Kabanata 3

9 3 0
                                    

Kabanata 3

Girlfriend

I was impressed by how they arranged the flowers. Napaka ganda at ayos. Hindi ako magsasawa bisitahin ito gayong napaka ganda at dumami na ang tubo.

Bumalik ako sa mansyon dahil kailangan kong kainin ang pagkain na inilagay ko sa loob ng silid. Mas naging abala ako sa pagkain nang matikman iyon. Ngunit ilang sandali lamang nang matanaw kong papasok sa tanggapan sila Theo kasama ang pinsan nito... si Grayson.

Mabilis kong niligpit ang kinainan. Lumabas ako at hinugasan iyon. Pagkatapos ay dumiretso ako sa likod ng mansyon. Humiga ako sa damuhan habang dinadama ang mabilis na kilos ng pulso.

I closed my eyes. Sinisikap kong hindi siya makita sa darating na araw ngunit narito na naman siya.

Napabalikwas agad ako ng bangon nang maalala kung nasaan sila ate Klara ngayon. I saw them leaving the mansion. Kaya bakit nandito sila Theo?

Napapikit ako habang inaalala ang postura niya, ang kasuotan niya at ang piercing na kumikinang sa tenga nito. Malaki ang katawan niya kumpara kay Grayson. Siguro advantage niya iyon dahil mas nakakatanda ito kumpara sa pinsan niya kung hindi ako nagkakamali.

"What kind of flower, Theo?"

Bago pa ako makapagtago, nagkasalubong na ang aming mata. Napalunok ako at yumuko kaagad. Halos hindi ko nga natingnan ang reaksyon ng pinsan niya.

"Mauna na pala ako." rinig kong sabi ni Grayson.

Umayos ako sa pagkakaupo. Pasimple kong inaalis ang mga dayami na napunta sa aking palda. Sinentro ko ang sarili sa pagtanggal no'n.

"Can you please help me?"

Ako ba ang kausap niya?

Nag angat ako ng tingin. Nasa gilid ko na siya ngayon. Diretso sa kanyang braso ang aking mata. Hapit na hapit ang suot nito sa kanyang katawan.

Napalunok ako. Kinakabahan ako. Hindi ko kayang tumingin sa mata niya.

"S-Saan?"

"I need four pink flowers. I don't know how to pick the flowers."

Tumango ako at tumayo. Pinapanood nito ang bawat galaw ko kaya mas lalo akong kinabahan. Nangangatog ang tuhod ko na akala mo'y hindi ako makakagawa ng panibagong hakbang. Kaya halos bumilib ako sa sarili nang makalapit sa mga bulaklak.

"I-Ito... saka ito.." bulong ko.

Nalulungkot man pero sinunod ko ang kagustuhan niya. Alam kong maganda ang tubo ng bulaklak kaya lalago itong muli.

Nasa likod ko siya. Nanonood sa akin. Hindi ko gustong magtagal pa sa pagpili kaso dahil sa kabadong dibdib nablanko ako sa dapat kong pitasin.

Ilang sandali nang matapos ako. Humarap ako sa kanya at inabot iyon. He extended his arms and his fingers touched mine. I bit my lower lip and looked away.

"A-Ayos na ito..."

"Thank you." mababang boses na sambit nito.

Tumango lamang ako. Hinintay ko siya umalis bago ako muling babalik sa aking kinauupuan.

"Are you sleeping here?" tanong niya sa akin.

Hindi ko napigilan iangat ang tingin sa mata nito. His eyes are all on me. Seryoso at malalim ang paninitig. Kahit sino mamahihimatay kung ganito kagwapo ang makakaharap nila.

"K-Kanina sana..." I answered with all of my honesty.

Wala naman sigurong rason para makapagsinungaling pa ako.

Every Word You Say (Alta Diego Whispers Series #1)Where stories live. Discover now