"Ikaw at si Ama"
Hindi mo kailangang magtapang-tapangan
'Pagkat lahat tayo ay may kahinaan.Kung nais mong isigaw ang sakit
na nakapaloob sa'yong puso't isipan
Gawin mo ito ng walang pag-aalinlangan
Handa ang kaitaas-taasan
Upang ikaw ay damayan at samahanHindi ka nag-iisa at kailanman ay hinding hindi ka mag-iisa
Itatak mo 'yan sa iyong kaisipan
Kung sa tingin mo, walang nakakaintindi sa iyong nararamdaman
Nagkakamali ka, burahin mo 'yan sa'yong isipan.Nariyan lamang siya, maniwala ka Ialay mo ang tiwala mo sa kaniya ng walang pagdududa
Hindi mo man siya kita, pero sana damahin mo ang kaniyang presensya
Sinusubok ka lang ng ating ama
Nawa'y magpatuloy ka.~Magandang umaga. Ang buhay ay talagang hahamunin ka, kaya't kung sakaling mapagod ka huwag ka sanang sumuko bigla, bagkus panatilihin mo ang pananampalataya kay Ama. Kayang kaya mo 'yan, Ikaw pa. Aja!!!
BINABASA MO ANG
Buhay Manunulat
PoetryMga tulang tila hindi maisalita, kaya't idadaan na lang sa pagsulat gamit ang tinta.