Chapter 65

616 21 17
                                        

Val's POV

After ng meeting ay bumalik agad kami sa Airline.

Dumeretso ako sa office ko.

Umupo ako sa desk chair ko at pumikit.

Sa totoo lang wala ako na intindihan sa meeting.

Good thing at nandun si Yanna.

Kailangan ko kumalma.

Pagmulat ko tinignan ko ang paligid.

'Pakakalat'

Para mawala ang bumabagabag sa utak ko ay naisipan ko na maglinis ng desk ko.

Habang naglilinis nakita ko yung flowers na inabot sakin ni Ran at alam ko naman kay Ari yun galing.

Nung kinuha ko ito may nahulog na letter.

Agad ko ito kinuha at binasa.

To Mrs. Valentina M. Ramirez,

      Hi! Alam kong galit ka sakin. Alam kong ako na pinakakinamumuhian mong tao sa balat ng lupa. I know I destroyed Artemis, the person who loves you. Pero sana bigyan mo ko ng pagkakataon na mabawi lahat ng ginawa ko. Sorry if I failed as a wife and a mother to you and Ran. Please let me redeem myself Val. Hindi ko man maalala kung paano kita minahal dati pero pangako papantayan ko o mas hihigitan ko yun.If ayaw mo na talaga. Okay lang, Hindi porket ayaw mo na ay titigil na ko mahalin ka.

    I also want to address to you kung bakit ako nawala after Japan. I'm with Dr. Xy kasi gusto ko bumalik ang ala ala ko. Sinubukan namin ang iba't ibang paraan pero wala, hindi kaya ibalik. Gusto ko kasi ibalik kung paano ka minahal ni Ari noon. Gusto ko ibalik sayo si Ari, Val. Yung Ari na never ka sinaktan at gagawin lahat para sayo. Araw araw ko pinagdadasal na sana paggising ko maalala ko na lahat. Mahal na mahal kita Val gagawin ko lahat para sayo.

Love,
Artemis Ramirez/
Alona(Wave) Asuncion

Hindi na ko nagdalawang isip pa at dali dali akong tumakbo papasok ng kotse ko.

Ni wala na kong pake sa itsura ko.

I badly wanna see her right now.

I was crying while driving.

Wala na ko halos makita sa daan.

Nakarating ako sa bahay niya dito sa Pasay expecting that she's here.

"Ari?" Tawag ko sakanya pag pasok ng bahay.

Pero walang sumagot.

Nilibot ko na rin ang buong buhay ngunit wala akong nakitang Ari.

Dali dali ako bumalik sa koste.

Hoping na sana nasa Antipolo siya.

Habang nasa kalagitnaan ng byahe na isipan kong tawagan siya.

Nakakadalawang palang ay nasagot na agad.

"Ari asan k-"

"Yow? What is up Valentina?!" Bungad ni Yanna sakin.

Dali dali kong tinignan ang contact baka namali ako ng tinawagan.

Pero hindi si Ari talaga ang tinawagan ko.

Our Past (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon