong mo din ako kung gusto ba kitang makita o hindi. Hindi naman ako nandito for you and kung alam ko lang na nandito ka hindi naman ako pupunta dito.’
Nang matapos akong maligo ay lumabas na ako ng c.r at sinamahan na yung dalawa kong kaibigan. Nakapag-ayos na sila ng higaan at sa mattress sila nahigang dalawa.
Roni: Pat, bakit ka tatabi dyan. Dito ka na sa kama. Hayaan mong mag-isa yan dyan sa mattress.
Pat: Okay lang ako dito Roni.
Roni: Can anyone just hear me out and sumunod na lang at wag ng makipagtalo sakin.
Pat: Bakit ba ang init ng ulo mo?
Tom: Nasungitan kasi ng brother nya.
Roni: I don’t care about him. I’m irritated because you never listen to us. Kailangan ka pa bang alagaan. Kailangan ko pa ba talagang pumunta dito para lang magpaggaling ka?
Tom: Sorry na nga po. Ni, ang sakit na ng ulo ko. Sinesermunan mo pa ako.
Roni: Magpahinga ka na. Pat!!!!
Pat: Ito na po.
Nahiga na silang dalawa at nag-ayos na muna ako ng mga kailangan ni Tom. Lumabas na muna ako ng kwarto at kumuha ng gamot. Habang nasa kusina ako ay narinig ko namang may papasok na lalaki at babae sa sala. Nang mapalingon ako doon ay nakita ko si Borj na may kasamang babae at nakikipaglandian.
‘So ito yung sinasabi mong ikaw. Ikaw na ikaw naman talaga yan since noon babaero ka na. Since nun madami ka ng chicks. Anong bago dun? Kahit yung pagiging rude mo ganun ka na din naman simula noon. Hindi mo nga lang ginagawa sakin. Ayaw mo kong makita? Well, magtiis ka! Umuwi ka sa L.A kung gusto mo.’
Nang lumabas ako ng kusina ay napalingon sya sakin pero pinagpatuloy pa din nya yung pakikipaglandian nya sa girl na kasama nya.
‘Wala ka bang girlfriend kung makipagharutan ka dyan para kang single. Cheater ka talaga! I regret losing myself for you’.
Umakyat na ako at bumalik na sa room ni Tom. Nakatulog na si Patrick and Tom is still staring at the ceiling.
Roni: Naunahan ka pang matulog ni Patrick. Anong iniisip mo?
Tom: Ikaw!
Roni: Anong meron sakin?
Tom: I just can’t stop thinking why you need to have an alone time.
Roni: For business.
Tom: Liar!
Roni: You’re overthinking brader! Sit down, take your medicine. You’re too hot!
Tom: I know, I’m yummy!
Roni: Hahaha.. Hindi iyon ang ibig kong sabihin.
Tom: Niloloko lang kita. Can I take it later? Bumaba muna tayo. Nagugutom ako.
Roni: Anong oras na to hindi ka pa nagdidinner?
Tom: Hindi pa!
Roni: Let’s go, I’ll cook for you.
Nang bumaba kami ay nandun pa din si Borj at yung girl na kasama nya. When Tom saw them ay inasar nya si Borj.
Tom: Happy vacation Borj!
Borj: Hahaha.. Sira! May sakit ka pa din?
Tom: Oo pero nandito na yung nurse ko. Mukhang kailangan ko ng gumaling or else iiwan ako ulit nito.
Borj: Bakit san yan nagpunta?
Tom: Sa Miami. Ilang buwan din tong nawala. Kung hindi pa susunduin nila Pat at lola hindi sya babalik dito.
Napatingin naman sakin si Borj and he might knew why I need to go somewhere else for a while.
Tom: Magdidinner kami. Gusto mo ba?
Borj: Tiran nyo na lang ako.
Tom: Sige!
Pinagprepare ko ng food si Tom and nagsalo na kami sa pagkain. Nagutom din ako sa sobrang inis sa kanila. Tom and I are like lovers, mas clingy sya kesa kay Patrick and he’s sweet and caring din talaga. Matigas lang talaga ang ulo nya kapag may gusto syang makuha. Kung honest ako, mas honest si Tom. Ayaw nya ng shady na tao. Ayaw nya ng nakikipagkapaan. Gusto nya kung may problema pinag-uusapan agad naming tatlo.
Tom: Bakit ka nakatitig sakin?
Roni: Wala naman namiss lang kita.
Tom: Kung hindi mo pa ako makikita hindi mo pa ako mamimiss.
Roni: Sorry na, nandito na ako ulit oh! Hindi ka din makamoveon.
Tom: Hahaha.. Hindi sorry ang kailangan ko.
Roni: Wala kang karapatang magdemand. Magpagaling ka muna.
We eat na with konting lambingan on the side. Nang pumunta si Cogie sa kusina para kumuha ng beer ay nakita nya kami ni Tom na sobrang sweet sa isa’t isa.
Cogie: Borj!! Bakit nakikipaghalikan dito si Tom?
Tom: Hahaha.. Sira!
Cogie: Girlfriend mo na ba si Roni?
Borj: Dude kunin mo na lang kukunin mo. Hayaan mo na sila dyan.
Cogie: Napakasungit ng pinsan mo Tom. Parang babae.
Tom: Hahaha.. LQ ata sila ni Bea kaya ganyan yan.
Cogie: Kaya pala kung sino sino na namang babae ang kinakama. Naku Roni! Mag-ingat ka sa dalawang magpinsan na yan. You’ll never know baka isa ka na sa target nilang maka-one night stand.
Tom: Sira! Dalian mo na.
Tumayo naman si Borj at lumapit kay Cogie.
Borj: Anong masama sa one night stand kung parehas naman kayong may agreement na isang gabi lang yun and after nun wala ng dapat pag-usapan o balikan? We’re on modern generation and nandito tayo sa States.
Napatingin ako sa kanya ng masama because I thought na yung nangyari samin dalawa was true.
Tom: Magsilayas nga kayong dalawa dito. Baka maisipan pa ni Roni na gawin sa iba yan. Brader! Don’t you dare talking to Cogie alone. Hindi yan magandang impluwensya.
Roni: Why? Sabi nyo nga nasa States tayo. Hindi lang naman lalaki ang marunong makipaglaro no! Aakyat na ako. Cogie! Call me anytime, I’m happy to serve you! Hahaha..
Cogie: That’s my girl! Palaban. Akin na number mo. Ayaw ibigay sakin ni Tom.
Roni: Cellphone.
Tom: Roni!!!!
Kinuha ko yung cp ni Cogie at tinype ko yung number ko.
Roni: Wala akong gagawin ngayong linggo. Call me anytime.
Agad namang tumayo si Tom at inagaw yung cp ni Cogie. Binura nya agad yung cp number ko at hinila nya ako para paakyatin sa kwarto nya.
Tom: Over my dead body na maidedate mo tong kaibigan ko. Humanap ka na lang iba.
Borj: Hahaha.. Tigilan mo na kasi si Roni dude. Madami namang iba dyan na mas sexy at maganda.
Cogie: She looks innocent and sweet. Parang feeling ko mapapatino nya ako.
Tom: Sapakin na lang kita para tumino ka.
Borj: Hahaha.. Ang init mo! Parang naglolokohan lang. Umakyat na kayo dun. Magpagaling ka.
Cogie: Pag naging girlfriend ko yan hindi ko dadalin sa kwarto yan Tom sa simbahan na agad.
Borj: Hahaha.. Tama na! Napipikon na si Tom.
Tom: Sumasakit ulo ko sa inyong dalawa. Tara na Roni!
Nang makaakyat kami sa room ni Tom ay pinainom ko na sya ng gamot at pinahiga na. Nagulat ako ng bigla nyang hilahin yung buhok ko.
Roni: Aray! Para san yun?
Tom: Hindi nakakatuwang makipag-usap ka ng ganun sa kanila. Kahit na biro lang yun.
Roni: Sinakyan ko lang naman si Cogie.
Tom: Pero binigay mo yung number mo.
Roni: Alam ko namang buburahin mo.
Tom: Sira ka talaga. Tara na matulog na tayo.
Tumabi na lang ako sa kanya para macheck ko from time to time yung temperature nya. Hindi din naman ako makakatulog at madaming tumatakbo sa isip ko.
‘Nakakainis talaga tong Borj na to. Gusto mong bawian kita sa mga sinasabi mo? Don’t trigger me or else sasabayan talaga kita sa ginagawa mo.’
Napatili na lang ako sa inis at sa sobrang gulat ni Tom at Patrick ay nahampas nila ako ng unan.
Pat: Roniii!!! Akala ko kung ano ng nangyari!
Tom: Bwisit ka! Patulog na ako. Bigla bigla ka na lang tumitili dyan.
Roni: Sorry!! Nainis lang ako bigla.
Pat: Matulog ka na!
Tumabi na samin si Patrick at niyakap nila akong dalawa. Parehas silang nakatakip sa bibig ko para hindi na ako mag-ingay. Nakatulog na din ako katabi nila at nakahawak sa mga kamay nilang dalawa.
Nang tumunog yung alarm ko para sa medicine ni Tom ay chineck ko na din yung temperature nya. Mas tumaas yung lagnat nya and nagchichills din sya.
Roni: Tom, anong nararamdaman mo?
Tom: Giniginaw ako.
Roni: May kukunin lang ako sa baba. Wag ka ng sumunod ha! Pat! Wake up.
Pat: Bakit?
Roni: Ang taas ng lagnat ni Tom. Can you check on him? May kukunin lang ako sa kusina.
Pat: Sige!
Bumaba na ako and ng makita kong nakabukas pa yung pinto sa sala ay pinuntahan ko muna to para isarado. But I saw Borj na hinatid sa sasakyan yung girl na kasama nya kanina. When he saw me ay pumasok na akong agad at pumunta na sa kusina para kunin yung kailangan ko.
