tula#05

10 5 3
                                    

"Munting Pangarap"

Patuloy sa pagharap
Sa kasalukuyang kinakaharap
Gayon pa man, labis pa rin na nangangarap
Na sa tamang oras,makakamtan ang lahat ng pangarap.

Hindi manghuhula, para hulaan
Kung anong magiging lagay ng kinabukasan
Ngunit,bilang isang kabataan na mayroong Pangarap
Kakamitin ang katagang" Pag-Asa ng Bayan".

Mahirap ang kapasidad sa pag-aaral
Lalo na't kung kapos ang bulsa sa pinansyal
Subalit,itinatak sa isipan
Hindi ito ang magiging hadlang kailanman.

Pagkakaroon ng determinasyon, ang pinakamainam na desisyon
Naging mas maingat sa paggawa ng aksiyon
At sa halip na mag-alala sa lahat ng sitwasyon
Piniling magpakatatag sa kabila ng mga hamon.

Walang uurong, kundi aahon
Ano man ang naging pagsubok sa kahapon
Dikta pa rin ng puso ang "hindi pagsuko" mula noon hanggang ngayon
Patuloy na magsusumikap kahit na maraming problema ang baon baon.

Sapagkat kagaya ng ibon sa himpapawid
Malayang makakapagmasid -masid
Hahanap ng paraan upang makatawid
Sa pagitan ng mga tinik at lubid.

At kung sa mga gabi na iyak ang umaawit
Hindi magtatagal,iyak sa galak ang babalot sa gabing tahimik
Balang araw, gigisingin ang magulang at yayakapin sila ng mahigpit
Sabay sabe "Ma, Pa Akin ng Nakamit"

Nagkaroon ng tyansang pumili
At heto, piniling kamitin ang mga minimithi
Gaano man katagal ang magiging biyahe
Pagiging matiyaga ay ipapanatili.

Mag-aaral na punong puno ng pag-asa
Aasa sa "Balang Araw" na salita
Sabay gawa ng tamang gawa
Pagiging pursigido ay idedeklara na.

Malapit na
Konting tiis pa
Pangarap ay maaabot na.

~Mula sa isang mainenunulat, hangad ko sa'yo ang magkaroon ng magandang kinabukasan. Labarn para sa Pangarap!!!

Buhay Manunulat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon