Val's POV
"Tara! Akyat tayo!" Aya ko sakanya sabay hila.
Nasa 4th floor ang room namin kaya nakakapagod.
"Ang taas naman!" Reklamo niya.
Natawa na lang ako at dali dali siya hinila sa isang room.
Pag pasok namin parang walang pinagbago.
Lumapit ako sa aircon at binuksan ito.
Sorry batas eh hahahaha!
"Pwede ba yan?" Tanong niya.
"Wala naman tao kaya hayaan mo na." Wika ko.
Umupo ako sa isang arm chair at pinaupo ko rin si Ari sa may upuan sa likod ko.
"Itong pwesto na to. Dito natin una nakita ang isa't isa." Kwento ko.
"Huh? Talaga?" Hindi siya makapaniwala.
Flashback
"Val! Dito ka sa tabi ko!" Hila sakin ni Mary at dali dali ako umupo dahil tapat ng Aircon.
Sakto naman at dumating na yung teacher namin.
Kilala ko naman na ang teacher namin kasi galing siyang elem department at ngayon lang siya nag turo ng highschool.
Matagal ko na rin klaklase yung iba since 1 section lang per year dahil maliit lang ang school na ito.
Syempre first day kaya may introduce yourself.
Nauna kaming mga matagal na dito sa school bago yung mga new students.
Hindi ako nakikinig sa introduction ng mga new student dahil busy ako sa pakikipag daldalan kay Mary at makikilala ko rin naman sila soon.
Pero sinaway kami ng teacher namin kaya napatingin na lang kami sa nagsasalita.
"Hi I'm Artemis Ramirez, I'm from a Christian School pero wala silang highschool so I transferred here." Wika niya.
Pinaupo na siya ng teacher namin.
Sinusundan ko siya ng tingin habang papunta siya sa upuan niya.
'Ay sa likod ko pala siya nakapwesto.'
Nagulat ako ng napatingin siya sakin.
Pero hindi ako nagpahalata nginitian ko siya.
She smiled back naman.
Dahil natapos na ang introduction bigla nagpakuha yung teacher namin ng 1/4 paper.
Ewan ko at kung ano pumasok sa isip ko at nilingon ko siya at nag offer sakanya ng papel.
"Thank you Valentina." Pasalamat niya.
'Naalala niya pangalan ko?'
End of Flashback
"So nagsimula talaga ngiti at sa 1/4 sheet of paper." Di makapaniwala si Ari.
"Oo! Ewan ko napakafriendly ko. Hahahaha! At iyang aircon na yan? Lagi tayo nagkakasundo dyan na satin lang itutok! Mga makasarili eh." Dagdag ko.
Tumayo na kami at nag lakad lakad sa mga iba pang rooms.
"So si Engr. Clark, ikaw at ako ay close?" Paglilinaw niya.
"Yes! Puro tayo kalokohan nung grade 7 pero nung grade 8 iniwan niyo ko! Pero mas naging close tayo nung grade 9." Kwento ko with tampo pa.
"Wait lang so kahit si Ash bestfriend ko? Klaklase rin natin siya?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
Our Past (Book 2)
Fiksi PenggemarReminiscing Our Past That I Will Never Forget. Book 2 of Our Paths
