PANGWALO

0 0 0
                                    

⚠️ [R-18] This chapter contains s*xual harrassment, and other unpleasant behaviors. If you are uncomfortable reading this chapter, you may proceed to the next chapter. Thank you.

Carmela's POV

"Kuy-a, ku-ya-a huwag po maawa po kayo sa akin, marami pa po akong pangarap sa buhay" pagmamakaawa ni Carmela sa lalaking nais siyang pagsamantalahan.

Isang gabi, habang papunta ako sa terminal ng FX van, may kung anong pakiramdam akong nararamdaman, naghalong takot at pag-aalinlangan. Tila ba'y mayroong sumusunod sa akin sa malayo at habang pabilis ng pabilis ang aking takbo, kumakaripas din ito ng takbo papunta sa akin. Sumusulyap-sulyap ako sa paligid ni isang tao wala akong makita na tao. Katapusan ko na ata.

Nabigo akong makatakas.... nadakip niya ako at hindi ko na alam kung ano pa ang mga susunod na naganap. Nagising na lamang ako sa isang bahay, isang bahay na akala mo wala nakatira sa sobrang abandonado at malayo sa lahat. Samantalang ako, mahigpit na nakagapos. Sobrang sakit ng katawan ko, tininganan ko ang aking sarili, sira-sira at punit-punit ang damit, halos wala ng natira.

"TULONGGG! TULONGGG! TULUNGAN NIYO AKO DITOOO! MAAWA KAYO SA AKIN!" malakas ko pagmamakaawa, nagbabakasaling may makarinig ng aking boses.

"Walang makakarinig sa iyo dito at hindi ka makakalabas dito ng buhay" tugon ng isang lalaking naka maskara. Hindi ko alam kung sino siya at sino ang nag-utos  sa kanyang para gawin niya sa akin ito. May mga kasama pa siyang ibang mga lalaking nakatingin sa akin ng malagkit.

"Kung sino man kayo, mga walang hiya kayo! Pakawalan niyo ako dito?! Kung ayaw niyong maparusahan ng batas! Isa akong sundalo, asawa ko sundalo. Kaya pakawalan niyo na ako" pagbabanta ko sa kanila, ngunit hindi sila natatakot sa aking mga sinasabi.

"Ang dami mong dada! Wala kaming pake kung asawa mo sundalo o ikaw sundalo, ang mahalaga ikaw, ang katawan mo at ang perang ipyapyansa ng asawa mo sayo. Pero ngayon, sa amin ka muna HAHAHAHA!"

"Tama na, maawa kayo sa akin.. tama naa, masakit... ANG BABABOYY NIYOO!!"  Sigaw ko habang sila ang pinagpyepyestahan ang aking natitrang dangal sa katawan. Jusko Panginoon, hindi ko ninanais ang ginagawa nila sa akin maawa kayo sa akin, may asawa akong buhay at nag-aalala tapos bababuyin lang ako, wala na akong dangal na natitira. Ang dumi- dumi ko na.

"MAAWAAA KAYOO!!!! PLEASE LANG HO!! KUYA TAMA NA PO!" pagmamakaawa ko  ngunit hindi parin sila tumigil hanggang nagsawa sila.

"Ang ganda mo miss at ang se*y mo pa. Bagay na bagay ka saakin" saad ng isang kidnapper.

"MAAWA HO KAYO, PAYALAYAIN NIYO NA PO AKO!! Bibigayan ko po kayo ng pera once na makatakas lang ako. Marami ako pera, k-k-a kami ng pamilya ko at asawa ko. Please lang."

"Eh hindi naman namin gusto ang pera mo eh. Ang gusto namin ikaw yung magnda mong katawan" 

PLS LANG PO HUWAG POO!!" pagmamakaawa ko.

Kahit sundalo ako sa mga panahong iyon wala akong lakas na lumaban. Ilang araw din nila ako naging bihag. Hanggang isang araw may narinig na lamang akong sirena ng ambulansya o pulis at maraming putukan ng baril ang naganap hanggangsa matagpuan na lamang ako ng mga pulis at ng aking asawa, naka tali sa kama.

