Chapter 5

6 0 0
                                    

Ara's Pov:

Bigla akong napatingin sa taong humila sa akin. Matangkad siya, nakaayos ang uniporme, at may aura ng confidence na parang kahit wala siyang sinasabi, lahat ng tao ay mapapatingin.

“Tama na,” malamig pero malakas ang boses niya, sapat para mapaatras yung mga nakapaligid sa amin. Tinignan niya si Rafaela at ang mga kasama niya, at parang isang tingin lang, natahimik na sila.

“Hoy, Gab. Ba’t ka nakikialam?” may halong takot na tanong ni Rafaela, pero halata pa rin ang pilit niyang tapang.

“Bakit, may problema ba kung makialam ako?” Sagot niya nang hindi man lang siya tinignan. Ang tingin niya ay nasa akin lang, na parang sinisigurado niyang ayos lang ako.

Gab? Siya ‘yung tinawag nilang Gab? Parang hindi naman siya taga-Section C. May something sa presence niya na… ewan, pero nakakagulo ng isip.

Baka Section B kaklase ata ni Jax tanong ka nga dun sa batang kumag mamaya.

“Umalis na kayo,” madiin niyang utos, pero parang simpleng statement lang iyon. Kahit ganon, sumunod naman si Rafaela at ang mga alagad niya, halatang nagpipigil ng inis habang papalayo.

Naiwan kaming dalawa, at hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o magagalit. Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko!

“Salamat,” maikli kong sabi, kahit medyo matigas ang tono ko. Ayokong isipin niyang wala akong kaya.

Next time, huwag kang papayag na inaabuso ka,” sagot niya. Hindi galit, pero may halong concern. Lumapit pa siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. “Basa ka na.”

“Alam ko,” mataray kong sagot, habang pinipiga yung basang parte ng blouse ko. Tsk, nakakahiya tuloy.

Ngumiti siya nang bahagya—hindi ‘yung typical na ngiti, pero sapat para maramdaman ko na para bang… ang gwapo niya kahit naiinis ako.

“Amara, right? Second day mo pa lang, pero agaw-pansin ka na.”

Napakunot ang noo ko. “Paano mo naman nalaman pangalan ko?”

“Sino bang hindi nakakaalam ng pangalan ng transferee?” sagot niya, tapos naglakad na palayo.

Napakamot na lang ako ng ulo habang pinapanuod siyang umalis. Sino ba talaga ‘yang Gab na ‘yan?

Pagpasok ko sa classroom, ramdam ko agad ang mga tingin ng mga kaklase ko. Hindi naman sa nagpapaka-conscious ako, pero paano ba naman? Basa pa rin yung blouse ko. Pilit kong tinakpan gamit yung bag ko, pero mukhang halata pa rin.

“Ano nangyari sayo, Ara?” tanong ni Mira habang nilapitan ako. Napatingin siya sa blouse ko, at alam kong may tanong na agad sa isip niya.

“Long story. Basta… badtrip,” sabi ko habang inilabas ang panyo para sana punasan yung basa sa blouse ko. Hindi ko alam kung effective pa 'to, pero bahala na.

Narinig ko naman ang mga bulungan sa likod.

"Grabe, parang may pinagdaanan si new girl."

"Bagong drama na naman."

"Eh di wow, ang intense ng second day niya."

At ayan, as usual, hindi rin nagpahuli si Casper. Napansin ko ang pagtayo niya sa upuan niya habang nakatingin sa akin, yung expression niya? Mix ng inis at pagtataka.

Seriously, De Leon?”
bungad niya habang pinamulahan ako ng mukha.

Ano bang problema nitong lalaking 'to?

Last Year's PromiseWhere stories live. Discover now