(CHAPTER 1) who you?

30 1 1
                                    

who you?

____________

"Pinky, wag mong kakalimutan ang mga kailangan mong tapusin para ipasa bukas, ha?" tawag sakin ni Arrianah, isa sa mga kaibigan ko na malapit sakin at ang kasulukuyan ring nagpapatira saakin sa bahay nila.

"oo, pwede mo naman yan ipaalala sakin kapag nasa kwarto na tayo, eh!" naiinis na sabi ko habang nagliligpit ng gamit.

"ano ka sineswerte? pati ako makakalimutin din, hoy!" iritang sabi nya sakin sabay batok sa ulo ko.

Para na kaming magkapatid kung magusap at magturingan dahil matagal tagal narin ako nakatira sa kanila, pasalamat nalang dahil mabait ang mga magulang nya at pumayag naman silang buhayin muna ako habang dipa nakakabalik ang ina ko.

wala na kasi akong matutuluyan dahil iniwan ako ng nagsisilbi kong ina na umampon sakin para sa kanyang bagong asawa at pinalayas din ako ng landlord sa nirerentahan naming apartment.

Nagsimula na Kaming maglakad pababa ng building since nasa 2nd floor ang room namin, bitbit ko ang backpack kong black at kay Arrianah naman ay totti bag na kasya ang sapat na kagamitan nya.

Nang naabut na namin ang gate palabas ay napanganga ako sa nakita ko at alam kong ganun din si arrianah. isang mamahaling sasakyan na nakaparada sa labas ng paaralan, malaki at mahabang sasakyan na di ko alam ang tawag at minsan lang makikitang dumaan sa kalsada ng Pilipinas.

bumaba ang lalaki mula dito at nagtilian naman ang mga babae sa likod namin na hindi ko naman masisisi dahil pogi naman talaga ang lalake at halatang dayuhan. ito ay mukhang matanda ng isang taon sakin.

Ito'y may makinis at maputing balat, pure black na fluffy naman ang buhok at nasa 5'5 naman ang tangkad. nakasuot ito ng kulay itim na hoodie, army green cargo pants, at may nakasabit din na Headphone sa leeg.

he looks like a young model that lost his way here.

"hala, ang pogi ng afam!!" sabi ni arrianah na humahampas hampas pa saakin.

"sige, isa pang hampas, kutos ka sakin!" iritang sabi ko habang pinoprotektahan ko ang katawan ko sa malakas nitong kamay.

shempre inlove nato kasi matangkad yung afam. minsan lang kasi kami may makita na mas matangkad sakanya kasi matangkad din talaga tung si arrianah kahit 15 years old palang ay umabot na sa 5'0 ang height, talagang ako lang yung pinaka maliit sa amin na 4'11 kahit ako yung mas matanda.

lumapit yung lalake saamin dahilan kung bakit ako lalong niyugyog ni arrianah.

"good afternoon, ladies. can we have a private talk?" sabi nito na may sexy accent.

"heheh, syempre naman po" sabi ni arrianah na nagpapacute dito... lakas.

"umenglish ka teh di ka nyan maiintindihan."

tumawa naman ang afam at nagsalita, "don't worry, i understand tagalog since I stayed here for 2 years when i was little, my mother is filipina."

bigla namang pumagitna si arrianah, patuloy na nagpapacute "san po tayo maguusep?" natawa nalang ako sa klase ng pagsasalita nya, walang hiya kasi nakakaloka.

the boy led us inside his expensive car. magisa ako sa may kaliwang upuan manghang tumingin sa bintana at si arrianah naman ay walang hiyang umupo sa isa pang mahabang upuan kaharap ko katabi ang afam.

sige lang, ituloy mo yan para sa future natin.

umayos ng pag upo ang lalake at nag handa ng sasabihin, umayos naman kami ni arrianah at humarap sa lalake.

"so, uhm.. we need more students in my school for some private reason and i decided to find here in the Philippines,"

"I've been observing the two of you for almost 1 and a half of months since i saw you fight with someone in a club party, it just caught my interest." seryosong sabi nya na kala namin ay nagbibiro lang.

