Kabanata 5
Gap
The moment I sat on the bent tree, nakita kong papalapit sina ate Klara kasama si Karen. Kaya imbes na umupo, nagtago ako sa malaking puno. Mabuti na lamang at nakarating na ako dito bago ko sila natanaw.
Ate Klara looks furious. Habang nagtataray naman si Karen sa gilid.
Anong ginagawa nila dito? Ang sabi ni Theo hindi niya girlfriend si Ate, pero parang hindi siya nagsasabi ng totoo. Lalo na nung nakita ko silang pumasok sa barn house. Dire diretso at walang pag aalinlangan.
Hindi na ako nagsayang ng oras. Tumakbo ako palayo doon. Natatakot akong baka makita pa nila ako at iba na naman ang mangyari.
Dumiretso ako sa likod ng mansyon. Dinama ko ang kaba sa aking dibdib. Ngayon ko lang naramdaman ito. Kanina para bang wala lang sa akin. Siguro dala na rin ng mabilisang pagtakbo kaya mas lalong lumalim ang kaba ko.
Hindi malabong may nangyari o may nalaman sila kaya gano'n na lamang ang mga ekspresyon nila kanina.
Hindi ko pa rin maiwasan na isipin kung ano ang sinabi ni Theo kanina. Kaya dinaan ko sa pagtanaw ng mga bulaklak ang namumuo sa aking isip.
Nagpalipas ako ng araw doon hanggang sa dumilim. Hindi ko na rin namalayan na nakaidlip ako habang nakasandal sa puno. Isang paghaplos sa aking pisngi ang nagpagising sa akin.
He was looking straight at me. His eyes are all on me. Nilalamon ako ng mata niya. I thought this wasn't real so I need to blink twice in order to see the reality.
Nakayuko ito habang ang mga palad ay nasa magkabilang bulsa. Nakakunot ang noo niya na tinatanaw ako. Nagulat pa ako nang bigla siyang nag swat sa harap ko.
"B-Bakit nandito ka?" halos pabulong kong sabi.
His jaw clenched.
"Why are you sleeping here again?"
Lumingon ako sa kanan. Nakakatakot na baka makita kami nila ate Klara dito.
"Bakit ka umuwi? I was waiting for you."
Nagulat ako sa sinabi niya. Marami ba siyang niluto kaya kailangan may tutulong sa kanyang kumain ng mga iyon?
"S-Sinilip ko ang bulaklak dito. Nakalimutan kong diligan kaya bumalik ako..."
He nodded gradually.
"You should go inside. It's already getting dark."
Nauna akong tumayo. Inalis ko ang mga dahon na kumapit sa aking damit.
"M-Mauna na ako." paalam ko nang matapos sa paglinis.
Nakaupo pa rin siya at tinatanaw ako. Seryoso ito at lantad pa rin ang malalalim na paninitig na hindi ko karaniwang nakikita tuwing nakakasama nito sila ate Klara.
Kinikilala niya ba ako? o baka naman naghihinala na siya sa mga paratang sa akin? Totoo kaya ang nasa isip niya?
Hindi naman magbabago ang tingin ko sa aking sarili kahit isipan niya man ako ng gano'n.
"Babalik ka bukas sa Daria?"
Alam kong ang kagubatan ang tinutukoy niya.
"Hindi ako sigurado... Baka may gawin ako.."
Tumango siya at tumayo. Napansin kong iba na ang damit niya. He was wearing a black shirt and black pants. May relo sa kanang kamay nito at may kwintas din na suot.
"Aalis ka?" hindi ko napigilan ang pagtatanong.
Nagtatanong siya kung babalik ako bukas, kung gano'n walang magdidilig sa mga bulaklak kaya gusto niya akong pumunta doon.