tula#07

6 4 1
                                    

"Inamin na Pag-ibig"

Hindi na kaya pang itago
Ang sinisigaw ng puso
Labis na ang pagkahumaling sa'yo
Kaya't aamin na ako.

Gusto kita, matagal na
At nasisiguro kong, pagtingin ko sayo'y hihigit pa
At huwag  ka sanang lumayo
Pagkatapos ng pag-amin kong ito.

Napa-ibig mo ako
Sa mga matatamis mong ngiting nasisilayan ko
Sa mga tawa mong nakakatindig balahibo
At sa mga mata mong kumikislap mala ginto.

Sa'yo lamang iaalay ang pag-ibig kong totoo
Sa'yo na may busilak na puso
Sa'yo na laging nariyan sa tabi ko
Sa'yo na nagparamdam sa'kin na mahalaga ako.

Batid kong magkaibigan tayo
Pero wala eh, napa-ibig mo ako.

~ Maulang hapon. Naranasan mo na rin bang umamin ng hindi mo inaasahan sa taong kinagugustuhan mo? Iyong tipong, hindi mo na talaga mapigilan kaya't gusto mo na lang sabihin sa kanya nang deretsahan ang nararamdaman mong tunay? Anong feeling???o⁠:⁠-⁠)



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Buhay Manunulat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon