Chapter 3

5 0 0
                                    

Ara's Pov:

How's your first day in school?

Kumakain ako ng ice cream nang biglang tanungin ni Kuya Mateo.

How was it nga ba? Nakakainis, to be honest. Kasi ba naman, may isang supladong feelingero na parang ayaw nang ngumiti habambuhay.

Ugh, bakit ko nga ba iniisip 'yun?

Pak!

Bigla akong napapitlag nang may pumitik sa noo ko.“Kuyaaaa! Aray ko naman! Masakit kaya!”

Ano'ng iniisip mo? Tinatanong lang kita kung kumusta 'yung first day mo, tulala ka na agad,"sagot niya habang tinataasan ako ng kilay.

Okay lang naman,
sagot ko sabay kagat ulit sa ice cream. "May nakilala akong friend, pero na-bwisit ako sa isang Mr. Suplado."

Sino naman 'yun?” tanong niya, kunot ang noo.

“Eh di si Casper Villafuerte!” Napairap ako. “Sungit nga eh, pakiramdam ko, mas masarap pang kausap 'yung pader.”

Bigla kong napansin na parang natahimik si Kuya.

Hindi ko mawari kung nagulat siya o may iniisip.

Kilala niya kaya si Casper?

Well duh syempre kilala niya kahit ibang building yung pinapasukan ni kuya eh kabilang parin naman siya sa Golden Crest Academy.

Tyaka matagal na siyang nag aaral dun baka nga talaga kilala niya, tanga mo te!

That guy?” seryoso niyang tanong. “Ara, ayokong makipag-close ka sa kanya.

Kuya, 'wag kang praning,parang ako pa 'yung makikipag-usap sa taong 'yun? Hell no,” sagot ko habang umiirap ulit. Pero may kakaiba talaga sa tono niya.

Basta. Ayokong mapahamak ka, Ara.”May halong paninindak sa boses niya.

Ang OA naman ne'tong pinsan ko, siguro sinapian nanaman siya.

----

Pagkatapos naming kumain, hinatid ako ni Kuya sa school para sa klase ko sa hapon.

Habang nasa biyahe, tulala ako.

Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko 'yung sinabi niya.

Mapapahamak? Anong ibig niyang sabihin?

Pagkarating sa school, bumaba ako at kumaway sa kanya bago pumasok sa classroom.

Sakto naman, nagsimula na agad ang klase nang pumasok si Sir.

Ms. De Leon right?, pakisolve ito,
biglang sabi ni Sir habang tinuturo ang equation sa blackboard.

Napakurap ako. Hala, lagot! Hindi ko alam 'yan!

Kanina pa pala ako tulala kaloka naman!

Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa harapan.

Habang nakatitig ako sa board, pakiramdam ko, mukhang alien language siya saakin!

Naririnig ko pa ang mga bulungan sa likod

"Di niya masosolve 'yan lagot siya kay Sir."

"Bakit kasi hindi nakikinig?"

"Ano ba kasi iniisipi niyan?"

"Unang araw tulala agad"

Mas lalo akong nainis. Eh paano kung hindi ko talaga alam?!

Bigla na lang may umagaw ng chalk sa kamay ko.

Last Year's PromiseWhere stories live. Discover now