When he came in and closed the door. Pumunta din sya sa kusina to grab water.
Borj: Bakit gising ka pa?
Hindi ako sumagot at kinuha lang yung mga kailangan ko.
Borj: Sorry!
Roni: Para san?
Borj: For being rude earlier.
Roni: No need to say sorry. Mas okay na maging totoo ka sa sarili mo. If you don’t want to see me anymore. Mas lalo ako. Hindi ko alam na nandito ka and if only I knew hindi ako pupunta dito.
I just want to ask something, kanina ko pa to iniisip and hindi ako mapapalagay if hindi ko to itatanong sayo.
Borj: Ano yun?
Roni: That night! One night stand lang ba sayo yun? Am I one of the girls na naikakama mo? Hindi ba totoo yung pinakita mo sakin nun?
Borj: Anong sa tingin mo Roni?
Roni: It is!
Borj: Just believe kung anong pinaniniwalaan mo. I’ll go ahead.
Nang umalis sya ay napaupo na lang ako sa silya. I can’t explain kung anong nararamdaman ko ngayon. I’m too angry with him to the point na gusto ko syang sundan sa room nya at makipag-away sa kanya. Pero anong magagawa nun. Anong mangyayari kung awayin ko man sya?
‘So hindi pala pure yung intention mo nung gabing yun? Sinayang ko lang yung mga luha ko sayo. Atleast umamin ka para hindi na ako manghinayang sayo. I will never cry or get hurt by you again I swear!’
Tumayo na ako at bumalik na sa room ni Tom. Binaling ko na lang sa kanya yung atensyon ko at pinagpuyatan namin ni Patrick na bumaba yung lagnat nya. Nang mapansin ni Patrick na inaantok na ako ay pinahiga na nya ako sa kama.
Pat: Take a rest, ako na muna magbabantay kay Tom.
Roni: Thanks Pat!
Inayos na nya yung kumot ko at nilagay nya yung mga unan sa paligid ko.
NEXT DAY:
BORJ POV
Maaga akong nagising dahil sa call ni Bea. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig dahil sobrang sakit ng ulo ko sa hangover. Nang makadating ako sa kusina ay nandun si Roni na nagluluto at naghuhugas ng plato at baso na ginamit sa party kagabi.
‘Ano bang ginagawa mo, hindi mo naman trabaho yan. Nagpapakanurse ka na nga kay Tom nagpapakamaid ka pa dito sa bahay’.
Hindi ko alam kung bakit naiinis na naman ako sa mga ginagawa nya. Wala naman masama sa paghuhugas ng pinggan pero may mga maid naman para mag-ayos nun.
‘Gusto mong maglinis ng maglinis? Sige, pagbibigyan kita.’
Habang kausap ko si Bea sa phone ay kinuha ko pa yung mga plato na nasa counter at dinala sa kanya. Niloudspeaker ko na din yung phone ko para malaman nyang kausap ko si Bea at hindi sya pwedeng magsalita.
Borj: Babe, sorry na! Napasarap lang talaga ako sa pag-inom kagabi.
Bea: Borj! All I’m asking is to update me.
Borj: I know, kaya nga po nagsosorry na ako.
Napatingin naman sya sakin ng masama ng marinig nyang kausap ko si Bea sa phone. Naupo na lang ako sa high chair sa may counter table at doon ko kinausap si Bea habang nagkakalat pa para meron pa syang linisin.
Bea: Hindi ka ba uuwi dito?
Borj: I let you know kapag may oras ako dadalawin kita.
Bea: I miss you!
Borj: I miss you too! Bati na tayo ha!
Bea: Yup, alam mo namang hindi kita matitiis.
Borj: I know! Pero I still want to make sure na hindi ka na galit.
Bea: Hindi na po.
Medyo padabog ng hinihugasan ni Roni yung mga plates and anytime malamang hindi na nya mapigilang hindi magsalita kaya nagpaalam na ako kay Bea.
Borj: Bye babe! I love you.
Bea: Bye! I love you too.
Nang matapos yung call namin ay binaling ko na yung atensyon ko kay Roni. Sinadya kong itapon yung tubig sa may counter para may magawa akong dahilan para inisin sya.
Borj: Roni, sorry! Natapon yung tubig. Can you wipe it?
Roni: Iwanan mo na ako ng bahala.
Borj: May trash pa dito.
Roni: Iwanan mo na.
Borj: Naayos mo na ba yung pool area?
Tumingin naman sya sakin at nginitian ko lang sya ng mapang-asar.
Roni: Can you leave me alone?
Borj: Ano ka ba dito? Hinire ka bang nurse o maid? Baka gusto mong maging personal assistant ko babayadan kita ng mas malaki.
I don’t know why pero I felt na nasobrahan ako sa mga sinabi ko coz biglang nagshift yung mood nya.
Roni: Are you insulting me Mr. Jimenez? I don’t see any problem sa ginagawa ko? If you have so much money na hindi mo na kayang i-keep sa bulsa mo. Isaksak mo sa baga mo.
Nilapitan nya ako at inayos yung damit ko habang nakatingin sya sakin ng galit na galit.
Roni: Tol! Pera lang ang meron ka pero wala kang totoong kaibigan. Yung mga totoong nagmamahal sayo iniwan mo dahil sa perang meron ka. Nilihim mo saming lahat na anak mayaman ka. You chose to hide it from us because you think na pagsasamantalahan ka namin.
Jimenez! Hindi kami manggamit, at lalong hindi kami opportunista ng kuya ko. Kahit ikaw na lang ang nag-iisang tao sa mundo hinding hindi ako hihingi ng tulong sayo. Hinding hindi ako tatanggap ng kahit ano galing sayo.
Kung mang-aasar ka! Wag na wag mong gagamitin yung pera o yaman mo. You never know how I hated you so much because of that word you use when you and Bea was talking sa clubhouse. I heard na ayaw mong ipaalam samin ni kuya. Why? Because you think na dahil kaclose ka namin we’ll ask something from you?
Kaya naming mabuhay ng wala ka. Kaya kong itaguyod yung pamilya ko ng walang kahit na anong galing sayo.
Wag mo kong itrigger! Baka hindi maid o nurse ang pasukin ko sa buhay ng pamilya mo. Baka magulat ka na lang related na tayo.
Tol, would you agree if I’ll be your cousin’s wife? Matatanggap mo ba akong relative mo? Hahaha.. Atleast kahit papano hindi man tayo magkapatid by blood. We’ll have someone who can connect us together.
Pagod na ako! Pakitapos na lang lahat ng ginagawa ko. Nakapagluto na ako ng breakfast. Kumain ka na din muna.
Don’t mess with me Borj! You know I can play your games! If you’re enjoying picking on me. Mas mag-eenjoy akong makipagsabayan sayo. Goodmorning! Smile! Napakaganda ng dimples mo para itago.
Hindi ko alam na narinig pala ni Roni yung pag-uusap namin noon ni Bea sa clubhouse kaya pala nung tinanong ko sya noon kung ano ba yung kinakagalit nya sakin ay many to mention yung sinagot nya.
I didn’t hide it because ganun yung tingin ko sa kanila. Ayoko lang ipaalam agad sa kanila kasi ayokong layuan nila ako once they find out na anak mayaman ako. Mas lalong sumakit yung ulo ko sa narinig ko sa kanya. Kaya tinawag ko na lang yung maid namin para ipagpatuloy yung ginagawa nya at bumalik na ako sa room ko para mahiga.
I know Roni, hindi nya sasabihin yung isang bagay kung hindi nya yun kayang gawin. She meant it, when she said na kapag ginalit ko sya pwedeng pwede nyang asawahin si Tom. Nahagis ko na lang yung unan na hawak hawak ko sa inis na baka nga totohanin nya yung sinasabi nya.
I already pissed her off last night and dinagdagan ko pa ngayong umaga. Kapag pinagpatuloy ko to. Malamang ako na naman ang pinaka most hatred person nya and hinding hindi na nya ako mapapatawad.
RONI POV
Nang umakyat ako sa kwarto ni Tom ay pumasok agad ako sa C.R. para doon umiyak. Hindi ako naiiyak dahil nasaktan ako sa mga sinabi ni Borj. Naiiyak ako sa sobrang galit na sana hindi na lang nya ako trinigger para hindi ko na sya napagsalitaan ng ganoon at hindi ko na din nasabi sa kanya yung isa ko pang kinakagalit. He didn’t deserve anything from me. Dapat sa kanya hindi pinapatulan, hindi pinapansin para hindi nya maisip na importante sya or may paki ako sa kanya.
Habang nasa C.R. ako ay kinatok naman ako ni Tom.
Tom: Brader, kanina ka pa nandyan. Can I use the bathroom please.
Roni: Wait lang palabas na.
Naghilamos na lang muna ako ng mukha para hindi mapansin ni Tom na umiyak ako. Nang lumabas ako ay ginising ko na din si Pat para makauwi na kami.
Roni: Pat! Wake up na, let’s go home.
Pat: Ang aga mo namang magising. Okay na ba si Tom?
Roni: Oo bumaba na yung lagnat nya.
Pat: Wala ka namang gagawin sa apartment mo bakit gusto mo ng umuwi?
Roni: Gusto kong mag-race.
Tom: This early?
Roni: Oo!
Tom: Samahan ka na namin.
Roni: Hindi na! Magpahinga ka pa. If you want Pat, ako na lang uuwi dito ka na lang muna para may kasama si Tom.
Pat: Hahatid na kita.
Roni: Wag na, magbobook na lang ako ng ride.
Tom: Anong problema Roni? Are you stress?
Roni: Hindi naman bakit?
Tom: Hindi ka magrerace ng ganitong kaaga kung hindi ka galit or stress.
Roni: Pwede ba wag nyong bigyan ng meaning lahat ng ginagawa ko.
