(Chapter 15) New family

5 1 0
                                    

New family

-----------------

Ash blonde na buhok, kulay kayumanggi na mata, matangkad, maayos na pananamit, at maraming alahas na suot. Mukhang eleganteng dyosa ang nakatayo sa harapan namin.

"Mom, where are you going again?" Nakangusong tanong ni Shaun sa babaeng naka tayo sa harapan.

Mom? Ito yung mommy nila? E sino tong mukhang eleganteng magasawa dito?

"I'm sorry, son. This meeting is very important right now." malumanay na sagot nito sa anak.

"Mother, this is the girl i have told you before." pagpakilala naman sakin ni Ethan sabay tulak sakin ng mahina sa likod.

"I know, son. Very innocent, huh?" sagot ng ina nito na tinignan ako mula ulo hanggang baba.

Mukha bakong di mapagkakatiwalaan?

"G-Good afternoon po.." agad kong bati dito.

"Good- Hey! Y-You don't have to bow your head that low!!" sigaw nito na agad namang pag alalay ng kamay ni Ethan sa nuo ko pataas.

"You are part of our family now, no one needs your greetings like that, sweetheart."

"G-Ganon po ba?" napa yuko nalang ako sa hiya at napaatras.

"Hey! Why are you pulling that little 'shy act' now?" taas kilay na tanong ni Shaun saakin.

Jusko naman Shaun! Pati dito ba naman?

"Madam, the young lady's room is prepared now." marahang pagpapaalam ng babaeng nakainiporme sa Mommy nila Shaun habang nakayuko.

"Then guide my daughter in her room so she can rest properly." utos nito habang naka harap sakin ng nakangiti.

Daughter? Ayy!! Ang sarap sa tenga! Matagal ko ng gustong marinig ulit yang salitang yan!

Kumusta na kaya si mama sa pilipinas?

"Please follow me, young lady." the maid finally guided me upstairs.

Habang paakyat ay may bigla kaming nakasalubong na matangkad na lalake. May kasama itong isa pang lalakeng may madilim na ekspresyon at naka suot ng iniporme.

Nakikita ko din to sa manwha na binabasa ko e. Ano nga ulit tawag nila sa mga ganito? Butler? Tangek ka Pinky, mayaman lang butler na agad? Assistant lang to.

Pero tong isang nasa unahan, may mabigat na prisensyang dinadala katulad ng mama nila Shaun. Baka papa nila to? Seryoso ang mukha nito at may sigarilyong hawak. 30's version ni Ethan!! teka..

Kung mama nila yung nasa baba, e mas malakas pala talaga genes ng papa nila!! Kahit san banda mo tignan halatang dito nagmana yung mga anak nila e!! Kulay lang minana nila sa mama nila kasi to tan skin. Pinoy din to? Hindi ata kasi asul yung mata...

"Excuse me. Who are you, young lady?" tanong ng naka inipormeng lalake sa likod ng bossing nya.

"A-Ako po si Pinky, ah, kasama po ako nila Ethan at Shaun galing Pilipinas.." magalang kong pagpapakilala.

"A new daughter, huh? Is she?" tanong naman ng bossing na nakaharap sa maid na kasama ko.

"Yes, master. She's the new daughter that was chosen by the young masters."

"My sons chose you? You must be talented enough, hm?" tanong nito na parang hinahamon ang kakayahan ko.

Eto nanaman, nang liliit nanaman ako sa sarili ko basta ganito sakin tumingin ang mga taong mayayaman.

"I'm not that talented, so i hope you don't expect too much from me." sagot ko dito na umiiwas tumingin sa mga mata nito.

Di man ako tumitingin dito ay ramdam ko na tumawa ito, hindi nya pinapahalata pero alam kong naka ngiti sya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: a day ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sister by chance, Heiress by fateWhere stories live. Discover now