Chapter 61

290 15 0
                                        

Val's POV

Nagpakabusy na lang ako ngayon araw dahil ayoko maisip ang nangyari kahapon.

Ang aga ko nga ngayon sa office actually.

5:30 palang nandito na ko.

Good thing at wala si Yanna sa office niya kanina kaya na kuha ko yung mga sinalo niya na gawain ko.

Madalas kasi nandito pa siya pag ganung oras.

Night owl ang gaga.

Chineck ko ang time at 11:30 na pala ng tanghali.

Siguro mamaya na lang ako kakain tatapusin ko lang muna itong isang folder.

"Chairman can we talk for a sec? At the conference room." Seryosong sabi ni Yanna habang nakasilip sa pinto.

Tinawag niya ko na Chairman so parang seryoso ata ang pag uusapan namin.

'Pero bakit sa conference room pa hindi na lang sa office

"I've just learned that we have a new head engineer. Could you please tell me who hired this person?" Seryosong tanong niya pagkapasok ko ng conference room.

Siya may kasalanan bakit nawala yung head ng engineering department.

Matanda na kasi yung dating Head ng Engineering Dept kaya nilipat siya sa ibang position.

"Si Jane nag hire dun sa bagong Head ng Engineering Dept. at hayaan mo na kasi yun ang trabaho niya. Mag focus ka sa trabaho mo." Wika ko.

Iba iba kasi sila ng priorities na binigay ko.

Like si Jane ay kahit siya ang COO and CTO dapat chinecheck niya ang Engineering Dept.

Kapag may nangyari hindi maganda siya ang bahala.

Si Yanna CEO siya pero dapat niya icheck ang Security and Emergency.

Nung hindi ko pa nabibigay ang position na CEO kay Yanna siya ang COO nung mga time na yun. Kaya ngayon na kay Jane na muna.

Pati si Ash ang Chief Financial Officer namin.

Umpisa nung nakuha ni Ari tong Airline na to hindi siya nagdalawang isip na ibigay kay Ash yung position.

Well tama naman si Ari at magaling mag handle si Ash.

Kaya ang lakas ng loob nung dalawa na iwan kay Ash madalas ang mga gawain.

Kaming apat talaga ang pinaka head dito sa Airline.

"Who hired this person? Could you please provide more information about this individual? Can they be relied upon completely?" Duda ni Yanna.

"Hindi ko pa siya na memeet gusto mo sumama ka pag nag meet kami pinaset ko kay Jane eh." Offer ko.

Tumungo tungo lang siya.

Hindi na kami nagtagal sa conference room dahil may mga kailangan pa kami tapusin.

Laking gulat ko dahil pagbalik ko sa office may flowers and food sa mesa ko.

Alam ko naman kung kanino to galing.

Mag mamaang mangaan pa ba ko obvious naman kung sino.

Talagang kinukuha niya ulit ang loob ko.

'Kung tinuloy na lang sana kung ano yung nangyari sa Japan ano?'

Chineck ko kung anong pagkain ang binigay niya.

May paletter pa nga.

'Only for you'

Pagbukas ko ng container laking tuwa ko nung nakita ko na sinigang na baboy at butter shrimp ang binigay niya sakin.

Our Past (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon