PANGLIMA

4 0 0
                                    

Heto ang ngayon, binabalikan ang nakaraan nating pag-uusap
Kung kailan, masaya pa tayo
Kung saan, 'di alintana ang mga usap-usapan sa paligid
Panahon kung kailan tayo malalaman ang ating kaligayahan.

Naalala mo minsan na tayong nagbakasyon, sa isang malayong lugar
Kung saan tayong dalawa ay nasa iisang lungsod ngunit 'di nagtagpo
Parehas ng araw papunta at pabalik, magkaiba lamang ang oras ng ating eroplano
Kasama mo pamilya, kasama ko ang pamilya ko.

Laking tuwa ko, tila ba sinabi ko sa sarili ko "Salamat Panginoon"
Ikaw na nagsasaya sa mga lugar na iyong pinupuntahan samantalang ako nasa bahay lang namin
Walang magwa kundi asikasuhin ang negosyo.

Naalala ko nga pala turista ka pala, nakatira pala ako dito

Noong mga puntong iyon, sinabi ko lahat ng lungkot ko, kaya umisip ka ng paaran para ako'y pasiyahin.

Binuksan mo ang GPS mo at sa bawat lugar na pinupuntahan mo ang iyong kinukuhaan ng litrato para sa gayon kahit sa telepono ako'y gumagala na rin

Naging ganyan ang ating set-up at isang araw na naisipan nating dalawa magkita sa isang attraction na malapit sa amin

'Di kalayuan sa aming bahay, maaring lakarin
Kay ganda ng mga naiiisp nating ideya Ngunit bigo pa rin tayo magtagpo
Siguro 'di pinahalintulutan ni Kupido na tayo ay magkita sapagkat ayaw niyang magdagdag ng dagdag na sakit
Kung darating ang panahon na iiwan mo din ako

Nandito ako ngayon..... sa lugar dapat tayo ay magkikita, kay daming WHAT IF na naglalaro sa aking isipan habang ako ay nakatitig sa magandang tanawin
Tanawin na akala ko masisilayan nating magkasama.

Hanggang akala lang pala ang lahat.....

Ikaw at Ako Sa Malayang Pag-IbigWhere stories live. Discover now