Liana Amente
“Maari ho bang umalis na kayo? Sinabing hindi namin ibebenta ang lupain sa inyo, ’di ba, itay?”
Isang buwan na kaming kinukulit ng mga negosyanteng ito tungkol sa lupa. Hindi nila maintindihan na ayaw namin itong ipagbili dahil mahalaga ito sa aming pamilya.
Pinaghirapan ito ng aking mga magulang kaya kahit anong sabihin nila ay hindi nila ako mauuto at mapapaikot sa mga kamay nila.
“Miss Amante, hindi mo ba naisip na marami kang magagawa sa perang ito?” Pagpupumilit pa rin ng lalaking nagpakilalang Andrew.
“Sir, hindi ko kailangan ng pera ninyo. Wala kayong mahihita sa akin, mabuti pa ay umalis na lamang kayo dahil nakakagulo na kayo sa amin.” Ang itay ko naman ay tahimik lamang na nakikinig sa amin.
“Ma’am, hindi ninyo kikitain ang isang milyon dito sa lupain ninyo. Maaari kayong lumipat sa mas magandang bahay, maaari kang makapagtayo ng negosyo at higit sa lahat, maaaring magbago ang takbo ng buhay ninyo.” Malakas akong natawa sa kaniyang sinabi.
Mukhang nagbibiro yata ang lalaking ito.
“Kung hindi naman pala kikitain ang ganiyan kalaking halaga sa aming lupain, bakit nag-aaksaya ka ngayon ng laway para lang sa lupa namin?” Prangka kong tanong sa kaniya. Kaagad namang nawalan ng imik ang lalaking kaharap ko.
“Hindi ninyo ako mapipilit na ibenta ito sa inyo dahil pinaghirapan namin ito. Paniguradong maging kayo ay hindi papayag na kuhanin ng iba ang isang bagay pinaglaanan ninyo ng mahabang oras at buhay. Kaya mabuti pa ho na umalis na kayo!” Turo ko sa daan pababa.
“Miss, hindi ninyo nauuwaan. Masasagaan ang lupain ninyo sa oras tayuan na namin ito ng buildin—” Hindi ko na siya pinatapos sa kaniyang sasabihin.
“Hindi ninyo masasagasaan ang lupain namin dahil may harang ’yan. Kung gusto ninyong itayo ang building na sinasabi ninyo, edi itayo ninyo nang hindi kami pinapakialaman. Kung ayaw ninyong makasagasa at magkaproblema tayo, pabakuran ninyo ang inyo ’wag ninyo pakielaman ang sa amin.” Mayayaman naman sila, sigurado akong kaya nilang pabakuran ang lupa nila.
“Miss, hindi mo naiintindihan,”
Malalim akong bumuntong-hininga. Sila ang hindi nakakaintindi sa amin.
“Sir, sigurado naman akong nagtapos ka ng pag-aaral sa isang malaki at magandang university, pero bakit ang hina mo umintindi? Kahit ilang abogado pa ang ipakausap ninyo sa akin, hindi ninyo kami mapapakiusapan na ibenta sa inyo ang aming lupain!”
Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Nakakainis isipin na ganito mag-isip ang karamihan sa mga taong mapera ngayon.
Akala nila ay kaya nilang bilhin ang lahat maging ang pagmamay-ari ng ibang taong mas mababa sa kanila.
“Umalis na ho kayo. Tara na, itay. Pumasok na tayo sa loob.” Tinalikuran ko sila at inalalayan ang aking ama.
“Sinasayang ninyo ang buhay ninyo sa lupaing ito!” sigaw ng isang lalaki. Malakas ko siyang tinawanan at muling hinarap. “Kayo ang nag-aaksaya ng buhay mga mister. Sayang ang inyong magagandang kasuotan kung utak ninyo naman ay walang laman!”
Susugurin sana ako ng isang lalaki ngunit mabilis na naglabas ng itak si itay.
“Sige! Ituloy mo ’yan nang maputulan ka ng kamay!”
Takot na nag-atrasan ang mga ito.
“Mga duwag naman pala sila, itay. Tara na sa loob.”
Elzion Bautista
Humigpit ang pagkakahawak ko sa baso nang marinig ang sinabi ni papa.
“Sabihin mo sa akin kung hindi mo kaya ang project na binigay ko sa iyo para maibigay ko ito kay Angelo! Palagi kang palpak, Elzion!”
Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ni papa ang lupain ng mga Amante, wala namang espesyal sa lugar na iyon.
“Papa, bigyan niyo pa ako ng sapat na panahon, mapapapayag ko rin sila. Sigurado akong nagpapakipot lamang sila.” Isang milyon na ang inalok ko kaya imposibleng tumanggi ang mga iyon. “Siguraduhin mo lang, Elzion. Dahil kapag nakauwi na rito si Angelo at wala pa ring nangyayari sa ipinapagawa ko, wala na tayong pag-uusapan pa. Naiintindihan mo?!”
Sunod-sunod akong tumango bago nagpaalam na pupunta sa opisina.
Hindi puwedeng mapunta na naman ito kay Angelo. Hindi puwedeng siya na naman ang magaling. Hindi puwedeng siya na naman ang mas kikilalanin.
“Argh!”
Pabalagbag kong sinara ang pinto ng opisina ko at padaskol na umupo sa swivel chair.
Bakit ba palaging si Angelo ang magaling sa mata ni papa?
Bakit ba palaging si Angelo ang pinagkakatiwalaan niya?
Argh!
“Hindi ito maaari! Hindi puwedeng siya na naman ang magaling at mas angat sa akin!” Kailangan kong ipamukha kay papa na mas magaling ako kaysa sa ampon niya. Ako ang tunay na Bautista kaya ako ang mas may karapatan!
“Anong balita? Napapayag niyo ba sila na ibenta sa atin ang lupa?” Bungad na tanong ko kay Andrew at sa mga kasamahan niyang inutusan ko na pumunta sa mga Amante.
Isang buwan na silang nagpabalik-balik doon ngunit iisa palagi ang kanilang sagot sa akin.
“Boss, ayaw talaga nilang ibenta sa amin ang lupain nila. Tinakot na rin namin sila ngunit nagmatigas pa rin sila.”
Malakas kong hinampas ang lamesa at tumayo.
“Ang dami ninyo wala man lang nakapagkumbinse sa kanila na ibenta ang lupa?!”
Malapit na simulan ang construction ng building at hanggang ngayon ay nagmamatigas pa rin ang mga Amante.
“Kung gusto raw natin itayo ang building sa lugar nila, mas mabuting pabakuran daw natin.”
Muli akong napaupo at napahilot ng sintido.
Kapag nalaman ni papa na hindi ko pa rin nakukuha ang lupain ng mga Amante, baka ibigay niyana talaga kay Angelo ang proyekto.
“Kapag napunta kay Angelo ang proyekto, lahat kayo ay mawawalan sa akin ng trabaho!” Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila.
“Sorry, boss,”
“Bumalik kayo sa mga Amante. Alukin ninyo sila ng limang milyon kapalit ng kanilang lupain!” Alam kong napapasubo ako sa kanila pero alam ko rin naman na naghihintay lang sila ng mas malaki pang halaga.
“Pare-pareho talaga kayong mga mukhang pera.” Tsk.
Alam ko na ang mga galawan nila.
“Boss, aalis na po kami.”
Nang makaalis ang mga ito ay sakto namang dating ng private investigator na tinawagan ko upang kuhanin ang information ng isang Liana Amante.
Name: Liana Amante
Age: 25 years old
Status: SingleNapangiti ako nang makaisip ng isang plano. Kung hindi pa rin magtatagumpay ang mga tauhan ko sa pagkuha ng lupa, ako na ang kikilos at gagawa ng paraan.

BINABASA MO ANG
Ang Mapangahas Mong Pagsuyo
RomanceMagmula nang mamatay ang ina ni Liana Amante ay ipinangako niya sa kaniyang sarili na poprotektahan niya ang kanilang lupain laban sa mga mayayamang abusado na nagtatanakang ito ay kuhanin at bilhin mula sa pangangalaga ng kaniyang ama. Kaya nang ma...