Chapter 2

22 4 0
                                    

Step's Point of View

Ano kaya sa pakiramdam na laging masaya? Buti pa mga kaibigan ko kakyang Sumaya. Samantalang ako eto. Pilit sa lahat ng bagay. Parang gusto ko nalang mapag-isa na sya namang tunay na aking nais.

"Xin, tingin mo ano kaya maging reaction ng prof natin?? Wala tayo sa exam BAHAHAHAHAHAH." ani Jen na may halong halakhak. Napangisi ako.

"Wala naman Silang lake, mga nonchalant Yun sila eh BAHAHHAHAHAH." ani Xin na humalakhak na akala mo'y wala nang bukas.

Ano kayang pwedeng gawin. Boredom is real.
Bakit kasi night class pa? Teka anong oras Naba? Tumingin ako sa wall clock sa taas ng ref at nakita kong 4:30 pm na at parang gusto ko nang lumabas sa apat na sulok na dorm nato.

Pumunta akong Cr para maghilamos. Di ko Alam Pero bigla akong napatingin sa kisame. Bakit may butas? Agad Kong tinakpan 'yon at naalalang....

Lumabas nako ng Cr at nagkwekwentuhan parin sila. Pumunta ako sa kwarto naming mga boys para suotin na ang uniform. Hmmm... Outfit check.

Ako yung tipong lalaking may pakialam when It comes to outside appearances. Naguguluhan ako bakit kailangang may tatak na kutsilyo sa polo ko Pero bakit kina JJ at Art wala naman.

Sumilip ako sa labas ng kwarto ay sina Art at JJ nalang ang natira doon. Siguro nagaayos na ang mga girls.

First time ko mararanasan ang night class. Para bang Kaba Koy dinudurog ang puso ko. Ano kayang posibleng mangyari mamaya?? Napangisi ako.

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang magbukas ang pinto. Iniluwal nito sina JJ at Art. Tinanong ko sila kung anong nangyari bakit sila nagtatawanan kanina. Diko naman kasi sila pinapakaelaman basta nandun ako ok na. Lagi kasi akong naleleft behind kahit sa sarili Kong COF.

Wala akong narinig na sagot sa kanilang dalawa. Napatangi ako at pinagpatuloy nalang ang pagaayos sa sarili. Kinuha ko ang bag ko at inopen ito. Nakita ko ulit yung kahon na bigay ni Xin nung birthday ko. Hindi ko pa to inoopen kasi feel ko ito ang regalo na natanggap ko sa tanang buhay ko na unbyable.

Sumagi sa isip ko yung mga katagang sinabi sakin ni Papa nung birthday ko.

"Kahit kailan, wala Kang maiaambag. At kahit kailan, di kita matatanggap sa kung ano ka. Di kita pinalaking ganyan Step. Kung gusto ko Mang kainin ako ng lupa, Edi Sana matagal ko nang ipinagsana."

Masasakit na salita ang binitawan nya sakin non. Panahong hindi ko Alam kung anong nangyayari sakin. Di ko Alam kung bakit sa mutang dead ko'y nagawa ko iyon.

"Bro. Alis na tayo bro."

Nagulat ako nang tapikin ni Art ang balikat ko at tumingin ako sa wall clock dito sa kwarto namin. 6 pm na at 30 minutes nalang may klase na kami. Ano kayang klaseng pagtuturo ang gagawin nila samin? Puro patayan ganon?

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Xin na hindi pa dala dala yung bag nya kaya napataas ako ng kilay. Bakit? Hindi ba sya papasok? Pero naka uniform sya? Aalis na kami Pero Asan bag nya?

Tumingin ako Kay JJ at nakita Kong saklay saklay nito yung bag ni Xin. Napatango nalang ako. Masyadong big deal sakin lahat. Para akong pinagiisahan.

Rae's Point of View

Lumabas na kami ng dorm namin at nilock iyon ni Art. Lumapit sakin si Art at inakbayan ako. Enebe kenekeleg ang eabab.

Sumagi sa isip ko na wala nga pala kami sa tunay. Tunay na mundo. Kasi nasa mundo kami ng impyerno. Nag ring ang bell, hudyat na 20 minutes nalang ay umpisa na ang klase.

Dread University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon