Kabanata 6

8 2 0
                                    

Kabanata 6

Higher

Sa mga lumipas na araw, gano'n palagi ang ginagawa ko. Pumupunta ako doon at sabay kaming kakain. Dahil sa nangyayari, nasasanay na ako.

Wala akong natanggap na kahit isang masakit na sa salita sa kanya. Nakakainis sa sarili dahil sa kabila ng mga mabubuti niyang ginawa sa akin, naiisip ko pa rin ang mga ganong bagay.

He was kind enough to include me in his every day routine. Hindi ba siya naasiwa na makasama ako palagi? Iyon nalang siguro ang dapat kong isipin.

"Put it down." he said.

Napatigil ako sa pagbuhat ng paso. Inilapag ko iyon habang tinatanaw siyang papalapit.

Ganito ang scenario namin palagi. Sa tuwing tutulong ako, pipigil siya. Nakakapagtaka kung saan ako lulugar. Hindi ba kaya narito ako upang tulungan siya?

"Kaya ko naman,"

Hindi siya nagsalita at agad na binuhat ang paso. Dumiretso siya sa dapat kalagyan nito. Huminga ako ng malalim at lumapit.

"Anong gagawin ko? Ano pang kulang?"

Umiling siya.

"I can do this."

"Hindi tayo matatapos kung hindi ako tutulong..." mahina kong sabi.

Sumulyap siya sa akin. He licked his lower lips and smirked.

"Mas lalong hindi tayo matatapos kung tutulong ka." he mumbled, hindi ko masyadong marinig.

"A-Ano?"

"Patapos na ito. Wala na tayong gagawin sa susunod na araw."

Umupo ako sa upuan at pinanood nalang siya.

"Hindi muna ako pupunta. Mag aasikaso ako ng mga gagamitin ko para sa school." paalam ko.

He looked away.

"D-Dadaan ako dito tuwing uwian..."

Nagpatuloy siya sa pag aayos.

"Sino ang kasama mong dadaan dito?" taas kilay niyang tanong.

"Ako lang,"

Tumawa siya ng pabalang. Nagulat ako doon.

"Who's Charles?" bigla niyang tanong.

Tumuwid ako sa tayo. Naaalala ko na naman yung nangyari kahapon. Nakita niyang bumisita si Charles sa mansyon. Hindi ko rin iyon inaasahan. Biglaan lang dahil gaya ng sabi ko, wala akong kinikilalang kaibigan dahil iba ang mga tingin sa akin ng tao. Kaklase ko si Charles at hindi ko inaasahan na paparoon siya sa mansyon. Hindi kami gano'n nag uusap sa school kaya nakakapagtaka.

"Kaklase ko," I said in a matter-of-fact.

Ngumisi siya.

"Nagpapatulong siya sa akin magpaenrol next week."

Tumango siya at lumipat ng pwesto. Hindi na siya nagsalita. I guess, he was just curious. Baka pati siya nagtaka na may himala palang magkaroon ako ng kaibigan.

Umuwi ako nang magdilim. I could even see him following me. Lagi niya akong pasimpleng sinusundan. Wala naman sa akin iyon kaso nakakahiya dahil pagod pa siya.

Kinabukasan, bumungad sa akin sina ate Klara at Karen na sabay kumakain ng umagahan sa kusina. Napahinto sila sa pagkain. Sabay na umangat ang kilay at tumaray. Huminga ako ng malalim. Nothing really changed.

"Ang kapal ng mukha! Kaya pala laging wala!" halos lumabas ang ugat sa lalamunan ni ate Klara.

Karen listened to her rant habang pasimple akong dinadapuan ng tingin.

Every Word You Say (Alta Diego Whispers Series #1)Where stories live. Discover now