Napatingin ako kay Arrianah at gayun din sya saakin, sikreto kaming pumunta sa club party kahit minor palang kami nuong September dahil birthday ng kaibigan namin noon, ang boyfriend naman nya ang nakaaway namin dahil nahuli namin itong may kaharutan. anyways, di naman malala ang away dahil nasuntok ko lang ito at natadyakan ni Arrianah.

"uhm, ano naman po kung kailangan nyo ng studyante? at ano po bang kinalaman namin dyan?" curious kong tanong sa lalake habang binibigyan ng masamang tingin si Arrianah dahil kanina nya pa hawak hawak ang kamay ng lalake.

sila naba?

nakatingin ang afam kay Arrianah na halatang pumipilit ng ngiti dahil sa kaharutan nito. "i decided to bring the two of you with me tomorrow in manila and stay there until the private airplane that the school owned arrived."

Desisyon ka?

satingin ko talaga kidnapper to, kikidnappin kami para ibenta ang organs namin. pero walang dudang sasama agad dito si Arrianah, no choice ako kaya sasamahan ko narin sya.

"libre po bayan?" tanong ko ulit, malay ba natin kung hingan kami ng bayad pag naandun na?

"it's free, you don't have to worry about anything." sagot nitong maawtoridad.

"ah, ehehe, kelan po ba tayo aalis? at ilan po bang damit ang kailangan naming dalhin? need po ba ng swimsuit? or cellphone lang po ang pwede kong dalhin para makapag selfie tayong dalawa?" sunod sunod na tanong nitong maharot na Arrianah.

sasama ba talaga kami dito ki Kano?

"you can bring important things with you, clothes are good but you don't have to bring your whole closet since we'll buy you new clothes after we reach los Angeles anyway." sabi nito na nagpaseryoso ki arrianah.

oh, ngayon molang narealize na sa ibang bansa tayo dadalhin? sige, humarot kapa.

"sa NewYork!!??" seryosong tanong ko na biglang ikinatawa ng dalawa.

"that's East, we're going west, it's the California." paliwanag ni Arrianah na pumipigil pa ng tawa.

wag kana magpigil, nahuli na kita tumawa kanina.

"yes, we're going to California indeed.
If you agree, please sign this contract, and also, I'll be the one to talk to your parents about this matter miss Arrianah, no need to worry." sabi nya while showing a genuine smile na nagpa blush kay Arrianah at napatalikod ki afam.

"akin na nga yang kontrata nayan, haharut nyo!"

inagaw ko ang papel kay Arrianah at binasa ito sabay perma, ibinigay ko naman agad ito kay Arrianah habang may pakagat kagat pa ito ng ballpen, nagpapacute kay afam nya.

"so, uhm.. what's your name po?" tanong ko na nagpabasag ng katahimikan sa dalawang maharot.

"My name is Shaun, Shaun Crofford and I'm 17 from California." pormal nitong sinabi at bakas ang Dignidad sa boses "how about you ladies? I've been watching you but still have no idea about your identities."

Lie. alam kong nagsisinungaling sya dahil hindi halatang curious ito sa pangalan o identity namin, makikita mo sa mukha nya na marami na siyang alam samin.

"I'm Pinky, basta Pinky.. wag mona alamin apilyedo ko, wala ring silbe."

Napangiwi ang lalake at nag nodd nalamang ng nahalata nyang wala talaga akong interes na dagdagan pa ang sinabi ko.

"I'm Arrianah Skye, 15 years old ehehe.. virgin." sinipa ko agad si Arrianah sa sinabi nya, bigla ito umaray at lalong sumulok sa tabi ni Shaun.

natawa naman ang Kano sa sinabi ni Arrianah... wag nya naman sanang seryosohin tong pinagsasasabi ni Arrianah, jusko.

"So, you're a virgin? That's good to know, but I wouldn't go around bragging about it in California. A lot of guys would jump at the chance if they heard you saying that, Arrianah." he said using his sexy accent in a seducing tone.

Is he trying to seduce Arrianah? subukan mo lang talaga magkakabukol ka.

"should we head to your house then?"

Sister by chance, Heiress by fateWhere stories live. Discover now