Pat: See! Galit ka agad!
Roni: I’ll go home na!
Tom: Wait, hahatid ka na namin sa labas.
Nang pababa kami ng bahay nila Tom ay narinig naman naming nag-aaway na naman sila lolo at lola. They are business partners and kapag meron silang hindi mapagkasunduan dalawa ay talagang ganito silang magtalo. Napalabas din ng kwarto nya si Borj ng marinig nya yung pag-aaway nung dalawang matanda.
Sinundan namin sila pool area at naupo na lang muna kami sa kanya kanya naming pwesto habang pinakikinggan kung ano yung pinagtatalon nilang dalawa. Akala namin ay tungkol sa business ang pinag-uusapan nila pero nung narinig namin nila Tom at Patrick na si Madam Helena na naman yung issue ay napatawa na lang kaming tatlo.
Roni: Here we go again.
Tom: Breakfast na muna tayo dito. Sabihan ko si manang.
Roni: Ako na!
Tom: Dyan ka na lang, maupo ka lang dyan sa tabi ni Patrick.
Roni: Okay!
Tom: Borj, breakfast tayo. Anong gusto mo juice o coffee?
Borj: Juice! Ang sakit ng ulo ko.
Tom: Sige! Upo ka na sa tabi nila Roni.
Borj: Sige!
Tumabi na sakin si Borj at tinanong nya kami ni Patrick kung sino ba yung pinag-aawayan nila lolo at lola.
Borj: Sino ba yung pinag-aawayan nila?
Pat: Si Madam helena, yung dating ka-fling ni lolo.
Roni: Jimenez nga naman.
Pat: Humuhugot ka na naman dyan.
Borj: Kasalanan ba namin kung lapitin kami ng babae.
Roni: Excuses! Makapangcheat lang.
Pat: Hep! Awat na yan! Sorry Borj, kanina pa may topak to. Ang agang nagising para magsungit.
Borj: Ayos lang sanay na ako dyan.
Nang bumalik si Tom ay may dala na syang tubig para kanila lolo at lola.
Tom: Awat na muna, baka magtaasan ang mga bp nyo. Magtubig muna.
Lolo: Ito kasing lola Corazon nyo eh! Lahat na lang pagdating kay Helena ginagawang bigdeal. Ano ba naman kung magbreakfast sa restaurant? Mas hindi ka pani-paniwala kung breakfast meeting at sa hotel room kami nagkita.
Lola: Hindi naman kita pinagbabawalan na makipagmeeting sa kanya. Sino ba naman ako, kaibigan mo lang naman ako. Ang akin lang sana naman ay tumanggi ka din minsan kung alam mo namang hindi meeting ang pakay nya.
Lolo: May nakikipagdate ba naman ng umaga?
Lola: Wag mo akong mapilosopo Bernardo!
Lolo: Aba’y kausapin nyo nga tong lola nyo na hindi na ako maghahanap ng iba at alam ko namang mahal nya ako hindi lang nya maamin.
Pat: Yiiiee!! Ngingiti na yan.
Tom: Haha.. Lola alam naman pala eh!
Lola: Alam naman pala nya pero gumagawa pa sya ng ikakagalit ko.
Lolo: Ikaw lang ang nag-iisip ng ikakagalit mo Corazon. Aba’y teka! Parang may bagong dating.
Tom: Lagot ka ngayon.
Tumayo ako sa upuan ko at nagmano na sa kanilang dalawa.
Roni: Goodmorning lolo, namiss mo ba ako?
Lolo: Where have you been young lady? Bakit hindi ka marunong magpaalam?
Roni: Lo, may business trip lang po.
Lolo: Hija, may business trip ba naman ng ilang buwan nawala. May nagpaiyak na naman ba sayo?
Roni: Wala po lolo.
Lolo: Sus, samin ka pa magsisinungaling. Kilalang kilala ka namin apo.
Roni: Meron lang pong kailangan na gawin sa Miami lolo.
Lola: Kung hindi ko pa yan susunduin, hindi pa yan uuwi dito.
Pat: La, wag mo ng gatungan. Makakalusot na eh!
Roni: Upo po muna tayo, magbreakfast na at uminom ng gamot. I’ll check your BP na din po.
Inasikaso ko na muna sila bago ako bumalik sa upuan ko. Napansin na din ni lolo na kasama namin si Borj na nagbrebreakfast.
Lolo: Borj! Puro tayo party ah!
Borj: Lo, wala pa namang gagawin. Diba nasa conference yung mga client natin.
Lolo: Tamang tama at nandito kayong lahat. Meron akong sasabihin sa inyong mahalaga.
Lola: Mamaya na yang sa mga lalaki. Yung kay Roni na muna ang tanungin natin.
Lolo: Sige!
Lola: Did you receive the invitation Roni?
Roni: Yes, lola.
Lola: It was confirmed na ikaw ang nakakuha ng award. So you really need to go home.
Roni: Prepared na lola, I already booked my flight.
Tom: Ganyanan na talaga wala ng sabihan kung anong mga plano sa buhay.
Roni: Hindi naman ako sa bahay namin uuwi. Sa bohol ako didirecho and babalik din ako agad dito dahil meron pa akong kailangan gawin. Ilang araw lang ako dun.
Lolo: Roni, we need your help. These three boys will go to Bohol as well.
Tom: Ha? Ano na namang surprise yan lolo?
Lolo: Basta! Mauunang pumunta dun si Borj para sa isang client visit. I need your expertise Roni when it comes to services. Train the people there and kung pwede ka na ding maging secretary nitong tatlo na to.
You know the client. Nasama na kita sa meetings ko sa kanya multiple times and he likes your vibe. Si Mr. Ocampo.
Tom: Parang hindi naman sya type ni Deither lolo. Mas type ni Roni yun tingnan mo namumula na.
Roni: Issue ka Tom!
Lolo: Alam mo kung gaano sya ka-usisa sa mga tao. Since he wants him to be treated like a king. All you need to do is to handle the service team sa lahat ng department and you’ll help Borj with his presentation.
Roni: Lolo, excited na excited na akong umuwi para makapagrelax bibigyan mo naman ako ng trabaho.
Lolo: Alam mong hindi mo ako matatanggihan young lady. Give me your demands and let’s talk about it now.
Roni: I’ll do it for free, when it comes to services rules ako lang ang masusunod baka naman pahirapan pa ako ng apo nyong makipagnegotiate sa kanya ng mga gusto kong gawin.
Borj: Bakit mawawalan ako ng say! Paano kung hindi ako sang-ayon sa gusto mo?
Roni: Then, you can go alone. Ikaw na bahalang magmanage ng service team. Walang problema. Walang kokontra sayo.
Lolo: Let her say her piece Borj. Makinig ka muna.
Roni: I’ll have my alone time and hindi ako magwowork ng 8 hours. Part time lang kung kailan lang ako kailangan dun lang ako pupunta. Pag natapos ko yung trabaho ko ng maayos pwede na akong umalis. You can still call me ASAP if you have demands pero sa room ko na lang ako magwowork.
I’ll pay for my own accomodation and hindi sa hotel nyo.
For being your secretary, tell me all the things you need beforehand wag naman sanang sabay sabay yung hihingin mo and urgent lahat.
Walang ni isa sa inyong tatlo ang kaclose ko. We’re not bestfriends Tom and Patrick.
Borj: Napakadami namang demand nitong gusto nyong makasama namin. Daig pa ako. I can bring Tanya with me. Hindi ako sanay ng may ibang kasama sa mga ganitong deal. Tanya knows me well.
Kilala ko din naman si Deither and madami na din kaming napagsamahang client visit.
Lolo: You can bring Tanya with you pero I guarantee you kakailanganin mo si Roni.
Borj: Who said so? Hindi ko kailangan ng P.A.
Roni: Hindi ko din naman po kailangang magtrabaho sa inyo Mr. Jimenez.
Lolo: Bakit parang may alitan na agad kayong dalawa. Magkakilala ba kayo?
Tom: They knew each other for a long time lolo. She’s Borj’s childhood friend.
Patrick: And si Borj po yung so called brother ni Roni.
Lolo: Huli na ata ako sa balita.
Lola: Busy ka kasi!
Lolo: Hindi ka talaga makamoveon kay Helena. Basta Borj, all Roni’s demand should be implemented kahit yung sa service lang. Then you can have Tanya with you.
Borj: No lolo! She can assists Tom and Patrick but she can’t meddle sa mga kailangan kong gawin sa kumpanya.
Roni: Eh di wag! Lo, narinig mo hindi ako ang nagdecline ng offer mo. You know how much I love and care for you but I respect the director’s decision.
Tom: Sus! Tinatamad ka lang.
Roni: Nakuha mo brader! Well, aalis na ako at baka sobrang init na ng ulo sakin ng pinsan mo.
Pat: San ka pupunta?
Roni: Nagmessage na si Bullet nasa race track na sila.
Tom: Kasama nya si Cogie ah!
Roni: And so!
Tom: Sasama ako.
Roni: Hindi ka nga pwedeng lumabas. Babye na!
Kumiss na ako kanila lolo at lola at yumakap na din ako kanila Tom at Patrick. Dinaanan ko na lang si Borj at wala na talaga ako sa mood na makipagtalo sa kanya.
BORJ POV
Napakaspoiled brat talaga nitong si Roni na hanggang sa trabaho talagang sya pa ang nagdedemand. Ano kaya ang nagustuhan ni lolo sa kanya sa ugali nyang yun.
Lolo: Borj, sundan mo na yung kaibigan mo. Your words are harsh.
Borj: I’m just saying the truth. Mas gusto nya ng prinaprangka sya.
Tom: Hindi mo naman prinangka, pinahiya mo. Medyo naging entitled ka sa posisyon mo.
Borj: Hindi ganun ang intensyon ko.
Tom: Pero ganun yung dating samin at sa kanya. You know why Roni hated you the most?
Borj: Bakit?
Tom: Because you’ve been her bestfriend and her brother for so long and you kept with her that you’re a rich kid. You know na ayaw nya ng naglilihim ka sa kanya and you’re right gusto nyang ng prangkahan na usapan but even you knew yung ugali nya mas pinili mo pa din yung pinaniniwalaan mong tama.
Sundan mo na, hindi ko sya mapupunta kasama nya si Cogie. Atleast say sorry, kung hindi man nya tanggapin atleast you did your part.
Tara na Patrick! Ang panget kabonding ni Borj ngayon.
Lolo: Sige na Borj, alam mo din naman sa sarili mong mali ka. Wag ka ng magmatigas. Ang babae ganyan lang yan pero deep inside nasasaktan yan.
Tumayo na ako sa upuan ko at hinabol na si Tom para kausapin at akbayan.
Borj: Sa dami dami ng magiging bestfriend ng spoiled brat kong sister bakit kayo pa! Nakakuha na naman sya ng kakampi.
Tom: Sige na! Kanina pa mainit ulo nun kung magraracing yun malamang maglalabas ng sama ng loob yun. Alam mo naman pagdating sa babae hindi kita kakampihan. Magsorry ka lang. Kahit hindi tanggapin okay lang. She deserves to be treated right couz. Ang dami nya ng napagdaanan sayo. Wag mo ng dagdagan yung mga kasalanan mo baka ipakulam ka na nun.
Borj: Hindi malabong mangyari yun. Alis na ako.
Patrick: Ingat Borj!
Borj: Thanks!
Nang makadating ako sa race track ay kasama na ni Roni sila Cogie at Bullet. Kasama din nila si Tanya na nag-iinom.
Borj: Ang aga nyang beer na yan!
Cogie: Talagang hindi ka papabayaan ng magpinsan Roni.
Roni: So annoying.
Bullet: Hahaha.. Kid bakit ang aga mong galit?
Roni: May bwisit na nakakapag-painit ng ulo ko.
Borj: Ako ba yun Roni?
Roni: Hindi yata?
Cogie: Oh! Pangpawala ng hangover.
Roni: Una na ako sa inyo!
Bullet: Magdahan dahan ka lang.
Tanya: Roni, drive safely.
Roni: Yup!
Nang sumakay si Roni sa kotse ay sinundan ko sya at sumakay ako sa tabi nya para makausap sya.
Roni: Ano na naman? Hindi ka pa ba tapos sa pang-iinis?
Borj: Bakit ka nagagalit? Kung makapagsalita ka nga din kanina.
Roni: Borj, I was not related to anyone of them and you provoke me to fight back.
Borj: Spoiled brat ka kasi, ayaw mo ng pinakikialaman ka.
Roni: Napakabossy mo kasi kaya ayokong pakialaman mo ako.
Borj: Kagabi ka pa badtrip sakin. Hindi ka ba talaga marunong magpaawat?
Roni: Hindi. Magseatbelt ka na.
Borj: Magdahan dahan ka lang.
Roni: Bahala ka! Sumakay sakay ka eh!
Pinaandar na nya yung sasakyan and kahit wala syang kalaban ay sobrang binilisan nya yung pagmamaneho.
Borj: Ganito ka bang magpawala ng stress. Walang pupuntahang maganda to.
Roni: Manahimik ka! Lalo akong naiisstress sayo.
Borj: Ni, sorry!
Roni: Tang**a ginawa mo ng expression na lang yung pagsosorry. Hoy Jimenez! Kung ayaw mo sakin mas ayoko sayo. Kung ayaw mo kong makita o makasama mas lalo na ako. Kung gusto mong makipagflirt bahala ka sa buhay mo. Kung one night stand lang yung ginawa natin para sayo. Ganun lang din sakin yun!
Nakakairita ka! Sinayang ko pa lahat ng luha at oras ko kakamove on tapos maaabutan kitang may kasamang babae at talaga kinama mo pa! Wala ka na talagang natitirang konting hiya sakin. Napaka-unfair mo! Napakaselfish mo!
And to top it all! Talagang pinamumukha mo pa sakin yung estado ng buhay mo. Don’t worry tol! Madaling maghanap ng mayamang mapapang-asawa! Gusto mong makipaglaro ako sayo? Sige magpadamihan tayo ng maiiuwing kalandian.
Hinawakan ko yung kamay nya at bigla nyang brinake yung sasakyan kaya umikot kami ng ilang beses.
Borj: Focus Roni! Babangga tayo.
Roni: Shut up!
Nang mapahinto nya yung sasakyan ay bumaba agad sya at naglakad na lang paalis ng race track kaya hinabol ko sya.
Roni: Stop following me Borj! You’re too annoying! Magiging til death do as part pa yung tema nating dalawa. Leave me alone Borj!
Hindi ko maiwasang hindi mapatawa sa sinabi nya kaya ng mapatingin sya sakin ay nasampal nya ako ng malakas.
