Kabanata 11
Pagkikita
Our classes started last week. Tuloy tuloy ang naging gawain namin. I remember myself fitting in every group activity I had before. Ngunit ngayon, kasama ko na lagi si Sam at Charles. We used to be with ourselves after a month of being together. Walang pagbabago at walang paninirang puri ang nagaganap. We just had fun and fun.
“Which one do you like, Tammy?” Sam asked me.
Bumibili kami ngayon ng buko. May ilang flavor doon ngunit mas gusto ko ang buko.
“Buko,”
She nodded and immediately pointed to the drink I wanted. Tumabi sa kanya si Charles habang may sinasabi. Nasa likod nila ako naghihintay dahil sa dami na rin ng estudyanteng sumisingit.
“Teka, ibibigay ko kay Tammy.” dinig kong sambit ni Sam.
Tuluyan na silang umalis sa nagsisiksikang estudyante. Tumabi sila sa akin bago kami nagdesisyon na tumulak paalis.
“She wanted it so bad, Charls. Alam din ni Tammy iyan. So, we decided to give it back to her.” aniya.
Naaalala ko na naman kung paano sa amin kunin ni Rianne ang topic na nakuha namin sa prof. Gusto niyang makipagpalit kaya pinagbigyan namin. Hindi ko itatanggi na mahaba ang pag iisip na meron kami kaya kahit anong topic, kayang kaya namin isurvive. Hindi namin ka grupo si Charles kaya narito kami upang ibalita sa kanya kung bakit iba na ang gagawin namin patungkol doon.
“What's with her? Lately, she looked unconscious.” ani Charles.
We shrugged.
Umupo kami sa vacant benches. I know my place in this one. Imbes na tumabi kay Sam, umupo ako sa harap niya. Pasimple akong ngumuso sa upuan katabi ni Sam. Tumango si Charles at ngumisi bago tumabi doon.
“Maybe, she's tired… Andaming pinapagawa sa atin isang linggo palang ang lumilipas.” sabi ko.
Tumango sila.
“Correct. Mabuti nalang malawak ang pang unawa namin ni Tammy. Hinayaan talaga namin na kunin niya kesa makipagtalo pa sa kanya. Mas mahihirapan kami sa bagay na iyon kesa sa paglipat ng topic.”
Natawa ako. Titig na titig si Charles kay Tammy habang nagsasalita iyon.
Kalaunan, umalis na rin kami. Sabay sabay kaming sumakay sa tricycle. Umikot ako sa likod, patungo sa tabi ng driver.
“Tams, where are you?” I heard Sam ask.
Bahagya akong sumilip sa loob ng tricycle.
“Dito ako.” I smiled.
Kumunot muna ang noo niya bago tumango. Isa na lamang ang kailangan bago umalis ang driver. Then, I saw a familiar boy coming up. Schoolmate ko ito simula pagkabata kaya kilala ko siya. Umurong ako upang maka upo siya. Nagsimula na rin tumakbo ang tricycle pagka upo nito sa tabi ko.
Madaraanan ang bahay nila Sam at Charles dito. Sa dulo ang mansyon kaya mauuna silang bumaba bago sakin.
Bumaba si Charles. Nagbayad ito habang nagpapaalam sa akin. Lumipat ako sa loob para makatabi si Sam.
I smiled at her. She did the same.
“Wala tayong pasok bukas. Anong gagawin mo?” she asked me randomly.
“Tutulong lang sa mga kasambahay namin.”
Ngumiwi ito dahil sa sinabi ko.
“Sila Klara ba natulong din?”
Naiilang akong umiling. Umirap siya at tumingin sa mga palayan na aming nadaraanan.
“Wala naman silang karapatan na ganyanin ka.”