"Hun..." salitang nabitawan ng aking asawa. Walang siyang ibang reaksyon kundi awang-awa sa sitwasyon ko, tulala at hindi malaman ang gagawin. Kasama ng mga pulis kinalagan ako kung saan ako nakatali at niyakap niya ako.  Walang tigil ang aking paghagolhol sa iyak sabay ng aking katawan na nanghihina, sa mga nangyari sa akin.

"Hun, ayoko na..." mga huli kong salita bago ako mawalan  malay, hindi ko na alam ang mga susunod na nangyari basta ang alam ko nakita ko na ulit ang asawa ko at ligtas na ako.

Idinala si Carmela sa hospital kung saan siya ay ginamot dahil marami itong natamong sugat,pasa,bugbog sa katawan. Simula ng pagkahimatay ni Carmela hindi pa ito nagigising marahil sa sobrang grabeng pangyayaring kanyang naranasan. Sino ba naman ang taong nanaisin ang sinapit niya? Wala naman siguro.. Alam ng Diyos kung gaano kahirap ang kanyang pinag daanan. Samantalang si Clifford, todo ang bantay kay Carmela habang ito ay nasa confine. Simulang nasa ospital ang kanyang asawa ay hindi na siya umuwi sa kanila bahay, kahit sinasabi na ng kanyang mga in-laws na mag pahinga naman din siya hindi pa rin niya maiwanan ang asawa. Katuwiran niya ay baka kung siya ay aalis, ay may anong mangyari kay Carmela. 

Ilang araw na at hindi pa rin nagigising si Carmela, marahil ito ay epekto ng mga  operasyong ginawa sa kanya. Ngunit isang gabi, bigla na lamang gumalaw ang hintuturo niya at napansin ito ni Clifford. Kasabay ng paggalaw ng kanyang hintuturo ay siyang bagbukas ng mga mata nito.

"Hun.. Kumusta ka?"

"Nasaan ako?"

"Ligtas kana mahal ko"

"Clifford.... sorry.... sorry, hindi na ako karapat-dapat maging asawa mo. Madumi na ako. CLIFFORD NI R*PE NILA AKOO  NG PAU-L-LIT U-U-LIT!" NI R***--PE AKO HUN. DIRING DIRI NA AKOO SA SARILI KO! HINDI KO NA KAYA! PAKIRAMDAM KO ANG DUMI DUMI KO NA! Love hindi ko na kaya.

"Shhh.... shhh.. tahan na.. tahan na, mahal ko. You are safe now." Pagpapakalma ni Clifford habang kayakap nito ang asawa.

Ilang sandali lang ay pumasok na din ang doktor upang tingnan ang kalagayan ni Carmela.

"Mr. Stan, may I speak to you for a minute?" pagtatanong ng doktor na tila ba ay may napakahalang sasabihin at ayaw ipaalam kay Carmela.

"Ano po iyon dok?"

"Mr. Stan, your wife experienced injuries and also a severe trauma that led to your wife experiencing fear, screaming, and recalling all her trauma from the incident. So I suggest that you take care of your wife and never leave her alone." pagpapaliwanang ng doktor kay Clifford na tinugunan naman ito ng luha. Luha na kusang dumadaloy sa kanyang pisngi, hindi malaman ang gagawin kaya siya ay bumalik sa kwarto ng kanyang asawa at sinamahan ito. Naabutan niya ang kanyang asawa payapang natutulog at pinagmamasdan niya ito, awang-awa, puno ng galit at awa sa kanyang mga mata. Galit sa sarili, na dapat hindi niya pinabayaan ang kanyang asawa.  Galit sa mga taong gumawa ng karumal dumal sa kanyang asawa.

"Huwag ka mag-alala mahal ko, makakamit natin ang hustisya mo." wika nito sa kanyang asawa habang hawak-hawak ang kamay nito.

Ikaw at Ako Sa Malayang Pag-IbigWhere stories live. Discover now