Roni: Masyado kang kampanti. Sinabi ko sayong wag mo akong itrigger!
Nang makapasok sya sa loob ng dressing room ay sinundan ko pa din sya at nilock ko yung pinto.
Borj: You said you would understand if I hurt you again. Sabi mo maiintindihan mo na yung mga actions ko. Bakit kailangan ko na namang iexplain sayo lahat. Iisa isahin ko na naman para malinawan ka. Napakagaling mo sa iba pero sakin you never tried to understand me kahit na maliit na pang-unawa lang.
Sinampal mo na din naman ako! Dire-direchuhin na nating tong away na to.
Last night nung ininterrupt ko kayo ni Cogie, intentional yun! Dahil ayokong maging isa ka sa mga babaeng kaflirt nya. He almost kiss you and parang wala lang sayo. So I need to say na ayaw na kitang makita para lang sumunod ka saking pumasok na sa loob ng bahay.
Pwede ba namang hindi ako matuwa na makita ka Roni! Ano ba namang thinking yan. Hindi mo ba talaga ginagamit yang utak mo kapag nagagalit ka?
That girl you saw, we’re just talking, we’re friends hindi ko sya kinama. Hindi ko sya pinasok sa loob ng kwarto ko. Wag ka kasing malisyosa. Hindi ako nagkakama ng kahit na sinong babae. Kahit na si Bea hindi ko pa naikama. Sayo ko lang ginawa yun kasi I want to.
And yung tinatanong mo sakin kung one stand lang ba yung gabing yun para sakin. Baliw ka ba? Roni, I cried a lot, I beg to please you. You know na totoo yung mga sinabi ko at pure yung intention ko sayo. Ano pa bang gusto mong proof for you to believe na mahal kita. I almost break up with Bea because I was so down and miserable. Everyday wala akong ginawa kung hindi mag-inom wag lang kitang guluhin.
Kaninang umaga kaya ko sinabi sayo yun kasi nakikita na naman kitang naglilinis. Ang aga aga mong nagising para magligpit ng mga pinag-inuman kagabi. May maids Roni, hindi mo trabahong pagsilbihan kami. If Tom would like you to do those chores ako hindi. Naiinis akong nakikita kang nahihirapan.
Ang sakit ng mga binitawan mong salita sakin kaninang umaga. Mali naman yung interpretation mo sa narinig mo. Did you hear na sinabi kong opportunista kayo ni Yuan? Narinig mo ba na may sinabi akong masama tungkol sa inyong dalawa? Kailan ko kayo pinag-isipan ng ganun? Ayokong layuan nyo ako if you found out na rich kid ako. Yun lang yun. Narinig mo na din naman pala kaming nag-uusap bakit hindi mo pa ko kinompronta? Bakit nag-assume ka pa? Akala ko ba gusto mo ng pinag-uusapan yung problema? Why you chose to leave me and hide?
Lastly, the reason why I don’t want you to become my assistant or kahit na magwork sa service department kahit libre pa yan. You just said na wag kong ipamukha sayo yung pagiging mayaman ko. Now, you will accept what lolo wanted? Pagkatapos mong iparamdam sakin na magkaiba yung mundo natin gusto mong magsilbihan samin.
Tang**na naman Roni! Saan ba ako lulugar sayo? Umiiwas na lang din ako para wala ka ng ikagalit pero mas lalo kang nababadtrip sakin. Kahit wala akong gawin o meron galit ka pa din. Totoo nga yang mga sinasabi mo pero hindi naman naayon sa kung anong gusto mo talaga. Can you stop confusing me? If galit ka, magalit ka na lang para makapagsorry ako. Kung nagseselos ka sabihin mo para makagawa ako ng paraan. Kung gusto mong maging tayo maging honest ka para alam ko kung anong gagawin kong next move.
You want me to stay away from you pero bigla kang magtatanong kung ano ba para sakin yung gabing yun.
This will be the last time na mageexplain ako sayo ng detalyado. Kung anong actions mo yun lang din yung ibabalik ko sayo. I’m not messing you up! I’m not playing games with you! I’m depending on your actions. Sabi ko sayo noon magulo talaga yang isip mo.
Gusto ko lang ulit ipaalam sayo at itatak mo dyan sa utak mo Roni. Mahal kita, sa ilang buwan na hindi tayo nagkita hindi ganoon kadali saking magmove on. Sobrang naguguilty ako kay Bea pero hindi ko maiwasan, hindi ko mapigilan. Believe me! Pinipilit kong itama yung lahat, pinipilit kong kalimutan ka pero ito ka na naman ginugulo mo na naman yung isip at puso ko.
Uuwi na ako. Nandyan naman si Tanya may magbabantay sayo. Bahala ka kung anong gusto mong gawin. But I’m reminding you na hindi maganda ang pupuntahan mo kapag sumama ka kay Cogie. Wag mong sabihin na hindi kita pinigilan.
Lumabas na ako ng dressing room at umuwi na lang ako sa bahay sa sobrang inis ko sa kanya.