Kabanata 10
Nanliligaw
Akala ko doon na natatapos iyon.
“Dito nalang po, Manong.”
Bumaba ako sa tricycle at doon napagdesisyonan na maglakad na lamang papasok sa mansyon. Mahaba pa ang daan patungo doon ngunit tanging mga puno at halamanan ang madadaanan ko. Masyado na akong nangungulila sa gubat kaya gusto kong makakita ng mga berde kahit sa sandaling minuto lamang. Kailangan ko rin maglakad upang makapag isip isip.
Wala naman akong ideya na ngayong araw ko pa siya masisilayan. Alam kong magkikita pa kami, ngunit hindi sa ganitong oras at araw. Hindi ako handa kaya ang naging reaksyon ko ay hindi ko rin maiwasang magulat.
Malapit na ako sa gate. Naputol ang aking pag iisip nang makarinig ng sasakyan. I heard a loud familiar horn from an expensive car. Bumaling ako at halos manigas nang makita kung sino iyon.
Nakatingin silang dalawa sa akin. Malaking ngisi ang nasa labi ni ate Klara. Mariin na titig naman ang galing sa kanya. Huminto ako at bahagya pang gumilid kahit alam kong hindi ako masasangi ng sasakyan.
I could hear my heartbeat. Sa sobrang lakas no’n at sobrang bilis parang tatagos na ng wala sa oras. Hinintay ko silang makapasok sa gate bago ako muling naglakad.
Sumilay ang mapait na ngiti sa labi ko.
Wala akong masisisi sa nararamdaman ko. Hindi ito mabubuo kung hindi ko hinayaan.
Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumiko. Wala akong balak magpakita muli sa kanya kaya dumaan ako sa gilid na natatakpan ng mga puno at halaman.
Kakaunting memories lamang ang nabuo namin pero ang hirap hirap kalimutan.
Ilang hakbang ang narinig ko dahilan kaya nag angat ka agad ako ng tingin.
He was looking straight at me. His piercing eyes made me shiver. I won't deny it but I felt a bit afraid just by looking at his eyes.
Wala akong kawala. Masyadong halata kung tatalikod pa ako at iikot para makaalis lamang dito. Ayoko rin makapansin niyang iniiwasan ko siya. I want to be civil as much as possible.
I cleared my throat. He was standing there like he had been waiting for me. Dadaan lang ako sa harap niya, tapos na. Nasaan ba kase si ate Klara? Bakit nakakawala ito sa paningin niya?
That was my plan but it wasn't his.
Nang makahakbang sa harap niya, agad nitong hinawakan ang braso ko. Mainit at malalaking palad ang yumakap sa maliit kong braso. Nagulat man ako pilit ko pa rin nilalabanan ang kabang nararamdaman. Kung walang ingay ng mga sumasayaw na puno sa paligid at mga huni ng ibon, natitiyak kong tanging pintig ng puso ko ang maririnig namin.
Nagtatama ang kilay nito at maririin pa rin ang titig sa akin. Ang galit sa mata nito ay hindi nagtutugma sa paraan nang paghawak niya sa akin.
“B-Bakit?” I asked.
His jaw clenched. He tilted his head a bit and looked at me again.
“Hindi ka bumalik sa gubat.”
Napalunok ako sa sagot niya. Bumaling ako saglit sa gilid bago muling salubungin ang tingin niyang halos tumagos na sa akin.
“A-Abala ako sa school. Malapit na ang pasukan namin…”
Nagtiim bagang siyang muli.
“Nagsabi ka na dadaan ka doon pagkatapos ng klase mo. Wala ka pang klase ngayon, hindi ka na dumadaan.” I wanted to deny it but his voice was full of pain and betrayal.