tula #01

31 15 2
                                    

" Payapa kapag Ikaw ang Kasama"

Hindi maalintana,
Na ako'y payapa, kapag ika'y kasama.
Problema'y nawawala,
Saya lamang ang nadarama.

Iba ako,
Sa tuwing nar'yan ka.
Kaya't hindi na magtataka,
Kung ba't ikaw, wala ng iba.

Sa bawat halikhik mo,
Hinehele ako.
Bawat kwento mo,
Isinasapuso ko.

Kaya't irog ko, manatili ka sana,
Sabay na'ting hagkan ang bawat isa.
Sabay na'ting tuparin ang pangarap na'ting dalawa,
Dahil kapag kasama ka, payapa ako o aking sinta.

Hindi maikakaila,
Na Ikaw lamang ang nais masilayan ng mata.
Bagkus, totoo pala, na kapag mahal mo talaga,
Hinding hindi ka na maghahanap ng iba.

-Ikaw na aking mambabasa, payapa ba ang iyong puso't isip kapag siya ay iyong kasama???

Buhay Manunulat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon