Chapter 69

339 16 0
                                        

Val's POV

"Minsan kasi hindi tayo tuluyan umuuwi. May dinadaanan pa tayo!" Nag umpisa na ulit kami maglakad.

"Kasali rin ba yung holding hands?" Birong tanong niya.

"Oo naman! Minsan nga magkaholding hands pa tayo sa ilalim ng unan." Pagmamayabang ko sabay kindat.

Natawa ako sa reaction niya.

Nakarating na kami sa gilid ng simbahan.

Buti at nandun si kuya nagbbenta ng kwekkwek.

Kumuha ako ng dalawang baso at inabot sakanya.

"Fave natin tong dalawa. Nadala na rin natin dito si Jane dati." Kwento ko.

Nilagyan ko ng matamis at suka ang baso niya kasi yun ang lagi niya ginagawa.

"Oh! Dahan dahan ah! Last time napaso ka!" Warning ko.

Hinipan niya naman ito ng maayos bago kainin.

"Hmm! Ang sarap parang naalala ko lahat ah!" Sambit niya.

Kinurot ko siya sa tagiliran.

"Joke lang! Pero wala man maalala ang utak ko. Alalang alala ka naman ng puso ko." Wika niya sabay kindat.

"Bwiset." Sabi ko habang natatawa.

'Pakacorny.'

Pagkatapos namin kumain pumunta kami sa bahay ni mama dahil may pinadeliver ako dito.

"Ano gagawin natin dito kela tita?" Taka niya.

"Mama! Hindi tita! Kasal tayo remember!?" Correct ko.

"Ay oo nga pala!" Realize niya sabay kamot ng ulo.

Pag pasok namin sa gate bumungad samin yung pinadeliver ko.

Sa sobrang tuwa ko ay dali dali akong lumapit.

"Ebike?" Taka niya.

Dali dali ako sumakay at binuksan ang ebike.

"Let's go bro." Aya ko.

"Bro?" Taka niya.

"Tawagan natin nung highschool." Inform ko.

Tumungo tungo lang siya at sumakay na rin.

"Lagi tayo nakaganito dati." Kwento ko habang nagmamaneho.

"Angas nga ng ganito eh." Wika niya.

Nagtungo na kami sa kabilang village kung saan wala gaanong sasakyan at dito rin kami umiikot noon.

"Dito tayo lagi umiikot dati kasi wala gaanong tao. Minsan pa nga dito tayo nag jojogging." Kwento ko.

"Ganda nga dito eh. Bili tayo property dito." Aya niya.

"Pwede naman hindi kagaya dun satin na ang ingay ingay." Agree ko.

Well naalala ko rin na dream niya talaga magkabahay dito.

Nung nakarating kami sa dulo na lungkot ako dahil wala na yung Jollibee na binibilhan namin dito.

"May Jollibee dito dati sadly wala na siya. Dyan tayo bumibili tapos may pinupuntahan tayo after." Kwento ko.

"Saan naman tayo pumupunta?" Tanong niya.

"You'll see. Pupuntahan na natin ngayon." Wika ko at inandar na ulit ang ebike.

Habang pabalik kwinekwento ko sakanya lahat.

Pati na yun yung na semplang ako dahil sakanya at yung semplang ni Ash na nakatayo na nga siya natumba pa.

Our Past (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon