Val's POV
"Yes Jane papunta na ko sa car ko." Inform ko sakanya.
Nagmamadali ako ngayon dahil nagkaroon ako bigla ng meeting.
Importante raw yun sabi ni Jane kaso hindi siya makakapunta sa hindi malaman na dahilan.
"Sige sasama na rin daw si Yanna magkita na lang kayo sa parking lot." Wika ni Jane.
Umoo na lang ako at pinatay ang tawag.
Nasa parking lot na ko at patungo na ko sa car ko ng may marinig akong nagsisigawan.
"Ano ba Tanya!? Bumalik ka na ng Siargao!" Sigaw neto.
Alam kong boses ni Ari yun kaya dali dali ko sila sinilip.
"Mahal kita Wave! Kaya nga ko nandito para sayo oh! Nag ipon ako para puntahan ka dito." Mamakaawa ni Tanya.
"Umuwi ka na. Wag mo na kong guluhin dito." Kalmadong sabi ni Ari.
"Bakit ba hindi mo ko makita kita Wave!? Ako yung kasama mo sa lahat ng paghihirap mo nung nasa Siargao ka!? Tatalikuran mo na lang ako!? Wala na kayo diba? Subukan naman natin Wave." Patuloy sa pagmamakaawa si Tanya.
"Ano ba Tanya! Hindi kita mahal at hindi kita kayang mahalin! Saksak mo yan sa kokote mo! Mahal ko si Val at hinding hindi sasagi sa isip ko na palitan siya kahit wala na kami tandaan mo yan!" Tumataas na ang boses ni Ari sa galit.
"Bakit mo ba pinagsisiksikan ang sarili mo sa taong ayaw na sayo Wave? Nandito ako oh! Subukan mo ko mahalin." Pilit niya.
Laking gulat ko ng bigla niya kinapitan si Ari sa leeg at hinihila niya papalapit sakanya.
Tinutulak siya ni Ari pero mas lalo lang humihigpit ang kapit ni Tanya.
"Ano ba Tanya!? May pamilya na ko! Itanong mo kaya muna kaya sa sarili mo yang mga tinatanong mo sakin!" Sigaw ni Ari.
"Kahit ngayon gabi lang Wave. Angkinin mo ko. Malay mo marealize mo na ako talaga mahal mo." Pagpupumilit niya.
Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko.
Lalapitan ko sana sila ng bigla may pumigil sakin.
"Don't interfere." Warning sakin ni Yanna.
Tinignan ko na lang ang reaction ni Ari.
Bakas sa mukha niya ang pandidiri at galit.
"Nahihibang ka na ba?! Hindi ko magagawang lokohin si Val. Umalis ka na Tanya! At baka makalimutan kong kaibigan kita." Banta ni Ari.
"Wala na kayo Wave! Pwede mong gawin lahat ng gusto mo!" Wika niya.
"Mamatay na lang ako kaysa makipag sex sayo." Sambit ni Ari.
Narinig ko nagpigil ng tawa yung katabi ko dito.
Tinabig ni Ari ang braso ni Tanya at dali dali sumakay sa motor niya sabay alis.
Bigla kami nagtago ni Yanna nung mapansin naming tumitingin si Tanya sa paligid.
Lumabas naman kami agad nung umalis na siya.
"What just happened?" Wika ni Yanna.
Parehas pa kami nasa moment of shocked sa na witness namin.
Hindi ko na nga rin namalayan na nasa sasakyan na pala ako ni Yanna.
"You have a gun here right?" Tanong ko habang sinusubukan buksan ang glove box.
Gulat ko nung bigla niyang pinalo yung kamay ko.
'Ang bigat ng kamay ah!'
"Masakit ah!" Singhal ko.
"Don't be stupid." Wika niya.
Tinignan ko siya ng masama at nag cross arms na kala mo bata.
Pinaandar na ni Yanna ang kotse.
"The loyalty Ari has to you." Impressed na impressed wika ni Yanna.
I just nodded sabay tingin sa bintana.
Hindi ako makareact dahil prinoprocess ko pa yung nangyari kanina.
Gustong gusto ko talagang lapitan si Ari that time pero pinipigilan ako ni Yanna.
"Are you not flattered by her words?" Tanong ni Yanna.
"Wag na lang natin pag usapan yung nangyari kanina. Late na tayo sa business meeting." Pagbabago ko ng topic.
Mukha man akong kalmado pero deep inside kumukulo ang dugo ko.
Ayoko na pag usapan baka kung ano pa magawa ko.
Nagsisisi ako na hinayaan kong pigilan ako ni Yanna.
Hindi ko manlang nagawang protektahan si Ari nun.
Pero okay na rin na pinigilan niya ko parang bigla bumukas ang isipan ko.
Ngayon? hindi ko pa alam ang dapat ko maramdaman kay Ari.
Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko.
As of now gusto ko lang ipadala sa impyerno si Tanya.
Niremove ko muna lahat ng thoughts ko dahil nandito na kami ni Yanna sa meeting place at late na kami.
Yanna's POV
'Still playin' hard to get huh?'
'Well you can play that game, I'll play mine.'
BINABASA MO ANG
Our Past (Book 2)
FanfictionReminiscing Our Past That I Will Never Forget. Book 2 of Our Paths
