PANGAPAT

3 0 0
                                    

Inihagis ang bato at panoorin
Lumubog ito hanggang sa pinakamalalim
Habang hinahayaan ang sariling Malunod sa lungkot
Malunod sa lungkot

Akala ko hanggang dulo
Bat ngayon nag-iisa ako
Oh diba wala akong natutunan

Ang hirap mo parin kalimutan
Ikaw parin ang nasa isipan

"Hirap Kalimutan" ni Jan Roberts

Natapos na ang lahat, natapos na rin ang ating ugnayan
Tila ba naging masaya ka na nang wala ako
Kahit hanggang kaibigan lang ang ating relasyon, tagos pa rin ang mga binitawan mong salita

Simula noon...
'Di na umaasang muling iiangay ang aking telepono sa iyong mga mensahe

'Di na masisilayan ang iyong matatamis na ngiti na sa isang palamang tayong nagkita, hayyyy ako'y inlababo na.

Mga banat mong nakakatawa 'di na muling matatawa dahil may pinapatawa ka nang iba

Magkrus man ang landas natin sa isang pasilyo o daan, 'di na muli akong kikiligin gaya ng aking mga napapanood sa telebisyon.

Nagbago kana.....
'Di na ikaw ang dating ikaw na nakilala ko
Ang kilala kong lalaki ay isang pasensyoso, mapagkumbaba at masayahing tao
Tila ba ngayon ika'y nagbago na
Mas naging seryoso, nanlamig at hindi na makulit gaya ng dati.

Ganon na ba talaga kapag may minamahal na, kinakalimutan na ang unang tumanggap bilang ikaw, kung ano ang TUNAY na ikaw.

Matalino ako sa eskwelahan, pero tanga ako sa pag-ibig....

Ikaw at Ako Sa Malayang Pag-IbigWhere stories live. Discover now