Ara's POV
Very excited na ako, pero at the same time, grabe rin ang kaba ko. Parang malalaglag ata ang panty ko dito, sa sobrang dami ng mixed emotions ko.
Paano ba naman, na-transfer ako sa Golden Crest Academy, ang pinakasikat na school sa lugar namin. At dito pa talaga sa school na ito nag-aaral si kuya Mateo my ever-so-cutesy, demure na pinsan.
Well, tinuturing ko siyang kuya kahit magkasing-edad lang kami. Protective kasi siya sa’kin na parang bodyguard 24/7.
Kaya nga ayokong magkasama kami sa iisang school. Sure ako, imbes na mag-enjoy, baka puro bantay ang gawin niya sa akin.
Naglalakad ako sa hallway, hawak ang registration paper na nagsasabing nasa second floor ang room ko. Sana naman ayos ang mga tao dito. Ayoko na ng gulo.
Paano ba naman kasi, na-transfer lang ako dahil sa nangyari sa dati kong school...
---
Flashback
Nasa canteen ako, tahimik na kumakain mag-isa, nang biglang may apat na lalaki na tumabi sa’kin. Isa sa kanila si Michael, pinaka kinaiinisan ko.
“Hi Ara, ganda mo ngayon, ah,” sabi ni Michael sabay hawi sa buhok ko.
Alam ko naman sa sarili ko yun, pero lagi akong maganda wag siyang OA!
Napatingin ako sa kanya at nagpakawala ng pekeng ngiti. Pero deep inside, gusto ko na siyang batukan.
Ang kapal, kala mo close kami!
Tumawa ang mga kasama niya, at halata sa mga ngisi nila na wala silang balak tumigil.
“Pa-score daw si Michael, baka naman pwede, Ara?” sabat pa ni Isco habang tumatawa ang grupo.
Hinayaan ko na lang sila. Hindi ko pinatulan kahit obvious na trip nila ako.
Pero nagbago ang lahat nang bigla kong maramdaman ang malamig nilang kamay sa hita ko. Putangina talaga.
Napatalon ako, kasabay ng pagbagsak ng tray ko sa mesa.
“Mga walang hiya kayo!” sigaw ko, na nagpatigil sa mga tao sa paligid at napa tingin na rin saamin.
Tumayo sila Michael, at bago pa sila makapag-salita, sinikmuraan ko si Isco. Napahawak siya sa tiyan niya.
“Huwag kayong gago, Michael!” sigaw ko. Pero bago pa ako makagalaw ulit, hinawakan ako ng dalawang kasama nila sa braso.
Mabilis akong bumwelo, tinadyakan ko sila sa tuhod, sabay isang roundhouse kick kay Michael na tumama sa panga niya. Napaupo siya sa sahig, hawak ang mukha niya.
Dumating ang principal, galit na galit. “Ms. De Leon, office. Ngayon na!”
Malas! Bwisit!
Tumigil ako, pero tinitigan ko muna si Michael. Next time, sumubok ka ulit, at mas malala ang gagawin ko.
----
End of flashbacks
Pero wala na palang next time, kasi nailipat na nga ako.
Sayang! Hindi ko pa tuloy napuruhan ang apat na loko.
Kaya heto ako ngayon, nasa Golden Crest, bitbit ang pangarap ng nanay ko na maging "maayos" ako.
Habang naglalakad ako sa second floor, naririnig ko ang mga bulong ng mga estudyanteng nakakasalubong ko.
“Ang ganda, bagong student?”
YOU ARE READING
Last Year's Promise
Storie d'amoreMinsan, may mga pangako na hindi nakalilimutan kahit ng panahon... kahit ng mga taong nagkalimutan. Eleven years old lang sina Casper Villafuerte at Amara de Leon nang mangyari ang trahedya na naghiwalay sa kanilang landas-isang trahedyang tinatakpa...