Ara's Pov:
Hays, kung sana andito lang si Papa... pero ayoko na rin, ayoko na rin siyang makita pa ulit.
Pagkatapos niyang lokohin si Mama at tumira sa ibang bansa kasama ang kabit niya, hinding-hindi ko na gugustuhin pa siyang makita.
Magkasundo kami dati ni Papa, siya ang nagturo sa akin kung paano ipaglaban ang sarili ko para daw sa mga mananakit sa akin.
Pero paano mo ipaglalaban ang sarili mo sa sakit na siya mismo ang nagdulot?
Hindi naman kasi suntok o sampal ang sumira sa amin ni Mama kundi ang katotohanang iniwan niya kami para sa iba.
Mahal na mahal siya ni Mama!
Ipinaglaban niya si Papa nung panahong wala silang ibang kakampi.
Pinili niya si Papa kahit tinaboy siya ng pamilya niya.
Kung tutuusin mayaman ang mga magulang ni Mama which is sila Lola at Lolo pero hindi nila matanggap na nag ka anak agad si Mama.
Kaya pinalayas nila ito, at kinuha lahat ng maaring ma pag kuhanan ng pera ni Mama tulad nalang ng credit cards.
Pinag aral niya ang sarili niya habang nag t-trabaho ng mga part time jobs, hanggang sa unti-unting umayos ang buhay nila.
Pero nung naabot na nila ang pangarap, doon siya bumitaw.
Doon siya sumuko, para sa iba.
“Anak, bakit ka umiiyak?” tanong ni Mama, puno ng pag-aalala habang nakatingin siya saakin.
Nagulat ako at mabilis na pinunasan ang luha sa pisngi ko.
“Wala po, Ma,”
sagot ko, pilit na nilalayo ang usapan sa kanya.Ayoko siyang mag-alala, pero sa totoo lang, nasasaktan ako.
“Kamusta ang first day, Ara?”
biglang tanong niya, nagbabago ng tono para siguro pagaanin ang usapan.Ngumiti ako nang bahagya “Maayos naman po, hindi nga ako makapaniwala, napunta ako sa Section A! tapos may nakilala na rin akong friends kahit paano.”
Natawa siya. “Anong hindi makapaniwala, anak? Dati nga mataas ang grades mo, pero laging nasa guidance office,”sabay tawa ni Mama.
Napatawa na rin ako, hindi ko na napigilan, dahil totoo naman palaging may away pero hindi ako yung nauuna!
Puro depensa lang naman at oo, alam kong may "donation" si Mama sa dati kong school para lang mapakiusapan ang principal.
Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na si Mama. “Ikaw na maghugas, ha? Aakyat na ako, anak.” Tumango ako, pinilit ang sarili kong ngumiti para hindi niya makita na may iniisip ako.
Habang naghuhugas, bumalik sa isip ko yung sinabi ni Kuya Mateo layuan daw si Casper.
Ano bang meron sa supladong yun?
Napailing ako,pagtapos kong maglinis, umakyat na ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko, napaisip kung ia-add ko kaya si Casper sa Facebook.
Ay, hindi. Bakit ko naman gagawin yun?
Pero di ko namalayan, nasa search bar na pala ang pangalan niya. Ayun siya, naka-tuxedo sa profile picture at nakasuot ng salamin. Napansin ko rin yung background, mansion? Yaman naman ng suplado.
"Hard to forget, here's a reminder," nakalagay sa caption niya. Weird.
Napansin ko rin yung isa niyang picture nasa beach, topless, naka-salamin pa rin.
YOU ARE READING
Last Year's Promise
RomanceMinsan, may mga pangako na hindi nakalilimutan kahit ng panahon... kahit ng mga taong nagkalimutan. Eleven years old lang sina Casper Villafuerte at Amara de Leon nang mangyari ang trahedya na naghiwalay sa kanilang landas-isang trahedyang tinatakpa...