Kay tagal kong inantay ang pagkakataon na ito
Pagkakataong makakalaya na ako sa iyo
Oo, Aaminin ko nagiging baliw at tanga ako dahil wala naman talaga tayo pero binibigyan ko lang ng dahilan ang sarili ko para mahalin ka
Ganito siguro talaga ang epekto kung alam mo na talaga. sa umpisa na talaga na walang magiging WAKAS dahil wala namang naging SIMULANauwi lang pala ako sa puro AKALA
AKALA ko may pag-asa, AKALA ko
magkakatotoo, AKALA ko kasi....Nauwi lang pala ako sa puro WHAT IF
WHAT IF hindi kami nagkakilala, WHAT IF hindi ko siya nagustuhan, WHAT IF lahat ng ito ay imahinasyon ko
Nauwi lang pala ako sa puro BAKIT
BAKIT umbot sa ganito, BAKIT ako nagpakatanga, BAKIT siya pa...
Kung tutuosin, kung babalikan natin sa umpisa ang lahat ng nangyari, ako lang pala ang UMASA na magiging tayo dahil sa umpisa palang HINDI MO NA AKO TIPO
Tipo mong magaganda ang kutis at mukha, mapayat, matalino, mahinhin kumbaga "di makabasag pinggang babae"
'Di tulad ko kahit anong pag-ayos at pagbabago sa sarili ko 'di pa rin ako pasok sa standards moHaysss may naloko nanaman sa mga salitang UMAASA, PAASA AT UMASA
Walang masamang UMASA at MAGPAASA ng isang tao, ang masama lang doon ay sinasaktan mo na ang sarili mo sa wala ka namang mapapala.
Malayang maramdaman ng isang tao ang pag-ibig lalo na't hindi ito nagbibigay ng inspirasyon na magpatuloy sa buhay ngunit huwag lang aabot sa punto na ikaw ay maaubos sa wala
Maraming ibang lalaki na deserving sa iyo, hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo. diba?Linisin mo ang puso mo sa mga bagay na wala namang karapatan sa puso mo
babae ka, hindi babae lang
Hindi tanga para maging bulag para sa isang lalaki.Ako si Carmela Villahermosa, mahilig sa musika, kaya itong kuwento na ito ay kaugnay ng mga kantang aking pinapakinggan, mga kantang nagbibigay ng kaginahawaan sa aking puso sa malayang pag-ibig na aking naranasan.
'Di lahat ng depenisyon ng MALAYANG PAG-IBIG ay tungkol sa isang mag kasintahan na nais makalaya sa mundong nakakasira sa kanilang relasyon
Maari ring MALAYANG PAG-IBIG ng isang taong nagmamahal lamang dahil may nararamdaman itong palihim sa isang taong akala nito ay maibabalik. ang pag-mamahalAng aking kuwento ay 'di pa nagtatapos dito, nawa'y maging silbi itong paalala sa lahat 'di lamang sa mga kababaihan kundi sa lahat ng nagmamahal......
Hanggang sa muli,
Carmela VillahermosaAdios......
YOU ARE READING
Ikaw at Ako Sa Malayang Pag-Ibig
RomanceA story about a woman who loves listening to music back in her high school days and as a time goes by those songs reflects her that those what he experienced before is a clue that life/love is not always a a bad thing anyway, you just have to to go...