Minsan, may mga pangako na hindi nakalilimutan kahit ng panahon... kahit ng mga taong nagkalimutan. Eleven years old lang sina Casper Villafuerte at Amara de Leon nang mangyari ang trahedya na naghiwalay sa kanilang landas-isang trahedyang tinatakpan ng nawawalang alaala at lumang pangako. Ngayon, makalipas ang ilang taon, magbabalik si Casper sa Pilipinas. Ngunit hindi na siya ang dating masayahing bata, kundi isang taong may malamig na panlabas at isang lihim na hindi niya kayang basta-bastang isiwalat. Samantalang si Amara, wala nang naaalala mula sa kanilang nakaraan. Ang tanging alam niya, may bahagi sa buhay niya na parang kulang. Sa muling pagtagpo ng kanilang mga landas, magkakakilala pa kaya sila? O magiging dayuhan na lang ang mga alaala sa pagitan nila? At paano kung unti-unting mabunyag ang mga nakatagong sikreto-pati na ang tunay na halaga ng mga pangako?