Chapter 4

18 1 0
                                    

Xin's Point of View

Habang naglalakad ako sa hallway papuntang dorm namin ay may bigla nalang humila sakin. Dinala nya ako sa oval.

"Sino ka?" tanong ko dito.

"Ako si Ven Franz, Ven nalang. Baguhan lang kayo dito noh?" pagpapakilala nya sakin.

"Oo eh. Ikaw?" tanong ko dito.

"2 months palang ako dito. Dalawa kami ng boyfriend ko na sayang nakapasok sa impyernong lugar na to." pagsasalaysay nya.

Bigla Kong naalala yung nakapaskil sa library. Dane Chaven at Ven Tilador. Hindi kaya sila Yun?

"Ven Tilador?" tanong ko. Nanlaki ang Mata nya at sunod sunod ang tanong nya sakin.

"Pano mo ko nakilala? Sino Kaba? Kaano ano kita?" sunod sunod na tanong nya.

"Nakita ko kasi pangalan Nyo na nakapaskil sa Library bago kami makarating dito. Missing kayo 2 months na." pagsasalaysay ko.

Nakita ko ang pangingilid ng luha nito at namumula na din ang Mata. Nakita ko din ang kami nya.

"Patay na sya." malamig na Sabi nya.

"Sino?"

"Yung boyfriend ko."

"Si Dane Cha-" di na natuloy yung pagsasalita ko nang maramdaman ko ang kamay nyang dumampi sa pisngi ko.

"Napahamak din kayo ng mapa sa library ano?" ani Ven bago umalis.

Napahamak din? Mapa? Sa library?

Bakit? Sila din? So nag-aaral din sila sa Dread University? Teka...

Uulan ata ah. Kumaripas ako ng takbo papunta sa dorm dahil malapit na din pala mag Night of Blood. It's already 6 pm Pero wala pa si Step.

Anyare sa lalaking yon?

"Xin! Magkwento ka naman ng buhay secretary oh!!" pagmamakaawa ni Jen.

"Baks, di mo kakayanin." pagtutol ko.

Naramdaman Kong niyakap nya ako. Tila ba alalang alala sya sakin. Kaya ko naman sarili ko. Ang ayaw ko lang ay ang napahamak ang mga kaibigan ko.

"Guys may pinapirma sakin si Cha." Saad ko.

Nakita ko sa mga Mata nila ang excitement at parang gulat na gulat sila kasi may sasabihin ako.

"Di Nyo Yun magugustuhan." dugtong ko pa.

"Ano bayun?" malamig na Tono ni Step.

"Magkakaroon ng Isang buwan na puro patayan?" dagdag pa nito na ikinagulat ko.

"P-pano mo nalaman?" tanong ko.

"Na pinirmaham mo naman?"

"Baki-"

"So gusto mo kaming mapahamak?"

"Of course not. Guys, nagdadalawang isip ako kung pipirmahan ko Yun. Iniisip ko kayo." pagpapaliwanag ko habang tumutulo ang luha. Napangisi nalang si Step.

"Iniisip? Heh! May Pres Cha ka lang na poprotekta sayo kaya mo pinirmaham yon!" pagmamatigas ni Step.

Napaupo nalang ako dahil sa sinabi nya. Para akong nanliit sa Mata ng mga kaibigan ko. Lahat sila nakatingin lang sakin. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.

Wala nga palang langit sa impyernong to. Napatawa nalang ako. Lumabas ako ng dorm kahit 5 minutes nalang ay Night of Blood na. Wala akong pake. Pupunta ako kung saan ko gusto.

Cha's Point of View

Malapit na ang Night of Blood. Napatingin ako sa hallway. Nakita Kong may natakbong babae na parang umiiyak. Pumunta sya sa Isang waiting shed malapit sa oval.

Dread University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon